Chapter 11: Cousins

29 1 0
                                    

Nasa bahay ako pagtapos ng tour, umalis sila Mami kasi sinugod si Lola sa ospital at ako nalang raw matitira sa bahay kaya naisipan kong magpuyat. Nung nanonood ako ng tv tumawag si Mami.

"Jam, nakauwi ka na?" Sabi ni Mami na worries na worries

"Opo Mami, bumili ako ng Mcdo ahh"

"Sige. Wag ka magbubukas ng pinto ahh magingat ka jan"

"Sige Mi"

*Call Ended

Nung pagtapos ng call, biglang may kumatok sa pinto. Yung pinsan ko lang pala, si Lance pati si Stephen. Si Stephen, nickname "Nognog" Pinsan ko na Varsity at nagaaral rin sa Sumulong.

"Hoy Jam dito raw muna kami matutulog, masikip sa ospital" Sabi ni Lance

"Sige lang"

Nandito lang kami sa bahay at nagwifi, computer pati nanood ng TV at biglang naalala ni Lance yung nangyari sa 7/11.

"Hoy Jam, anong meron sainyo ni Sophia?" Sabi ni Lance

"Hinihintay ko pa, bakit?"

"Ah kasi nakakachat ko kasi minsan eh tinatanong ko kung anong merin sainyo pero hindi niya sinasagot"

"Ah hinihintay ko kasi gusto niya magfocus muna sa School at sa VA niya kaya maghihintay nalang ako"

"Ah kaya pala pero hindi ko kayo nakita magkasama sa EK ah"

"Issues lang pero hinihintay ko lang"

"Ahh goodluck nalang sayo. Alam mo ang tapang mo"

"Bakit naman?"

"Kasi naghihintay ka sa taong hindi mo alam na sasagutin ka"

"There's a chance diba? Hindi naman ako aasa ng walang dahilan"

"Kaya ka matapang, kaya ka mabilis masaktan dahil sa ginagawa mo"

"Hayaan mo na ako, ikaw nga kung sino sino yung babae mo eh"

"Hoy manahimik ka kung ayaw mo masaktan ha"

"Opo boss"

Pagtapos namin magusap ni Lance pumunta ako sa kwarto ko at natulog.

Kinakabukasan, isang normal na araw pa sa single na gamer. Laro, kain at tulog. Hindi ko pinansn ang phone ko kasi alam kong hindi magmemessage si Sophia. Ang bagal ng oras kapag wala kang ginagawa. Habang si Lance nasa labas naglalaro ng basketball kasama si Stephen, ako naglolol.

Hapon ng araw na yun, sinundo kasi sa bahay namin at pumunta kami sa ospital. Nung dumating kami sa ospital, biglang sinalubong ako ni Jj. Si Jj, pinsan kong bata. Namiss ata ako.

"Oh Jam, kamusta tour niyo? Sabi ni Mami

"Ok lang naman"

Kinuwento ko lahat na nangyari sa tour at sa bus. Syempre natawa siya sa nangyari sa 3D Art Museum.

"Grabe yang mga kaklase mo" Sabi ni Mami

"Nga pala kamusta si Lola?"

"Nanghina lang yung katawan niya kahapon, kailangan niya lang ng pahinga. Mamaya lalabas na tayo kaya ikaw magluto ah"

"Ako pa ba? Jam to eh! Ako bahala mamaya"

"Wag na! Sunugin mo pa eh"

"HAHAHAHA"

Nung nilabas na si Lola sa ospital, pumunta na kami sa bahay nila. Syempre buong pamilya nandun, every weekends naman eh, at masayang naginuman ang mga tito, tita at magulang ko.

Habang kaming mga bata nasa kwarto, naglaro kami ng kung ano anong mga laro na inembento ni Lance at syempre naging masaya kami. Nung natapos na ang laro, lumabas na kami at kumain at naligo. 11 kaming total na magkakapinsan pero yung isa matanda na kaya kaming sampo nalang ang nagbobonding. Bakit ang dami namin? 7 Yung Tita ko at 2 yung Tito ko kaya ang dami namin. Masaya naman kapag masaya kasi marami kang kalaro at pagkadating ng High School pareparehas kami ng papasukan na school kaya masaya. Pagtapos nila maginuman, umiwi na kami.

Linggo, nagsimba kami at kumain sa labas. Paguwi namin nanood kami ng movie sa tv at pumunta sa sa bahay ng lola ko. Isang normal na weekend na hindi ako chinat ni Sophia. Sad :(

Moment Of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon