Chapter 1

87 21 27
                                        

~Christian's POV~

            Christian Troy Guevara, mula sa mayamang pamilya pero hindi ko naman pera 'yon.  Sa kanila 'yon kaya hindi ko dapat ipagmalaki.  Pero sabi nila mommy at daddy, soon magiging akin daw ang mga 'yon kaya kailangan ko na ring masanay.

            Para sa akin, hindi ko kailangan masanay dahil sasakit lang ulo ko 'pag pinasok ko na ang mundo nila.  Pero hindi naman ako pwedeng humindi sa obligasyong ipinapasa-pasa sa bawat henerasyon ng pamilya Guevara.  Habang maaga pa ay kailangan ko ng tanggapin na kailangan kong patakbuhin sa future ang business ng pamilya ko.  Ayaw ko namang mapunta sa wala ang mga pinaghirapan nila mommy at daddy pati na rin ng mga nauna pa sa kanilang nagpatakbo ng negosyo.

            Dahil half day lang ang klase namin at mamayang hapon pa ang klase namin, nandito sa bahay ang mga makukulit kong kaibigan.  Wala daw kasi silang magawa kaya ako ang kinukulit nila ngayon.

            At ang pinaka makulit sa kanilang lahat, ang nag-iisang babae ng barkada, si Candice Tracy Guillermo.  Grabe ang kulit niyang babaeng yan.  Pinuntahan pa ako sa kwarto ko para lang gumising ako at bumaba.

            "Yie Troy," at kiniliti niya ako sa may tagiliran ko kung saan pinakamalakas ang kiliti ko.  "Troy, gigising na 'yan.  Gigising ka na diba? Troy..." at patuloy niya akong kinulit ng kinulit.

            Troy nga pala ang tawag niya sa akin at siya lang ang tumatawag sa akin ng ganuon. Endearment na rin siguro kaya ayaw niyang may ibang tumatawag sa akin ng Troy.  Para ako lang din na ayaw kong may tumatawag sa kanya ng Tracy.  Minsan kasi when someone's so special, you want to call her using a name that no one else calls her with.

            Medyo nairita ako sa sobrang kakulitan niya at hindi ko na rin kinaya ang pangingiliti niya kaya napaurong ako ng kaunti.  Nawala sa isip ko na nasa edge nga pala siya ng kama at medyo naka-depende ang balance niya sa akin para hindi siya mahulog.  "ARAY!"  At ayun na nga, nahulog siya.  Nakita ko siyang umiyak habang tumatakbo siya palabas ng kwarto.  Kahit na nasa 6th grade na kami, hindi parin nagbabago ang pagkaiyakin niya.

            Patay ako nito. Aawayin nanaman niya ako at maging ang barkada aawayin ako dahil sa nangyari.  Ano ba naman kasing naisip niya at pinagkikiliti niya ako ng ganuon at ano ba naman kasing naisip ko at kinalimutan kong nakadepende siya sa akin?  Ang aga-agang problema.

            "Uy Tracy wait,"  sinubukan ko siyang habulin para hindi na lumala pa ang problema.  "I'm sorry hindi ko talaga sinasadya na mahulog ka.  I'm really sorry.  Wait for me naman oh."  paulit-ulit kong sinasabi pero hindi siya tumitigil.  Patuloy parin siya sa pagtakbo at patuloy parin ako sa paghabol sa kanya.

            "Dude, what's wrong with you?"  at ayan na ang pagsabog ng sunod-sunod na bulkan.  Dahil nga si Tracy lang ang nag-iisang babae, sobrang protektado namin siya, nila.  "Ang aga-aga palang oh.  Do you even know na si Candice pa ang nagyaya na pumunta dito para lang puntahan ka?  Or do you even care about that?  Alam mo bang pinuntahan niya pa kami ng pagkaaga-aga sa mga bahay namin para gisingin kami at sabihing puntahan ka kasi baka nabo-bore ka na?  Dude, you didn't even care about what she feels!"  Ok, so that's our Alexander the great, the great kasi siya lagi ang sumbungan ni Tracy pag may pagkakalabuan and may problema kami.

The Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon