Nung umuwi ako sa bahay, pagod na pagod ako kaya natulog ako saglit.
Pagkagising ko, kumain ako ng dinner tapos dumeresto ako sa kwarto ko at naglaro ng computer. Eto lang ang sagot sa depression ko. Tinulungan ako ng larong LoL para hindi ko siya maisip.
Nung nagmessage si Chelsy pagtapos ko maglaro.
"Hoy panget" Sabi niya
"Bakit Bruha?"
"Depressed kapa ba?"
"Medyo pero tinutulungan ako ng LoL sa depression"
"Ah buti naman. Kaya mo siya pagusapan"
"Hindi ko pa kaya eh"
"Kahit saglit lang?"
"Bukas nalang. Hindi ko pa kaya eh"
"Ah sige. Gusto ko lang malaman kung bakit ka attached na attached sa kanya"
"Gusto mo ba talaga malaman?"
"Oo, syempre"
"Siya yung una kong ineffortan ng todo, kaya nung nalaman ko may bf siya, hindi ko kinaya, parang nagunaw mundo ko"
"Kung ganyan mo siyang kamahal, dapat inaalam mo na confirmed na sila"
"Wag muna, hindi ko pa siya kayang kasama"
"Sige pero tatanungin ko si Francis kung sila na talaga"
"Ikaw bahala"
Kinakabukasan, nagsimba ako at nagrelax lang sa bahay bago magtraining. Wala naman nangyari nung training.
Nung umuwi ako, may nagchat sakin, at hindi ko ineexpect yung nagchat, si Fred.
"Boy, importante to"
"Ano nanaman yun? Gusto mo ng kaduo?"
"Hindi yun, tungkol kay Sophia"
"Bakit?"
"Sorry raw kung nagtampo ka at kung nasaktan ka"
"Di uso magsorry, siya dapat magsasabi"
"Ay ganun ba? Ichat mo kaya"
"Try ko"
Pinagisipan ko kung icachat kio siya pero hindi talaga kaya, bukas nalang. Hays, pansinin ko na ba o wag na? Hays ano kaya gagawin ko.
Kinakabukasan, nagannounce ang teacher namin sa MAPEH
"Ang Project ninyo ay sayaw, Sway, Chacha at Waltz."
Inanounnce rin yung mga magkakagroupo at magkagroupo kami ni Chelsy, at magkagroupo rin kami ni Gab.
"Hoy Jam! Kailan practice natin?" Tanong sakin ni Chelsy nung inanounnce na yung magkakagroupo.
"Aba hindi ako leader, mga bida bida kagroupo natin eh"
"Ay oo nga no, hayaan mo na"
"Wag mo lang taasan pride mo at makakaraos tayo"
"Sige pero kapag sinabihan ako lalaban ako"
"Hayaan mo na sila, basta wag ka lang makipagaway"
"Okay"
Nung break time na, todo iwas ako parang spy na may mission.
"Para kang tanga Jam" Sabi ni Dan habang naglalakad kami
"Kailangan ko magingat no kaba"
"Ewan ko sayo, kung ako sayo makikipagayos kana"
"Aba siya magsorry, di ako"
"Babae yan tol, hindi yan magsorry"
"Tangina neto, mukhang may bf nga siya eh kaya ayoko lapitan"
"Alam ko pero pwede naman friends lang eh"
"Di gagana ang friends lang, may feelings pa ako sakanya eh"
"Itago mo nalang at magfocus ka muna sa MAPEH, ang papanget ng groupmates natin"
"Oo nga eh lalo na si Jolibee nako"
"Bida ang saya talaga HAHAHA"
Nung nakarating na kami sa tambayan namin, nagmeeting kami
"Waltz yung nabunot ko" Sabi ni Jane
Si Jane, yung tumatayong leader sa group namin, nickname "Jolibee".
"Iyak HAHAH" Sabi ni Gab
"Oo nga eh, bukas ipagpapartner ko na lahat at the day after tomorrow may practice"
"Sino magiging partner mo Jam?" Tanong sakin ni Dan
"Gusto ko maging partner si Alyssa kaso malabo yan"
"Sa tangkad mong yan si Alyssa yung magiging partner mo? Ang layo talaga HAHAHA"
"Hmmm baka si.... Bahala na, bukas nalang natin malalaman"
Nung uwian na namin, dumeretsyo na ako pauwi at hindi ko pa siya pinapansin. Kung magsosorry siya, dapat harap harapan. Gagamitin niya pa yung mga kaibigan ko para lang magsorry.
![](https://img.wattpad.com/cover/67275004-288-k133898.jpg)
BINABASA MO ANG
Moment Of Truth
RomanceSi Jam ay isang gamer na hopeless romantic. Malalaman niyo ang mga pinaghirapan at pagdurusa ni Jam para makuha niya si Sophia. Kaya niya ba makuha si Sophia O mabubusted ulit siya