Chapter Fourteen

1.7K 91 20
                                    

VICE

"I missed to stare at your gorgeous face. I missed every inch of you. I'm really damn missing you, Ana Karylle." Bulong ko. Habang maingat na hinahaplos ang pisngi nya... at maya-maya'y pumikit.

"I'm very grateful that you're ended up with me. I love you so much, Vice."

Shit! Bakit ko 'to naaalala? Oo, naalala ko ang unang gabi na kami ay mag-asawa na. After we make love, we cuddled and proclaim our promises to each other na sana... matupad.

"Good night, Mahal. I can't wait to wake up tomorrow to prepare a breakfast meal for my husband."

She sweetly uttered after she pecked on my cheek.

Syempre, speechless ang bakla. Kilig na kilig eh. Kasi paano, unbelievable... Unbelievable that she's finally mine and only mine. She's my wife. My surname is also hers. She will be the mother of my... our rather, future babies. And lastly, my 'ka-forever' that I'll take care and I'll love for the rest of my life.

Next morning, I'm the one who first woke up. Nagising akong mukha ni Mrs. Viceral ang bumungad. Nakahiga sya sa braso ko while nakadantay naman sa binti ko ang mga binti and her arms is around my waist, hugging me. Great view to start my beautiful day. I muttered to myself. Nakakainis kasi kahit halos araw-araw kong nakikita ang pagmumukha na ito, gandang-ganda pa din ako at lalo akong nahuhulog sakanya. How I wished kami na talaga hanggang dulo pero parang... hindi umabot.

Luh. I can feel wet liquids streaming down on my face. Hay nakoooo! Umiiyak na naman pala ako. Lumapit ka pa kasi! Tinitigan mo pa kasi! Ayan tuloy, napathrowback ka nang wala sa oras at nasasaktan ka na naman. Tigilan mo na nga 'to Viceral. Please... stop this. Stop this, Vice.

I slowly opened my eyes and again, bumungad sa akin na for me... ang pinakamagandang view that I saw in my entire life. Just like in my memory... Our memory.

Tinitigan ko sya ulit habang ngumingiti ng mapait. I wiped my tears harshly then stood up and left the room in silence. Mapapahinga na sana ako nang maluwag when Archie and Aaron suddenly appeared.

"Oh? Akala ko magpapalit ka ng OOTD? Bakit same outfit pa din?" Tanong sakin ni Aaron. Leche! Nakalimutan ko ang main agenda ko.

"Di 'ko bet mga damit doon sa loob. Kunan mo nalang ako doon sa van." Pangrarason ko. Sana bumenta kahit na alam kong hindi kumbinsido 'tong kaibigan kong tiboli at singkit na si Archie. Nakataas-kilay sa akin eh.

"Okay. Pa-girl or pa-boy?" Tanong ulit ni Aaron

"Pa-girl. Hatid mo nalang sa DR ni Vhongskie. Doon ako magpapalit." I smiled. Yung plastic. Naiinis na ako sa kilay nitong si Archie. Sarap sunugin!

"Geh." Aaron shooked his head and left

"Oh bakit nakataas 'yang kilay mo?" Pagtataray ko.

"Wala ah." Pagtataray din Archie. Psh!

"Okwaaay. Chika muna ako kila Angel." Pa-irap kong paalam.

"Just tell her that you don't love her anymore para naman tumigil na sya sa kakaasa." Pahabol ni Archie. I automatically turned my head with creased forehead. "What I mean is, nakita pa nga lang nya ang clip from the wedding. Ganun na sya kung makaiyak paano pa kaya in the next 5 days. May prod pa kayo together at may Viceral comeback prod ka pa. Alam mo namang malaking bahagi ang Viceral alter-ego mo sa parte ng lovestory n—"
"Hindi ko naman sya pinapaasa, Archie. Kung pinapansin ko man sya oncam or magkakamoment kami sa show, wala lang 'yun sa akin. Manhid na ako, Archie. Kung hindi lang siguro ako kinausap ni Bestie at Direk, hindi ko talaga sya kikibuin. At isa pa, first day ng comeback nya eh diba? Siya yung nagfirst move na pansinin at kausapin ako? Kaya wala akong mali, sya ang mali. Siya mismo nagpapaniwala sa sarili nyang may pag-asa pa kami. Pero sorry, wala na. Once is enough, ika nga. Pakisabi nalang sakanya ha?"
Dire-diretsa kong sagot kay Archie at tumalikod na, bago ko pa masuntok 'to. Nangengelam eh!

Twin's Mission • ViceRylleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora