CHAPTER SIX
HINDI alam ni Erica kung anong gagawin kay Charlie. Last week, matino ang usapan nila na kakausapin niya ang girlfriend nito at pagkatapos ay ilalakad naman siya nito kay Reynald.
Pero ngayon, ang mokong, laging wala sa bahay. Busy daw sa trabaho.
"Nag-cater po kasi si Charlie, Lolo. Parang kinuha po yata siya para sa debut ng isang artista," paliwanag niya kay Lolo Carlos.
Pang-apat na gabi na kasing hindi nila kasama si Charlie sa dinner. Nag-iiwan lang ito ng lutong ulam at pinapainit lang sa kanya kapag kakain na sila ni Lolo Carlos.
"Hmm. Apat na araw ba ang debut?"
Natawa siya. "Ikaw talaga, Lolo! Siyempre po yung mga ibang araw, eh, nagprepare siya. Hindi daw po kasi basta-basta ang party." Iyon ang sinabi sa kanya ni Charlie na sabihin niya kapag naging matanong si Lolo katulad ngayon.
"Aba, eh, don't you miss your husband?"
Nabitin ang pagsubo niya ng pagkain. "Ay, siyempre po! Pero sanay naman po ako. Naiintindihan ko rin po na trabaho iyon ni Charlie. Ang maging chef ay hindi biro talaga, Lolo. Nag-iipon po siya para sa kinabukasan namin."
Napatango-tango si Lolo Carlos at maganang kumain. Sa itsura ngayon ng matanda, malayong malayo ito sa mahinang matanda na sinasabing malapit na mamaalam sa Earth.
Hindi naman sa gusto niyang mawala na si Lolo Carlos. It's just that, as long as he lives, kailangang "mag-asawa" sila ni Charlie.
"Kailan nga pala ang graduation mo, hija? Maari ba kong sumama?"
"Yes, Lolo! No problem po. Ikaw pa po ba?"
"I'm excited to hear that you're being called on the stage while carrying our name. Erica Viktoria Pedralvez-Ditangco."
Nasamid si Erica sa iniinom na juice. Napaubo-ubo siya. Tangina! Nakalimutan niya ang tungkol doon!
"Apo, are you alright?"
Agad siyang tumango at pinilit mapangiti. "S-Sandali lang po." Napaubo siya dahil totoo amg pagkasamid niya.
Mabilis siyang tumayo at nag-excuse muna. Pagdating niya sa kusina ay nagpapadyak siya.
Putragis! "Legal" nga pala ang pagpapakasal kuno nila ni Charlie. Dapat nga pala ay dala-dala niya na ang apelyido sa lahat ng dokumento at kasama na roon ang diploma.
Pinalo-palo niya ang noo. "Grabe, Erica. Ang talino niyo talaga ni Charlie. Di niyo naisip iyon!" Huminga siya nang malalim at pilit na kumalma.
Di bale. May two weeks pa bago mag graduation niya. Kaya pang solusyonan ang problemang 'to.
Doble-doble na ang guilt na nararamdaman ni Erica. Lalo na ngayon at nakikita niyang masayang masaya si Lolo Carlos kapag kinukuwentuhan niya ito ng kuwentong pag-ibig nila ni Charlie.
Malapit na nga silang maging writer ni Charlie dahil sa kagagawa nila ng kuwento nito.
"Maayos ka na ba, hija? Ano bang nangyari sa'yo?"
Nakangiting umupo na siya sa tabi nito. "Nasamid lang ako, Lo. Namali ng inom. Siguro naalala rin ako ni Charlie. Na-miss po ako ganoon."
Napangiti ang matanda. "Malaki ang ganyang posibilidad. Lalo na at mukhang di kayo madalas nagkikita ngayong linggo."
"Oo nga po, eh. Baka nga po wala na sa sarili iyon kaiisip sa'kin." Lihim na napapangisi si Erica. Naiisahan niya si Charlie at nag-e-enjoy siyang palabasin na ito ang patay na patay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHR
RomanceKasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (Published 2018 by PHR) Book Cover made from Canva Pro