Chapter 3: She's "Busy"

61 2 0
                                    

Ang best year so far para sakin ay Third Year kasi bumalik yung kaklase ko at naging best friend ko si Chelsy, sa mga susunod na pangyayari importante na yung role niya kaya eto na.

Nung umuwi ako sa pagkahatid ko kay Sophia, chinat ko siya, syempre nagthank you siya sa paglibre at nagchat kami kaso may napansin ako sakanya na hindi pa ako sanay, ang bagal niya magreply. I don't know why pero ang bagal di katulad ng dati, may ginagawa ba siya o may kachat na iba? Di ko alam eh pero may nimention siyang exhibit sa SM Taytay at buong VA dapat gumawa.

"Baka gumagawa siya ng painting para sa exhibit nila sa Taytay. Bwiset ang bagal talaga" Sabi ko sa sarili ko

Third Quarterly Exams, may pustahan yung mga kaklase ko sa LoL, niyayaya ako ni Francis na sumali sakanila kasi lugi sila sa mga kaklase ko, ayaw ko sumama kasi baka sabihin ng mga kaklase ko na sa Sec. Aluminum na ako kasi sumasali ako sa mga pustahan nila, syempre di ako pumayag pero manonood ako para suportahan ko sila.

Sabi ni Francis na kasama si Sophia, siya yung muse nila at si Chelsy yung muse namin.
Nung uwian pumunta ako sa room ng Aluminum at hinintay si Sophia kasi nauna na sila Francis. Nagalit si Sophia kasi iniwan siya pero nandun ako kaya ok lang.

Naglakad na kami papuntang Mineski Infinity, habang naglalakad kami makita kami ng mga kaklase ko. At ang dami nila, yung players at manonood, ang dami. Nagulat ako kasi ang dami nila at inaasar ako, syempre.

"Nice one James" Sabi ni Harris. Si Harris, ang nagturo sakin maglol, pinakamagaling sa Section Emerald.

"Bwiset naka sabay pa natin" Bulong ko kay Sophia

"Ang kulit ng mga kaklase mo"

"Oo nga eh"

"Masaya ang mga kaklaseng ganyan"

"Oo true pero yung iba diyan plastik kaya di ako sumasama sa boys"

"Ah kaya pala kadalasan si Chesly kasama mo"

"Yep, yung nagiging katropa niya nagiging tropa ko kaya hindi ako OP kapag kasama siya"

"Puro babae kasama niya diba?"

"Oo, kaya pinagkakamalan akong bakla eh"

"HAHAHAHA". Ang cute ng tawa niya ughh.

Dumating na kami sa Mineski Infinity. Naglong cut kami para makausap ko pa siya lalo. The moves ko talaga HAHAHA.
Nasa Mineski na kami at sakto dating namin, di pa simula nagsisimula. Naupo kami sa likod ni Francis at nagulat ako kasi nandun si Tony at si Trisha. Tony at si Trisha, parehong Grade 9 Dance Troupe at katropa ni Lance, si Tony ay Sec. Aluminum at si Trisha ay Sec. Pilot. Tinanong ni Tony si Sophia

"Manliligaw mo?" Nanahimik si Sophia at ako naman tinanong

"Nililigawan mo kuya?" Nanahimik rin ako tapos namukhaan ako ni Trisha at tinanong ako

"Pinsan mo si Lance diba?" Sabay kinuha I.D ko

"Oo" Parang tinitignan ni Trisha yung pagkahawig namin ni Lance

Tinanong nanaman ako ni Tony "Nililigawan mo si Sophia?"

"Tony, easyhan mo lang, nahihiya yata si kuya." sabi ni Trisha

"Di kana namin guguluhin, nililigawan mo ba?"

At no choice ako at nagoo nalang ako.

"Yieee si Sophia kinikilig" "Nice one Sophia" sabi nila Tony at Trisha.

At pagtapos nun nagsimula na yung laro. Naglalakad lakad kami ni Sophia sa computer shop tumitingin ng mga naglalaro. May interest pala si Sophia sa Dota 2 at marunong pa.

Pagtapos ng laban, hinatid ko siya pauwi, habang naguusap kasabay namin yung mga kaklaseng lalaki nila Sophia. Nagigigil ako sa mga pisngi niya kaya palagi kong pinipisil, ang sobrang lambot at yung dimples uggghhh.

Pumunta kaming VPas para magcr si Sophia tapos biglang tumawag si Harris.

"Man nasan ka?" Sabi ni Harris

"Papuntang VPas bakit?"

"Punta ako sainyo, maglalaro lang ako"

"Hahatid ko pa si Sophia"

"Sige basta bilisan niyo ah"

Nagcr na si Sophia at pumunta na si Harris kasama si Gab. Si Gab, kaaway namin ni Chelsy sa room, fc sa mga babae, nung Grade 7-8 naging kaibigan ko kaso nung naglol hindi na siya nakipagkaibigan sakin.

"Sige na Harris, uwi na ako." Sabi ni Gab nung nakita niya ako

"Ge man" Paalam ni Harris. Hindi na ako nagpaalam.

"Jam, ayun na si Sophia oh"

"Wait pakilala kita"

Lumapit si Sophia at pinakilala ko siya kay Harris

"Sophia, Si Harris, kaibigan ko."

"Hi po" Sabi ni Sohia

"Hello nililigawan ni Jam" nanahimik kami ofcourse.

Habang hinahatid ko napadaan kami sa Super Metro at dito na naging third wheel si Harris HAHAHA. Palagi kasi akong nagiging third wheel kapag kasama si Harris, pero ngayon siya na third wheel at ang sarap sa feeling na nakabawi na ako. Ginugulo ako ni Harris habang tumitingin kami ni Sophia ng mga gamit. Nung hinatid ko na si Sophia, naghug kami tapos pumunta na kami sa bahay namin kasama si Harris.

Naaalala ko pa yung una kong beses na nagtampo ako sakanya, mahirap kasi hindi mapansin. Gabi nung araw na yun, dumating si Gary sa bahay ko kasama yung gf niya. Si Gary, varsity, adik HAHAHA. Habang kausap ko si Sophia sa messenger, kausap ko rin si Harris at si Gary. Pero kada reply ni Sophia feeling ko hindi siya namamansin kasi patagal ng patagal yung mga reply, nabwibwiset na ako pero ayoko naman magalit sakanya kasi pinopormahan ko eh. Pagtapos kong kumain at maligo chinat ko siya at hindi na siya nagreply, as in. Di na talaga. Nabwiset ako sakanya tapos sinabi ko sa sarili ko na

"Bahala siya diyan, bwiset!". At natulog na ako.

Kinakabukasan. Ang awkward sa school kasi alam nila na nililigawan ko si Sophia pero bwiset ako sakanya nun. Nung nakita ko siya sa school ang sobrang awkward kasi nagsmile siya sakin pero ako yumuko, at feeling ko binubulong ni Sophia ng mga kaibigan niya "Bat hindi niya ako pinansin?"
Nalito rin si Dan kung bakit di ko siya pinansin. Si Dan, pinakamabait kong kaibigan sa mga lalake, parang big brother na siya sakin.

"Hey Bitch, bat di mo siya pinansin?" Sabi ni Dan ng pabiro

"May ginawa siya"

"Parang masama loob mo sakanya ah, anong ginawa niya?"

"Hindi pinapansin yung mga messages ko"

"Ay yun lang pala tapos nagtampo kana sakanya?! Ang tanga mo talaga kaya ka walang gf eh"

"Bat ikaw meron ka?"

"Parehas tayong tanga hahaha"

"Hahaha brothaa talaga"

Gusto ko makipagbati agad pero kailangan ko ng sorry sakanya kasi siya yung hindi namansin eh, mabilis ako magpatawad pero sa situation na to dapat siya yung humingi ng tawad hindi ako. It takes guts to say sorry but only the strong forgives.

Moment Of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon