It takes a turn for the worst. Nung gabi ng araw na yun, nagchat kami ni Sophia. Nagulat ako sa sinabi ni Sophia.
"Jam, maaga ako matutulog ngayon"
"What? Ikaw? Sayo pa nanggaling yan ah. Bakit naman?"
"Jam, I need rest kasi antok na ako. NagMAPEH kami kanina at pagod na pagod ako, at nung nagklase inasar pa ako ni Ma'am"
"Ah, inasar rin ako ni Ma'am Yarl eh. Bwiset, kaya mo pa ba yung pangaasar sayo?"
"Jam, ok lang sakin maasar. Sige matutulog na ako, Good Night"
"Good Night Sophia"
Nung nagoff na si Sophia, chinat ko si Chelsy.
"Hey Chelsy" With Sad Emoji
"Heeey Jam. Bat parang malungkot ka?"
"Kasi si Sophia, ang aga niya natulog at wala akong kachat"
"Yung ex mo HAHAHAHA Dejk bat naman ang aga niya natulog?"
"Puyat kasi siya kahapon at ngayon nagMAPEH sila. At ngayon pagod na pagod siya"
"Hay nako Jam , alam ko yung moves ng mga babae. May itetext lang yang iba"
"May tiwala ako dun. Hindi ako gagaguhin nun"
"Hay nako -___- Wag kang maniwala at kung pinaiyak ka niyan, uupakan ko yang babaeng yan"
"Opo tsaka nanjan ka naman kapag pinaiyak ako ni Sophia eh"
"Bahala ka diyan"
"Luh Chelsy naman oh"
"HAHAHAHA Oo na panget, kahit ganyan ka ang swerte mo kasi ganto best friend mo"
"Thank you Chelsy"
"Wala yun"
Nagusap kami ni Chelsy at natulog na kami.
The next morning, nagmessage si Sophia at syempre buong umaga kami nagchat
"Sige Sophia, magayos kana ahh mamaya nalang sa school"
"Sige Jam, ay oo nga pala anong pangalan mo sa section t-shirt? Baka mamaya pangalan ko yung nilagay mo ah"
"Hindi ahh, Jam lang nakalagay"
"Ah okay okay. Kala ko nilagay mo Sopiam o JaHia HAHAHAHA"
"HAHAHAHA Ang corny pta"
Kakadating ko palang sa school at una kong nakita si Calvin. Kinausap ko si Calvin.
"Hoy Calvin!"
"Jam!"
Nagman hug kami at naupo kami sa bleachers.
"Man, pwede ba bg favor?"
"Ano yun, man?
"Pwede mo ba bantayan si Sophia para sakin?"
"Yun lang? Sige Jam, ako na bahala"
"Sige man, salamat ah"
"Sige lang basta, you owe me one"
"Sige lang, hahaha"
Pagtapos namin magusap ni Calvin, pumunta na ako sa tambayan namin. Habang naghihintay kami ng bell, pumunta kami ni Dan canteen para bumili. Nakita namin si Sophia habang papunta kami sa canteen, naghi ako at nagsmile siya, as usual pero parang may binubulong yung mga kasama niya.
"Anong meron sa mga kaklase ni Sophia?" Bulong ni Dan sakin
"Hindi ko alam eh, wag mo nalang masyadong isipin"
"Ikaw yata yung pinagbubulungan nila eh"
"Hindi yun, kung ako nga dapat hindi ako pinansin ni Sophia diba?"
"Bahala na Jam, basta kapag ikaw yung nasa hot seat ng Sec. Aluminum alam mo na kung saan galing ah"
"Edi wow Dan HAHAHAHA"
Nung nagbell na at nung pumila na kami, napansin ko na nagbubulungan ang mga taga Aluminum at napapadaan ang tingin nila sakin. Ang weird pero hindi ko nalang pinapansin at nagpapakabaliw ako sa mga kaibigan ko.
Nung pumasok na kami sa room, normal naman ang lahat. Walang masyadong nangyari sa Filipino at Science time kaya skip na tayo sa break time.
Nung break time na, pumunta ako sa harap ng room ng Aluminum at nung lumabas si Sophia nabigla ako, isa lang kasama niya, si Marie. Kadalasan kasi ang dami niyang kasama pero si Marie lang talaga.
"Uhm Sophia" Sabi ko ng naguguluhan
"Oh, Hi Jam. Wrong timing ka kasi kailangan namin tapusin ang assignment namin sa Filipino. Kasi yung isa jan, sabi niyang gagawa siya tapos hindi rin pala gagawa" Sabi ni Sophia
"Bahala kayong dalawa jan, Sophia" Sabi ni Marie tapos umalis na siya
"Oh, magkaaway" Sabi ko
"Hay Jam, hayaan mo na yun. Sige pupuntahan ko na yun, baka kung ano pang mangyari sayo"
"Sige Sophia, uhm see you later?"
"Maybe, baka kasi kasabay ko ang mga kaklase ko"
"Hala, diba Friday ngayon? Hahatid kita ngayon eh promise ko yan every Friday"
"Alam ko kasi sumasabay na ang mga kaklase ko sakin tuwing uuwi na ako eh"
"Luh pano na yan?"
"Umuwi ka nalang mamaya, mapagalitan kapa eh"
"Sige. Punta na ako sa mga kaibigan ko, chat nalang kita mamaya"
"Sige Jam, mamaya nalang"
Naiinis na ako sakanya, ano ba yung plano niya? Bakit ba sumasama ang mga kaibigan niya sakanya? May masama akong nararamdaman mula sa mga kaibigan ni Sophia.
Nung gabing yun, chinat ako ni Sophia.
"Jam, we need to talk"
"Ano yun?"
"Pwede ba wag tayong magsama sa tour?"
"Wala rin naman akong plano sumama sa ibang section eh" with smile emoji
"Ah HAHAHAHA nagalala pa ako kasi kala ko didikit ka sakin sa tour"
Nagusap kami hanggang matulog siya.
Aray ko. Wag kang sumama sakin sa tour, at plano ko pa naman dumikit sakanya. Hay nako, wala akong ibang nagawa kung hindi magtampo sakanya.
Tour Day, syempre nagising ng umaga, pumunta sa Ynares, nakipagkita sa mga kaklase, umalis ang bus at natulog. But the fun is just getting started.
BINABASA MO ANG
Moment Of Truth
RomansaSi Jam ay isang gamer na hopeless romantic. Malalaman niyo ang mga pinaghirapan at pagdurusa ni Jam para makuha niya si Sophia. Kaya niya ba makuha si Sophia O mabubusted ulit siya