Finale

185K 4.5K 1.8K
                                    

FINALE

BAWAL magkita, mag-usap, o lapitan man lang.

"Anong klaseng panliligaw iyon? Saang panahon 'yon?" inis na inis na sabi ni Erica.

Tinawanan lang siya ng dalawang kaibigan niya. Ngayon niya na lang nakasama ulit sina Candice at Inez. Candice was busy with work. Habang si Inez ay nagbabakasyon lang ngayon sa Pilipinas dahil sa ibang bansa ito nag-aaral ng Medicine.

Tumawa ang dalawa. "Ano bang panahon pinanganak 'yang kuya mo?" bulong ng mga ito.

Napairap na lang siya at sadyang nilakasan ang boses. "Naintindihan niya naman 'yung gusto niya 'kong protektahan. Pero, malinaw naman na sincere si Charlie."

"Wow naman!" Inez blurted while smiling widely. "Parang noon lang puro bash at rant ang naririnig naming kakabit ng pangalan ni Charlie."

"Iba ang nagagawa ng pag-ibig!" nakatawang wika ni Candice. "Bakit naman kasi nagpakipot ka pa, eh mahal mo naman pala?"

"Sana sinagot mo na agad!"

"Oo nga! Pero siyempre, inobserbahan ko muna siya. Tatlong taon naman kasi ang lumipas. Hindi puwedeng basta akong maniwala, ano." Napalabi siya. "At saka nung sasagutin ko naman na, bigla kong narinig 'yung sa may café resto. Pagkatapos naman, nung sasagutin ko na ulit nung nagkalinawan kami, biglang epal naman si Kuya Tobias."

Humagikhik ang dalawa at napatingin sa likod niya.

"Speaking of, bantay sarado ka pa, huh?"

Naikot niya na lang ang mga mata. That's right. Her brother was just right behind her. Inokupa nito ang lamesa doon. Lumingon siya at nakitang nagbabasa ito ng diyaryo habang prenteng nakaupo.

"Wala pa kasing trabaho kaya ako ang pinagtitripan." Napabuntong-hininga na lang siya.

So far, dalawang araw pa lang naman ang lumilipas. Charlie was true to his words. Talagang sinunod nito ang kapatid niya!

Well, mabuti iyon dahil mas napatunayan niyang kapag may binitiwan itong salita ay totohanin nito. Therefore, hindi siya nito tine-text o kahit china-chat man lang. Naghalo ang nararamdaman niya. Proud siyang may isang salita ito. Ngunit malungkot siyang hindi sila makapag-usap nito.

"Pero sabi mo naman, pinapadalhan ka lagi ng pagkain ni Charlie, hindi ba?"

Medyo napangiti siya. "Oo." At minsan ay may mga kasama pang maiikling excerpt ng isang tula o kanta. For her, that's sweet. Minsan ang ganda-ganda pa ng presentation ng pagkain. That's full of effort already.

Kaso, hindi niya maitatangging parang may kulang pa Although, she's thankful enough, Pinagdadasal na lang talaga niya lagi na makapagtiis talaga sila ni Charlie.

Iniba na lang nina Inez at Candice ang topic. After catching up, they promised to meet again before Inez leaves the country.

"Maghanap ka na kasi ng trabaho, Kuya. At hayaan mo na kaming lumigaya ni Charlie," kalmadong sabi niya nang nagmamaneho na pauwi ang kuya niya.

Tumaas ang kilay nito at ngumisi. "Dalawang araw ka lang na walang palyang pinapadalhan ng pagkain, bibigay ka na? Dapat hayaan mo siyang paghirapan ka."

"Ikaw ba nililigawan? Hindi naman, ah? So, shut up ka na lang."

Humagalpak ito nang tawa kaysa mapikon. Nako talaga, kung hindi lang bad shot kay Lord na murahin ang kapatid, kanina pa naka-quota 'tong Kuya Tobias niya.

Pagkauwi niya sa condo ay inasikaso na lang niya ang thesis niya kaysa magmukmok. Naghanap na rin siya ng mga mental hospitals or private mental institution na puwede siyang mag-training after graduating.

Sexy Crazy Wife (TOG #4) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon