Chapter Twenty

2K 93 24
                                    

GENERAL POV
Ang matalik na magkaibigan ay kasalukuyang knockdown sa mini bar ni Vice. Si Coco ay nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader, medyo naka-nganga at naghihilik pa. Si Vice naman ay nakaupo sa stool, nakapatong ang dalawang kamay sa mesa at nakasubsob roon ang mukha nito. Himbing na himbing sa pagkatulog ang dalawang nang biglang umalingawngaw ang doorbell ng bahay. Nakailang ulit itong tumunog bago magising si Vice. Inangat nya ang ulo at nilingon ang pintuan, hininhintay kung tutunog ulit ang doorbell. Ilang segundo syang naghintay ngunit wala na kaya napagdesisyunan nyang matulog ulit nang tumunog ang doorbell ng matagal, yung padiin na talaga.

"Ugh!" Inis na padabog na reklamo nito at bumaba na sa stool.

*bzzzt*bzzzzt*
Tuloy-tuloy na pagtunog, dahilan sa pagkakunot lalo ng noo nito.

"Oo na. I'm coming." Husky voice na sagot nya sa doorbell.

Bago buksan ang pinto ay inayos nya muna ang sarili. Hinila nya pababa ang muscle tee nya, kinuha ang muta at inayos ang messy hair.

"Sin---"
"Good morning!" Masiglang bati ni Karylle na syang napagpaputol sa sasabihin dapat ni Vice. "Oh, bat ganyan itsura mo?" Karylle gave Vice a weird look. Napa-roll eyes nalang ang huli from the back of his head and smirked.
"Dapat ako ang magtanong sayo. Bat ka nandito?" Malamig na pananalita nito, napakagat labi tuloy si Karylle.
"Uhm... sabay-sabay na tayong magpunta sa showtime later because... you know, it's the last day of the anniv na." Karylle managed to smile pa din. "Don't worry, I'll drive." dagdag pa ni K.
"K." Walang ganang sagot ni Vice. Napayuko nalang si Karylle at bumalik sa kotse para gisingin si Nadine.

VICE
Napairap nalang ako nang pumasok si Karylle sa bahay kasama si Nadine na papikit-pikit pa na mukhang nagpuyat dahil may eyebags.

"Hi Dad." Pahikab na bati ng anak ko nang mapansing nakatingin ako sakanya.
"Hello, nak. Bat inaantok ka pa? Anong ginawa mo kagabi at tinubuan ka ng eyebags?" Tanong ko habang papalapit sa kanya.
"She has a photoshoot sa Bench, eh inabot ng 1 in the morning. That's why." Singit ni Karylle nang lumampas sya sa aming dalawa ni Nadine at dumiretso sa kitchen.
"Photoshoot? Sa Bench? Anong klase naman?" Tanong ko ulit habang hinahaplos ang mukha ni Nadine
"Pr--"
"Shut up. Hindi ikaw ang tinatanong ko." Naiinis na pagputol ko kay Karylle. Oo, pinahalata ko para malaman nyang ayaw ko syang kausap.
"I'm just being initiative. Inaantok ang anak natin kaya ako nalang ang sumasagot." Pangrarason nya.
"Kahit na. Wag kang makisali." Madiin na sagot kong pabalik na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin. Para saan pa? Tsk.
"Daddy, shhh. Early in the morning, naka-kunot ito." Malambing na putol ni Nadine sa namumuong WW3 namin ni Karylle habang plinaplantsa ang noo ko. What a sweet gesture. :> "I'm not the official model for that photoshoot. Proxy lang ako. In need ng model ASAP kaya no choice, kaya I said yes. And it's time na rin siguro na hindi magturn down ng modelling opportunities." Nadine flashed a toothless smile after.
"Ah. Okay. No doubt naman, perfect ka in that industry kasi mala-manika ang beauty mo, 'nak." Sabi ko while wiggling my eyebrows. Umirap at tumawa naman si Nadine.
"Asuuus. Ayan na naman ang pang-uuto powers mo, Dad. Pero you hate dolls diba? So you'll hate me." At ngumuso pa.
"Exception ka doon dahil ikaw ang pinakamaganda at charming doll na nakita ko. Okay?" Kindat ko. Naka-earn naman ako ng halik sa pisngi from my daughter na may kasama pang matamis na bulong na I love you.

GENERAL POV
"O, Karylle. Nandito ka pala?" Inaantok pang sambit ni Coco habang inuunat ang braso.
"Ah, yes. Sabay kasi kaming pupunta sa show later." Nakangiting sagot ni Karylle after flipping the pancake.
"Yun oh! Hahahaha. Thige, K. Una na ako ha." Paalam ni Coco at pumunta sa sala kung nasaan nakaupo sa couch si Vice habang nakahiga peacefully ang ulo ni Nadine sa lap nito. "Bayth. Kita-kitth nalang sa ABTH." Tumango nalang si Vice sa kaibigan dahil nilalaro nya ang buhok ng anak.

Twin's Mission • ViceRylleWhere stories live. Discover now