CHAPTER EIGHT
NAPASIMANGOT lang si Erica nang pagtawanan siya ng dalawang kaibigan niya.
"Wala namang nakakatawa sa kuwento ko, ah?" naiinis na sabi niya.
But Inez and Candice won't stop laughing.
Napasipsip na lang siya sa Java Chip frappe niya. Ang sama-sama pa rin talaga ng loob niya at pagkatapos ay pagtatawanan pa siya ng dalawang 'to. Sana nakipag-usap na lang siya sa mga halaman niya.
"Okay, okay. We'll stop," medyo natatawang sabi pa rin ni Candice nang makita na ang ekspresyon niya. "Pero nakakatawa ka naman kasi, girl! Akala naman namin kung anong sama ng loob ang ilalabas mo sa'min."
Inez was now smiling widely. "Iyon pala, masama lang loob mo dahil hindi mo matanggap na nagkakagusto ka lang kay Charlie." Natawa na naman ang dalawa. "Ano namang nakakasama ng loob na magkagusto ka sa 'asawa' mo?"
"Iyon na mismo ang nakakasama ng loob! Sa lahat ng puwedeng magustuhan ko, si Charlie pa? Jusmiyo marimar!" Ang sarap nang iumpog ng noo niya sa lamesa. "Enemies kami since birth. Hindi puwede 'to! Hindi! Bakit ako biglang magkakagusto sa kanya, hindi ba? Wala pa ring patawad sa pang-aasar iyon at kung laitin ako, akala mo wala siyang flaws."
Sumubo si Inez ng tuna pie. "Ano bang flaws niya?"
"Mayabang. Laging pinapangalandakan na guwapo daw siya."
"But Charlie's handsome naman talaga," Candice pointed out. "Mainis ka kapag mayabang pero wala naman talagang maipagmamayabang."
"Hindi siya gentleman!"
"Pero binastos ka rin ba niya?"
"Hindi naman..."
"Pinagsalitaan ka na ba ng masakit na out-of-line na sa pikunan niyo?"
Napayuko siya. "H-Hindi rin..."
"Tignan mo, Charlie is not totally the likes you expect from a good man, but he's every inch what he is. Personality, Erica. That's him," Candice said and patted her head. "Now be honest to yourself, girl. It's not a bad thing to like him."
"Hindi mo siya ayaw magustuhan dahil sa personalidad niya. Baka ayaw mo lang siya magustuhan dahil alam mong hindi naman matutugunan iyang pagkagusto mo sa kanya," dagdag pa ni Inez. "Tapos may pasumpa-sumpa ka pang hindi siya magugustuhan, pero pagkatapos lang pala ng dalawang buwan, you'll fall for his charms."
Natulala na lang si Erica. First time niyang walang masabi...her friends got all the points.
"Isa pa, baka natatakot kang kapag nahalata ni Charlie na nagkagusto ka na talaga sa kanya, asar-asarin ka niya at ipangalandakan pang kinain mo ang sinabi mo."
Napayuko na lang siya. Ang sarap nang iuntog ang buong ulo niya sa pader. Ang tanga-tanga naman ng puso kahit kailan.
"Then it all comes down to one thing," sabi pa ng kaibigan niya.
"What?"
"You don't want to admit that Charlie is totally charming."
"You don't want to accept that he's the guy you can easily fall in love with."
"You don't want to like him because all of these should be just a pretense but you fell anyway."
"Masama ang loob mo dahil hindi mo gustong aminin sa sarili mo ang lahat ng 'to."
"Ang dami niyo namang sinabi," salubong ang kilay na sabi niya. "Diretsuhin niyo na. Ma-pride ako, ganon?"
The two laughed put loud. "Exactly, Erica Viktoria. Pride is the reason why you can't just accept the fact that you have fallen in love. This time, the victory is not yours. You lose to your own heart."
BINABASA MO ANG
Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHR
RomanceKasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (Published 2018 by PHR) Book Cover made from Canva Pro