Parang hindi ako buhay ngayong araw, namumutla ako at ang baba ng eyebags ko. Wala akong energy at wala ako sa sarili ngayon. Habang papasok na kami sa room, tinatawag ako ni Calvin pero nagbibingibingihan ako kaya hindi ko napansin.
Pagdating ko sa room, nagiisip ako buong Filipino at Science time, ano pa ba magagawa ko, pero may naisip ako nun, bestfriend naman ni Francis si Sophia eh. Kay Francis ko nalang itatanong kung sila na talaga. Desperado na talaga ako nun, gusto ko na talaga malaman, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Nung reccess, sumama ako kila Dan at dumaan kami sa ibang daan para hindi ko siya makita. Nung pagdating namin sa tambayan, nagtaka si Chelsy at Steph. Bigla nila akong kinausap nung lumapit ako.
"Jam? San ka galing?" Tanong sakin ni Chelsy
"May dinaan lang kami" Sabi ko kila Chelsy
"Tara nga dito Jam, may paguusapan tayo"
"Ano yun?"
"Wala ka sa sarili mo ngayon, ano bang meron sayo?"
"Wala lang talaga ako sa mood para maging sabog ngayon"
"Iyak ka ng iyak sa babaeng yan, magtira ka naman ng luha para susunod mo"
"Nadurog ng todo yung puso ko, kahit anong effort gawin ko, sa itsura lang talaga lahat"
"Hoy hindi rin no"
"Kung panget si Francis, magiging MU pa ba rin kayo?"
Biglang nanahimik si Chelsy. Nabigla siya sa sinabi ko, halata sa mukha.
"Sorry Chelsy" Sabi ko "Emotional ako this week kaya ganto ako"
"Sige Jam, naiintindihan kita pero please, promise mo sakin, tama na ang iyak"
"Opo Chelsy"
Ang moody ko ngayon, hahayaan ko ba ang sarili ko na makain ng pagibig? Hay nako, hahayaan ko muna ng 1 week at baka makamove on na ako.
Uwian, may closing ceremony kami at bumama na kami para pumila. At katabi pa namin ang Aluminum, great. Nakita ko si Sophia pero katabi niya si Mark. Hindi ko sila pinansin pero kinausap ako ng mga kaklase si Francis.
"Hoy Sophia" Sabi sakin ng isang taga Aluminum
Biglang namula mata ko, di ko alam kung bakit pero namula. Patulo na luha ko kaya inisipan kong itago ang mata ko at akala ko mapapahiya na ako, biglang sumingit si Billy.
"Napuwing siya" Sabi ni Billy sakanila
Bigla silang tumingin sa harap nung sinaway siya ni Ma'am Suarez
"Thanks bro" Sabi ko kay Billy
"Wala yun, mabilis lang talaga utak ko sa mga ganyan"
"Halata naman eh"
Nung uwian na, dumeretso agad ako sa bahay at pagkaonline ko may biglang nagmessage sakin.
*1 New Message
Francis:Broooooo!
Jam:No yun?
Francis:Pasensiya sa mga ginawa ng kaklase ko ahh
Jam:Ok lang yun
Francis:Sus! Umiyak ka nga kanina eh
Jam:Ay fake tears yun wag ka
Francis:Ewan ko sayo Jam, magbati na nga kayo ni Sophia para hindi na magkaroon ng gulo sa room
*Francis in offline"Magbati? Siya magsorry para mapatawad ko siya. Hindi ko naman kasalanan na sinaktan niya ako eh" Sabi ko sa sarili ko
Kinakabukasan, Start na ng training namin ng basketball para sa Summer Tournament namin.
"Jam, game na oh" Sabi sakin ni Stephen habang pagod na pagod akong nakaupo sa sahig
"Grabe ka! Pinatakbo ako ni Coach tapos gusto mo pa ako maka1v1?" Sabi ko
"Aba, ikaw lang naman walang ginagawa eh. Ako lang yung hindi binigyan na exercise eh kaya gusto ko na maglaro"
"Chill ka muna, ok? Hintayin mo yung utos ni coach"
"Dela Rosa! Bernardo! Center court! Now!" Sigaw ng coach namin
Agad agad kaming pumunta sa gitna ng court at kinausap kami.
"Alam ko yung lakas ninyong dalawa sa court pero bawal kayong magsabay"
"Hala, bakit coach?" Sabi ni Stephen
"Ang ginagawa namin ni Stephen sa court ay pick and roll kaya palaging nakakashoot kami kapag nasakanya na ang bola, kaso bakit hindi kami pwede magsabay?"
"Eto ang problema, malakaki yung kalaban natin dito kaya di effective yan. Ang gusto ko sayo Jam ay stay ka lang sa defensive side at si Stephen yung nasa offensive side. Para kapag fast break sila, kaya mo pigilan yung break at kapag tayo fast break, kaya nating makakuha ng easy layup o three points"
"Sige coach"
"Game na! All players na court! Double time!"
"Bwiset naman bawal tayo magsabay" Sabi sakin ni Stephen
"Hayaan mo na, maganda naman yung plano eh"
"Oo para makascore ka at ako hindi"
"Exactly"
Masaya ang practice, natanggal ang depression at lungkot ko ng panandalian. Atleast natanggal ko muna siya sa utak ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/67275004-288-k133898.jpg)
BINABASA MO ANG
Moment Of Truth
RomanceSi Jam ay isang gamer na hopeless romantic. Malalaman niyo ang mga pinaghirapan at pagdurusa ni Jam para makuha niya si Sophia. Kaya niya ba makuha si Sophia O mabubusted ulit siya