CHAPTER NINE
HINIHINGAL na umahon mula sa pool si Erica. Sumampa siya sa marbled floor sa gilid ng swimming pool at hinawi patalikod ang buhok. Tila isa siyang sexy covergirl na lumabas mula sa isang men's magazine.
Wearing her favorite two-piece bathing suit--which is a branded Coco Cabana, hindi makakaila ang magandang hubog ng katawan ni Erica. Her perfectly sized and rounded breasts fit sexily in her swimwear. Her bikini wrapped around her hips and shaped her butt impeccably.
Tunay siyang biniyayaan ng hinaharap, balakang, at pati likod. Curves are on the right places. Siya na! Siya na talaga!
May sumipol sa bandang likuran niya at hindi niya na iyon nilingon pa.
"Hey there, sexy."
Deadma ang sexy.
"Tsk. Nakakita na naman ako ng 'Coke Sakto'."
Marahas na binato niya rito ang flipflops niya. "Huwag mo 'kong simulan, Charlie, ha. Ilulunod talaga kita rito sa pool. Makikita mo."
He laughed sarcastically and squatted beside her. "Bakit hindi ka sumalo sa lunch kanina? Iba tuloy ang umubos ng sinigang na niluto ko para sa'yo."
She shrugged and focused her eyes at the sky. Papalubog na ang araw at siya na lang ang mag-isang lumalangoy. Kanina ay kasama niya ang buong pamilya. Pero umahon na rin pagkatapos ng ilang oras. Solong-solo niya ang pool kaya nagpaka-mermaid na lang siya.
"What are you thinking about? Tungkol ba iyan sa pagtulog natin mamaya?" malokong sabi ni Charlie at saka umupo na ng maayos sa gilid niya. "Excited ka ba?"
"Gago. Matutulog ako sa tabi nila Mama. Bahala ka sa buhay mo. Iyo na 'yung kuwarto."
"Wow. Nakagawa ka ng paraan. Good job!" puri pa nito at ginulo ang buhok niyang magulo na nga.
"Ako pa?" Tinabig niya ang kamay nito. "Isa pa, alam naman ng mga parents natin ang totoo kaya never papayag si Papa na matulog akong katabi ka."
Nilubog nito ang mga binti sa tubig. "Eh di, hindi alam ni Tito na nagkatabi na tayong matulog noon?"
Bigla siyang napabaling dito. "Hindi counted iyon! Lasing ka niyon at pinagbigyan lang kita. Ayaw mo kasing bumitiw."
"Akala ko kasi unan ka," nakangising sabi nito. "Ang lambot kasi." Sabay kapa nito sa sariling dibdib.
Nag-init ang mga pisngi ni Erica at malakas itong hinampas sa braso. "Bastos ka! Sinasabi ko na nga ba minamanyak mo na 'ko noon, eh."
Charlie laughed while she's pushing him away but he just strongly caught her hands. "Joke lang. I'll never be a perv. Too low for a guy."
"Weh?"
He smiled. "Maloko ako, oo. Pero hindi ko kayang mambastos ng babae. May girlfriend ako na hindi ko laging nakikita dahil sa trabaho niya. Gugustuhin ko bang mabastos siya kung nasaan man siya?" seryosong sabi nito. "May nag-iisang pinsang babae din ako. I saw her grow up. Ayokong mabastos siya ng kung sino. Makakabugbog talaga ako. Kaya hindi ko gagawin yung mga bagay na ayokong mangyari sa mga babaeng mahal ko."
Nahimigan agad ni Erica ang sincerity ni Charlie. Naglayo siya ng tingin rito. "Edi wow."
He chuckled. "Bakit ba parang ayaw mo akong paniwalaan lagi? I'm sorry about the last time I got drunk, okay?"
"Dalawang buwan na nakakalipas, hayaan na."
"Did you feel violated?"
"H-Hindi." Actually, she felt comfortable sleeping inside his arms. Pero nunca na aminin niya iyon rito.
BINABASA MO ANG
Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHR
RomanceKasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (Published 2018 by PHR) Book Cover made from Canva Pro