Nasa classroom ako kasama ko mga kaibigan ko, at syempre inaasar ako ng mga kaibigan ko, di talaga mawawala yun sa magkakaibigan.
Inisip ko kung pano ako magpapakilala mamaya, pupunta ba ako sa harap ng room nila, hatid ko ba, nalilito ako pero ayaw ko naman maging fc kaya inisip ko na ichat ko nalang siya sa FB.
Gabi ng araw na yun, pagkauwi ko siya agad yung inisipan kong ichat at syempre nagsimula ako sa Hi.
Jam:Hi po
Sophia:Hello kuyo
Jam:Ako yung pinakilala ni Francis kanina
Sophia:Ah ikaw pala si Jam na sinasabi ni Francis. Waahhh hello hahaha
Jam:Hahahaha nahihiya ako kanina sobra
Sophia:Mukhang hindi naman hahaha
Jam:Luh napaakbay nga ako sa kaklase ko eh
Sophia:Hahahaha nabigla talaga ako kanina na pinakilala ka ni Francis, sinabi niya sakin na may ipapakilala ako sayo, yung dati kong kaklase si Jam sabi niya tapos sabi ko naman di ko kilala yun
Jam:Hahahah buti nga pinakilala na niya ako eh
Sophia:Actually dati pa sinabi sakin ni Francis na may gustong kumilala sakin kaso di natutuloy
Jam:Umiiwas ako ehh hahahaha nahihiya ako
Sophia:Ah hahahaha kaya naman palaAt dun nagsimula ang pagkatanga ko sakanya, nagsesend siya ng mga pictures niya at ang sobrang cute niya dun, mga cosplay, at mga drawing niya.
Naaalala ko pa yung unang beses ko pa siyang hinatid.
Film Showing nun ng section nila nun at yung movie na pinanood niya di pa tapos kaya hinintay ko siya hanggang matapos yung movie at nung labasan na.Unang nakakita sakin yung mga kaklase niyang lalaki, at inasar ako, syempre, pero yung itsura ni Francis parang sinasabi sakin na "Kaya mo yan Jam".
Nung nakita ko na siya syempre natuwa ako kasi first time ko siyang nakita ng malapitan, ang cute niya lalo kapag malapit ka sakanya. Ang lalim ng boses niya pero magaling kumanta.
Papunta kaming National nun kasi may bibilhin pa siya at buti nga na pumunta kaming National kasi mahilig pala siya sa mga libro at mga mahahabang libro gusto niya parang ako, syempre artist siya tumingin kami ng mga paint materials, honestly di ako interested sa painting, gamer kasi ako kaya hindi ko masyadong inaatupag ang ibang bagay besides school.
Habang pauwi na kami napadaan kami sa 7/11 kasi gusto niya ng Slurpee. Habang bumibili kami nakita kami ni Vince kasama niya yung kaibigan niya. Si Vince, ang bakla kong kaklase, masaya kasama kaso mahirap kaaway. Tinanong ni Vince si Sophia,
"KaMU mo?" Sabay kaming sumagot ng "Hindi ah"
"So, ano kayo?"
"Friends kami"
"Ikaw Jam ah, Sophia ka pala eh"
"Wag mo lang tong gawing issue sa room, kapag eto nalaman ni ma'am malalagot ka sakin"
"K fine"
Ayun habang nasa counter kami may dumating nanamang bagong kaclose ko, Pinsan kong si Lance. Si Lance, pinsan kong nagaaral rin sa Sumulong, may pagkafamous siya kasi kasali siya sa Dance Troupe.
"Hoy Jam nangbababae ka nanaman!" Sabi sakin ni Lance
"Patay nandito pinsan ko." Bulong ko kay Sophia
"Wait pinsan mo si Lance?"
"Oo, at alam kong sasabihin mo. Hindi halata."
"Hahaha pinsan mo pala si Lance at hindi mo sinasabi sakin."
"Sasabihin ko rin sayo eh kaso nakakalimutan ko"
Nung pagtapos naming kumuha ng Slurpee, nilapitan namin si Lance at kinausap ko,
"Gabi na ah, bat kapa nasa labas?"
"Bat ikaw? Ay oo nga pala, bat mo kasama ni Sophia? Alam ba ni Tita Diana to?"
"Kung sinabi mo malalaman kaya manahimik ka lang ok?"
"Tsk manliligaw ka tapos di alam ng magulang mo"
"Wag mo nalang ako tularan hahaha"
"Ikaw talaga hahaha sige ikaw na bahala kay Sophia"
Pagtapos naming bumili ng Slurpee, hinatid ko na siya pauwi at naghug kami sa harap ng bahay nila. Gusto ko pa siya kasama kaso all things must come to an end.
BINABASA MO ANG
Moment Of Truth
RomanceSi Jam ay isang gamer na hopeless romantic. Malalaman niyo ang mga pinaghirapan at pagdurusa ni Jam para makuha niya si Sophia. Kaya niya ba makuha si Sophia O mabubusted ulit siya