CHAPTER SEVEN
KINAKAUSAP NI Erica ang mga halaman niya habang dinidiligan ang mga iyon, nang biglang dumating si Reynald.
"Kumusta na si Charlie?"
"Ayun. Okay naman siguro. Nakikipag-asaran pa kaninang umaga, eh." Kumikislap-kislap na naman ang mga mata ni Erica habang nakikipag-usap rito. "Napadalaw ka?"
Ngumiti ito. "May pinagawang trabaho sa'kin si Charlie. I have to take photos of his personal dishes para mailagay namin sa official menu ng itatayo niyang resto."
"Oh? Magtatayo siya ng restaurant?"
"Yes. But not now. May research studies pa siyang ginagawa tungkol sa mga pumapatok na pagkain sa mga Pinoy. So far, food menu and presentation pa lang ang inaasikaso niya." Bumaling ito sa mga halaman niya. "Ooh. Great plants you have there."
Lahat kasi iyon ay malago at maganda ang pagkakaberde ng mga dahon.
Kinikilig si Erica. Si Reynald talaga ang naka-appreciate niyon! "Thank you. Tamang pag-didilig at pagpapataba lang naman ang kailangan diyan. Kinakausap ko rin sila madalas. Nakakatulong daw kasi iyon para maganda ang paglago ng halaman. Ang baliw ko lang, ano?"
Reynald charmingly smiled. "No. I think that's awesome. Kahit imposibleng sumagot ang mga halaman, they are still considered a living thing. You're just making them feel that they are loved. Good job!" Nag-thumbs up pa ito sa kanya.
Tumitili na sa isip si Erica. Naiintindihan siya ni Reynald! Alelluia! Napakabait talaga! Hindi siya hinusgahan at tinawag na baliw o weirdo. Good job daw! Good job! Ang sarap nitong yakapin, kung puwede lang talaga!
Hindi katulad ni Charlie, inaasar siyang baliw, eh, kung kausapin naman nito si Jerry parang sasagot din ang hamster rito.
Hinawi ni Erica ang buhok at inipit ang ilang hibla sa likod ng tainga. "Salamat, Reynald," pa-sweet niyang sabi.
"Hey, you, crazy girl!"
Nawala ang ngiti niya at nakasimangot nang nilingon si Charlie. Pasira ng moment ang punyeta.
"Ano na naman?" mataray niyang sabi. Malakas ang loob niya dahil wala ulit si Lolo Carlos, sinundo nina Ninong Carlitos kanina para mag-golf.
Matutuwa na sana siya dahil dapat kasama si Charlie pero nag-back out ang loko. Dinahilan pang gusto daw siyang makasama muna pero sa totoo lang, tinatamad lang ito lumabas.
Nakangisi si Charlie nang malingunan niya. "Get inside. The lunch is ready."
Buti na lang at gutom na siya. "Geh." Bumaling ulit siya kay Reynald. "Halika, kain ka rin ng lunch. Sumabay ka na sa'min."
"Talaga?" Reynald's eyes sparkled. "Charlie, puwede ako kumain?"
"Hindi. Alis ka na."
"Oy!" Hinampas niya si Charlie sa braso. "Ba't mo pinapaalis ang pinsan mo? Pakainin mo naman. Siya kaya naghatid sa'yo ng matiwasay dito kagabi!"
"Oo nga," segunda pa ni Reynald.
Nagsalubong ang mga kilay ni Charlie. "Pang-dalawahan lang ang naihanda kong pagkain. You choose. Kakain si Reynald at hindi ka kakain, o kakain ka pero hindi kakain si Reynald."
"Ikaw ang huwag kumain!" singhal niya rito. Ang pangit ng ugali! Lagi na nga itong tinutulungan ng pinsan nito. To think na itong dalawa ang laging magkasama, tapos hindi nito pakakainin ang pinsan?
Reynald laughed and punched Charlie on the arm. "Sige na. Aalis na lang ako. Hinatid ko lang talaga ang mga na-develop kong photos na pinakuhanan mo." May makapal na brown mail envelope pala itong hawak at binigay iyon kay Charlie.
BINABASA MO ANG
Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHR
RomanceKasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (Published 2018 by PHR) Book Cover made from Canva Pro