Isang linggo ko siyang hindi pinapansin, kada araw namimiss ko siya lalo at hindi ko siya machat kasi hindi pa siya nagsosorry.
Dito naman pumasok si Fred. Si Fred, yung bago kong kaibigan mula sa Sec. Ruby, hyper tapos may pagkaautistic kaya kapag kasama mo siya asahang mong hyper siya, naging Sec. Aluminum kaya kaclose niya si Sophia.
Naglalakad kami ni Dan at Fred papuntang tambayan namin at bigla akong niyaya ni Fred ng "private talk". Sa totoo lang, kahit kaibigan ko si Fred, hindi ko siyang masyadong pinapansin pati si Dan kasi ang awkward niya kausap, hindi pa siya nagmamature.
Eto na yung "Private Talk" namin:
"Ano nanaman yun" sabi ko
"May pinapasabi si Sophia boy"
"Ano yun?"
"Eto kasi ngayon ko lang nalaman na nagtatampo ka saka...."
"Sabihin mo na jusme! Dami pang extra" Sinabi ko ng pasigaw at galit na galit
"Oo na, sorry na raw sa ginawa niya"
" Ayon naman pala eh, kung may sasabihin ka wag mo na lagay yung opinion mo, ok?"
Tapos bigla akong umalis. Hindi ko talaga kaya kausapin siya ng 1 on 1 kasi nga ang daming sinasabi. Habang nasa classroom ako, nagiisip pa ako kung ipapatawad ko na ba siya o hayaan ko nalang siya, nung nagiisip ako pumasok ang last subject teacher namin. Si Ma'am Suarez, Advisory ng Sec. Aluminum. Bigla akong nagising kasi nanjan na si Ma'am.
"Good Afternoon, Emerald" Sabi ni Ma'am Suarez habang lumalakad
"Good Afternoon, Ma'am Suarez" Sabi ng buong klase pero napansin ako ni ma'am na parang kakagising ko lang
"Good Afternoon, Mr. Jam Dela Rosa"
Biglang nagising ako ng tuluyan "GOOD AFTERNOON MA'AM SUAREZ" Sinabi ko ng gulat na gulat
"Yan class, yan yung side effects ng merong nililigawan. Kasi palanging puyat kakamessage sa babaeng mahal niya tapos sa klase natutulog."
Buong klase tumawa tapos umupo na kami. Damn, pati si Ma'am Suarez alam na merong nangyayari samin ni Sophia? Hay nako hirap na nga kami sa mga kaklase namin tapos may teacher pa?! Destiny na talaga kapag nalaman to ni Ma'am Yarl. Si Ma'am Yarl, Advisory ng Sec. Emerald, favorite kong teacher besides kay Ma'am Suarez.
Gabi ng araw na yun, chinat ko na siya, sa wakas! Pero as usual busy siya kaya sinabi ko magusap kami bukas para makausap ko siya ng matino, pumayag siya at nanood na ako ng anime hanggang natulog ako.
Kinakabukasan, gumising ako ng 8am at nagulat ako.
"Bat ang aga ko nagising? Excited ba ako?" Sabi ko sa sarili ko
Wala naman nangyari sa bahay. Kumain ako, naglol, kumain ulit, naligo, nagbihis at umalis.
Pagkadating ko sa school naghintay ako sa tambayan nila, nakita ko ang kaibigan ko si Calvin. Si Calvin, kaibigan ko ng Grade 3 at kaibigan ko parin siya ngayon. Kinausap ako ni Calvin
"Hoy, Jam sino hinihintay mo?" Sabi ni Calvin ng may ngiti sa labi.
"Si Sophia"
"Ay hahaha pumepeg ebeg si kuya"
"Ay nahihiya ako sa may gf ah"
"Ay, wala ako niyan. NGSB ako"
"Sus Calvin, don't me ah"
"Uy nanjan na si Sophia oh" sabay tingin kami kay Sophia
"Yieee"
"Sige man"
"Ge man, kaya mo na! Good luck nalang kay Sophia!".
Habang naglalakad si Sophia nilapitan ko siya at naghi ako tapos ngumiti siya. Namiss ko na smile niya at yung boses niya. Pumunta kami sa tambayan nila at dun kami nagusap.
"So alam mo na kung bakit ako nandito" sabi ko
"Oo Jam. I'm so sorry kasi busy ako sa VA eh malapit na yung deadline ng submission ng exhibit namin sa SM Taytay"
"Ah ok"
Dun kami nagusap hanggang magsimula yung mga klase namin, namiss ko siya kausap sobra. Pumila na kami, sabay pa kami pumunta sa pila namin tapos nakita kami ng mga kaklase namin kaya inasar pa kami.
"Nice one Jam wooohhh" Sabi ni Harris.
At dun na umayos ang ang situation namin, para sa ngayon.
Unfair naman kapag hindi ako nagbigay ng backstory ko kaya eto na. From Marikina City to Antipolo City. Ganun ang experience ko nung bata pa ako. Mahirap lang kami dati. Maliit lang yung bahay, hindi masyadong nakakagala at malapit kami sa bahay ng lola namin. Ang mga alala ko sa luma naming bahay sa Marikina ay sobrang dami, good and bad memories pero ang memories at experiences ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Nung dumaan ang Bagyong Ondoy sa Marikina ay natrauma kami sa baha. Lampas tao at sobrang takot ang mga magulang ko kaya lumipat kami sa Antipolo, malapit sa Lola ko kay Mami. Nung nalampasan namin ang hirap ng buhay dahil nagsimula kami wala, yumaman kami at ngayon nakakatikim kami ng masarap na buhay dahil sa promotion ni Dad tapos sa bagong trabaho ni Mami. So ayun lang naman yung backstory ko. Sa lahat ng hirap sa buhay, meron ring saya at katuwaan kapalit.
![](https://img.wattpad.com/cover/67275004-288-k133898.jpg)
BINABASA MO ANG
Moment Of Truth
RomanceSi Jam ay isang gamer na hopeless romantic. Malalaman niyo ang mga pinaghirapan at pagdurusa ni Jam para makuha niya si Sophia. Kaya niya ba makuha si Sophia O mabubusted ulit siya