Chapter 10: The "Hugot" Tour

57 1 1
                                    

Nung pagkagising ko, nakita ko si Harris, nanonood ng anime. An otaku is an otaku. Kinausap ko si Harris.

"Boy, tour na tour eh, nanonood ka parin ng anime" Sabi ko ng antok na antok pa

"Wala eh, otaku eh. At wala pa naman tayo sa pupuntahan natin diba?"

"Sabagay. Anong nangyari nung tulog ako?"

"Tulog rin sila, kaya walang nantrip don't worry"

"Good"

Nung nagstetch ako, kinuha ko phone ko. No new messages. As expected, inisipan ko siyang tawagan pero parang nageenjoy siya sa bus niya eh kaya wag na.

8:00 am, lahat ng mga kaklase ko ay nagising na. Tahimik sa bus kaya inisipan ni Vince na magMC para hindi kami mabored.

"Hoy! Ang tahimik naman oh! Usap usap din."

Nakipagkulitan na kami at umingay ang bus, nung namention ako si Vince bigla ng nagkahugutan,

"Taas ng kamay ang may lovelife sa bus na to?"

Nagulat si Vince kasi hindi ako nagtaas ng kamay.

"Hoy Jam, pahumble pa oh. Mamaya naman sa EK magkasama nanaman kayo ni Sophia eh"

Lahat nag "Yieee" pero nabadtrip ako at napansin ni Vince

"Oh, ok lang yan Jam. Ok lang na iwanan kasi may mga kaibigan ka naman, nandito lang ang Emerald"

"Ang drama niyo! Hindi ako iniwanan ni Sophia" Sigaw ko kay Sophia

Tumawa ang mga kaklase ko sa sinabi ko.

"Iiwanan ka rin niyan Jam, wala kasing forever"

"Push mo yan Vince"

9:30 am, dumating kasi sa first destination namin. 3D Art Museum, alam kong mageenjoy si Sophia dito. Hindi ko na hinanap yung bus nila kasi alam kong hindi ako papansinin nun. Nung bumaba ako nakasalubong ko si Chelsy.

"Nasan yung bus nila Francis? T^T"

"Ewan ko dun, at hindi kita sasamahan maghanap"

"Hala galit siya kay Sophia"

"Nagtatampo lang"

"Weeehh? Jam, please samahan mo ako"

"Ayaw ko, bahala ka jan"

"Sige, pero kapag nakita ko si Sophia sasabihin kong naghi ka ah"

"Sige lang"

"Steph! Nasan kana?" At hinanap na niya si Steph

Nung pilahan na, sumabay ako kay Harris at Dan. Habang naka pila naisipan naming magpapicture kaming buong klase.

Hindi niyo ako makikita diyan kasi tago ako pero kakikita niyo rin mukha ko, soon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi niyo ako makikita diyan kasi tago ako pero kakikita niyo rin mukha ko, soon.

Nung pumasok kami, nako nagsitakbuhan na kaming lahat, kada may nakita kaming art nagpapapicture kami. Hindi sana kami titigil pero sinaway kami ni Ma'am Suarez, hindi niya kasama si Sophia.

"Hoy Emerald! Hindi lang kayo tao dito!" Sigaw ni ma'am

"Ay si Ma'am Suarez, tago niyo si Jam" Bulong ni Harris saaming lahat

Nilagay nila ako sa gitna nila at tumakbo na kami, at biglang dumating na si Sophia nung tumatakbo na kami. Nasa gitna na kami ng Art Museum at naghiwalay hiwalay na kami. Yung mga grupo grupo sa room yung mga nagsama, syempre sumama ako kila Dan. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin ni sila Terrence at si Billy. Si Terrence at si Billy, parehong new students at kaibigan ko rin sila.

"Huy, Terrence, Billy. Kayong lang dalawa?"

"Kanina sumasama kami kila Steph pero nahiwalay kami" Sabi ni Terrence

"Ah sige, sumama na kayo samin"

"Sige lang" Sabi nilang dalawa

At naglakad kami, nagpapicture, selfie selfie ganun at nakasalubong namin sila Chelsy at sumama na sila samin.

Nung babalik na sa bus, nagmadali ako kasi alam kong pagtitripan nanaman ako ng Aluminum. Naupo na ako sa bus, nung pagkabukas ko ng cellphone ko, 3 missed calls Mami. Patay ako pagkauwi ko, bigla akong tumawag kay Mami pero cannot be reached.

11:00 am, kala ko dadaan kami ng Mcdo o KFC bago kami pumunta sa EK pero hindi eh, gutom na kami ni Harris kaya kumain nalang kami ng junk foods na binaon ko. Ok na to, atleast may kinain kami. Habang excited na ang iba kong kaklase, ako naman kinakabahan kasi sabi ni Harris na sumakay raw kami sa Extreme Tower, duwag ako sa heights kaya plano kong hindi sumakay.

Nakadating na kami sa EK, syempre pumila kami para makakuha ng ticket at nung nakapasok na kami, si Harris biglang dumeresto sa Extreme Tower at yung iba sumunod sakanya. Habang yung ibang boys dumeretso sa Bumper Cars at pagtapos pumila na kami sa Space Shuttle. Sinakyan namin lahat pagtapos namin magspace shuttle, pati yung Extreme Tower na hindi ko planong sakyan. Pero kwento ko yung katangahan namin ng mga kaklase ko habang sa EK.

Pagkabukas ng Rio Grande sinakyan agad namin, ibig sabihin nun basa kami at sinakyan rin namin ang Jungle Log Jam edi lalong basa kami kaya bumalik kaming bus para magpalit ng damit.

Wala yung driver namin sa bus, pwede naman naming tawagin ang driver namin pero ang ginawa namin, umakyak ang isa sa bintana ng bus at nagpaabot kami ng bag, sympre napagalitan kami kasi nakita kami ng ibang driver. Nung dumating na yung driver, binuksan niya ang bus ang nagpalit na kami. Nagalit yung driver at nung pumasok na kami ng EK, tawa kami ng tawa.

Nagutom kami ni Dan at ni Lex. Si Lex, kaibigan kong palaging mag girlfriend HAHAHA. May nakita kaming Tender Juicy stand kaya dun kami kumain. Nung nakabili na kami, nalito pa yung tindera ng hot dog sa binili namin. Sabi kasi ni Dan hiwalay hiwalay sukli. Pagtapos namin kumain sumakay kaming Anchor's Away. Muntikan na masuka si Dan habang ako may nakatabi akong chicks HAHAHAHA Strong ako eh.

6:00 pm, nasa bus na kami lahat at si Gary nantitrip na, may natira pa sa loob ng EK at ako umiiwas lang sa mga trip ni Gary. Nung umalis na kami, yung mga natulog sa biyahe hindi swerte, nasulatan sila sa mukha ng marker  ni Gray, pagising gising ako para hindi ako masulatan. Si Harris nanood ng anime, si Lex may katabing babae at si Gary yung mantitrip. Tour nga naman.

Umuulan nung nakabalik na kami sa Antipolo, kaya tinawagan ko Tito ko para sunduin ako. Dumaan muna ako sa Mcdo kasi hindi pa ako kumakain at sinundo na ako sa bahay. Masaya ang araw na to kaso hindi pa kumpleto ang araw ko kasi buong araw hindi ko siya pinansin. Nandun na siya, kailangan ko lang siya lapitan pero hindi ko magawa.

Moment Of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon