Alyanna's POV
Nagising ako nang 5:30 am kaya naisipan kong lumabas nalang. Pumunta ako sa may veranda para makalanghap nang sariwang hangin.
Ang ganda dito, pati na rin ang sunrise. Haaayyy nakakarelax.
Hala magluluto nga pala ako para kay sir. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa kitchen.
6:30 na nang matapos ako kaya naligo muna ako.
Lumabas na ako para kumain pero wala pa si sir kaya kumain nalang ako mag isa.
"Yeah, okay. Tsk fine, bye" sabi ni sir sa katawag niya
"Good Morning Sir, kain na po" bati ko sa kanya
Tumango lang siya at umupo na tsaka naman ako tumayo para ipagtimpla siya nang kape
"Sir coffee" I said
Tumango lang ulit si Sir
Pagkatapos naming kumain ay pumunta agad kami nang opisina
"Go in first" sabi ni Sir
Wala na akong magawa kaya pumasok na ako sa office niya.
Tinuloy ko nalang din ang pag eencode ko kahapon.
Haaaayy ang boring naman.
After few hours ay natapos ko na ring eencode lahat nang pina encode ni Sir.
Nang pumasok si Sir ay parang wala sya sa mood niya kaya lumapit na ako sa kanya
"Sir tapos ko na pong ma encode lahat" sabi ko
"Okay then makakauwi ka na" sabi ni Sir
"Sir parang ang aga naman ata" sabi ko
"Wala ka namang gagawin dito. Magpahinga ka nalang" sabi ni Sir na wala pa ring emosyon
"Okay sir" sabi ko
Linigpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na, nang mapadaan ako sa mini kitchen ay napag isipan kong gawan nang kape si Sir.
Dinala ko na ang kape sa Office niya at linagay ko sa table niya ang kape kaya napahinto siya sa pagbabasa nang mga files
"Sir coffee" sabi ko at ngumiti
"Thanks" sabi ni sir at nagpatuloy na sa ginagawa niya
Umalis na ako nang Office at nag aabang na nang taxi.
Haaayyy lilinisin ko nalang ang condo nang demonyo kong amo. tsk.
Brylle's POV
Bukas makalawa na dadating si Mr.Yu kaya kailangan ko nang maghanda para sa business partnership namin
*Bzzzt! Bzzzt!*
From: Manager Kim
Sir napaaga po ang dating ni Mr.Yu , bukas na po. Bukas din siya available for meetings.Aissshht! Then kung bukas siya available edi mas mabuti para mas maaga akong matapos.
Lumabas na ako nang opisina para umuwi.
Nagdrive na ako pauwi nang makita ko ang engot na naglalakad.
*Peeep! Peeep!*
Binusinahan ko siya para makita nya ako at sakto naman na tumingin sya sa direksyon ko kaya tumakbo agad sya papunta sakin
"Sir! Uuwi na din kayo?" nakangisi nyang tanong
"Bakit ka naglalakad?" tanong ko
"Ahh hehehe kasi po nag aabang na sana ako nang taxi kaya lang naalala ko na gipit pala ako hehe" sabi niya
Aiiisshh! Anong klaseng babae ba to?
"Get in" sabi ko
"Yes! Thank you sir!" sabi niya na nakangisi
Haaaayyy kakaiba talaga tong engot nato
Alyanna's POV
Buti nalang at nakasakay ako kay sir, ang init pa naman kanina.
Nandito na kami ngayon sa condo, at ang magaling kong amo ay nakahiga lang naman habang nakakalat ang mga iba't ibang chips sa mesa at sa sahig! Haaaaiiissshh! bat ba ang kalat nyang kumain? Buti pa nga sya nakahiga lang sa sofa habang nanonood nang tv!
"Engot!" tawag nya sakin
Aiiiiissshhh! Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ako engot?!
"Ano?!" galit kong tanong
"Linisin mo nga to dito, ayaw ko nang kalat" sabi niya
"Haaaiiissshh! Kung ayaw mo nang kalat edi wag kang magkalat dyan!" galit kobg tugon
Bigla naman syang umupo at tinignan ako nang masama
"Wag mo akong sasagutin nang ganyan! Tandaan mo pinapasweldo kita!" inis niyang sagot
"Hindi mo ako yaya! Assisstant mo ako!" inis kong sagot
"Ano bang ginagawa nang mga assisstant?" tanong niya
"Sundin ang utos nang amo" sagot ko
"At ano ang utos ko sayo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya
"Linisin ang kalat" mahina kong sagot
"EDI LINISIN MO LAHAT YAN! ENGOT TALAGA!!!" sigaw niya at humiga ulit
Haaaaiiissshhh! Hmmmmmp!
Kinuha ko na ang walis at dustpan para linisin ang kalat nang mala anghel kong amo!
Habang naglilinis ako napatingin ako sa tv. Waaaahhh Titanic pala ang pinapanood nang amo kong demonyo huhuhu makinood nga muna.
Umupo ako sa bakanteng upuan nang bigla niya akong sipain
"Arrraayy!" langya tong amo ko! huhuhu anshaket nang puwet ko
"Umalis ka nga dyan! diba sabi ko sayo maglinis ka?!" galit niyang sabi
"Aiiisshh sir paborito ko talaga yan eh" sabi ko
"Paki ko?" inis niyang sagot
Huhuhu Jack wag kang mag alala ililigtas ko kayo ni Rose huhuhu.
Nang matapos akong maglinis ay pumwesto ako sa likod nang sofa para makinood nang Titanic.
Waaahhh lumulubog na yung barko huhuhu kawawa naman sila.
Naiiyak na talaga ako nang bigla niyang e-off ang Tv.
"Waaahh! bat mo pinatay?!!" galit kong tanong
"Sinong may sabi sayo na pwede kang manuod?!" nakataas kilay nyang sagot
"Aaaaiiisssh! Ang arte arte mo! bumaha sana nang tv sa kwarto mo para malunod ka!!" galit kong sabi at padabog na pumunta sa kwarto.
Nakakainis talaga tong amo ko!
Bigla naman siyang kumatok.
"Hoy engot! Wag mo akong tatalikuran! May dumi pa sa sala kaya linisin mo yun!" galit niyang sabi
"AAAAAAAAHHHHHH!!!" sigaw ko sabay gulo sa buhok ko
Lumabas ako at padabog na pumunta sa sala para linisin ang kalat nang bigla kong Nabangga yung mesa na may vase na halatang sobrang mahal
*Boooogggsssshh!*
Uh-oh! I'm so dead !
"THE FVCK?!!" sigaw niya at tinignan ako nang masama
Ngumisi lang ako at nag peace sign.
Huhuhu Lord help me.