Chapter Nine (Part 2)

143K 4.1K 603
                                    

"MAY PROBLEMA ba kayo ni Charlie?"

"Wala po," Erica lied instantly. Kasama niya ang Mama niya at si Tita Charlene. Nakababad silang tatlo sa hot spring at nagre-relax.

Napataas ang kilay ng Mama niya. "Weh?"

Natawa siya. "Wala nga kasi, Ma. At saka parang hindi ba normal sa inyo na number one enemies kami?"

"Natural lang kung tayo-tayo. Eh, kapag napansin ni Tito Carlos?"

"Did my son annoy you again?" Tita Charlene softly asked.

Yung anak niyo po, paasa po. Hindi pa naman sila hiwalay ng girlfriend niya, may pa "I want to kiss you" pong nalalaman. Pagkatapos po, naging akward na ang lahat. "Hindi naman na bago iyon, Tita."

Napabuntong hininga ang Mama niya. "Akala pa naman namin, magkakasundo na kayo niyang si Charlie kapag nasa iisang bubong na kayo. Dahil nga magkakampi kayo sa 'kasal' niyo at dapat laging nagkakasundo."

"Speaking of, kailan po ba tayo hihinto rito? May balak na po yatang tumira sa bahay ni Lolo Carlos forever, eh!"

"Pasensya na talaga, anak," sabi ng Mama niya. "Kung nakokonsensya na kayo, mas doble ang konsenya ko. Araw-araw nagdadasal na lang ako na mahabag sa'tin ang Diyos talaga. At bigyan tayo ng kasagutan kung paano bang malulusutan 'to. At makapag-repent tayo. Kundi, lahat tayo may reunion sa hell."

"Ma," saway niya sa ina. Natakot kasi talaga siya. Araw-araw nga siyang nagso-sorry kay Jesus.

"Eh, totoo naman kasi. Kaya ikaw, 'yung pananalita mo ay bantayan mo rin, Erica Viktoria. Nako, sinasabi ko sa'yo. Ako na puputol ng dila mo."

Napangiwi siya. "Sorry po." Madalas nga siya magmura. Paano naman kasi, intense lagi ang emotions niya kapag kaharap si Charlie. Kundi siya sobrang inis o asar, sobrang pikon naman siya. At ngayon, ang sama-sama pa rin ng loob niya!

Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Charlie kaninang umaga. Parang...joke lang. Hinihintay niya ang punchline. Mas gusto niyang joke na lang iyon dahil, ang hirap man aminin, ang sarap isipin na nagkakagusto na rin si Charlie sa kanya.

Bakit? Gugustuhin ba siya nitong halikan kung wala itong gusto sa kanya? Sinong gustong humalik sa taong hindi niya gusto?

Ayaw na ni Erica lokohin ang sarili niya. She's a psychology major, for crying out loud! Alam niya kung anong pinagdadaanan ni Charlie.

At iyon pa mismo siguro ang mas masakit.

She knows that Charlie might like her, yes. Pero nasasanay lang ito sa presensiya niya saktong iniwan itong nakabitin sa ere ng girlfriend nito.

Charlie wanted to flirt. Another defense mechanism for guys who do not want to meddle with a lonely heart.

Reality check naman kasi, paanong magkakagusto sa kanya ng totohanan sa kanya si Charlie? Like, duh? Distraction lang siya kay Charlie. Para hindi nito maisip masyado si Chryzelle.

May kumurot sa puso ni Erica. Ang sarap na lang hindi mag-analyze ng actions ng tao. Parang ang sarap na lang mag-assume na totoo ang nararamdaman ni Charlie na halikan siya. Parang ang sarap na lang hindi i-apply ang mga natutunan niya sa apat na taon sa kolehiyo.

"M-Mama, aahon na 'ko. Maiwan ko na muna po kayo, Tita Charlene."

Parang gusto pa siyang kausapin ng dalawang ginang ngunit tumango na lang ang mga ito at hinayaan siya.

Pagkabalik niya sa loob ng bahay at nang makapagbanlaw na lang rin ay tumambay siya sa entertainment room para manood ng mga pelikula sa HBO.

Mag-isa lang siya doon at saktong gusto niya ang palabas kaya hindi na siya umalis. Kahit pa may dumating at umupo sa kabilang bahagi ng sofa.

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon