[11] - Barney

6 0 0
                                    

Brylle's POV

"Sir, nakarating na si Mr.Mando sa Cebu" sabi sakin ni Manager Kim

Humabol sakin si Manager Kim dito sa Cebu para matapos na namin ang misyon namin

"Any information about him?" I asked while drinking my coffee

Nandito kasi kami ngayon sa Cafe to talk privately.

"Out of the 5 men who killed your parents, si Mr.Zen Yu lang ang may mga katiwalian and the rest ay wala. Si Mr.Mando ang nag set nang plano para sa pagpatay" sabi ni Manager Kim

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Hanggang ngayon hindi ko parin makakalimutan ang araw na napatay ang magulang ko.

"Son, sure ka bang hindi ka sasama samin nang Papa mo?" tanong ni Mama

We set a plan. Di ako sasama nila Mama dahil sabi ni Papa may surprise daw siya kay Mama. Pumayag ako para magkaroon din sila nang oras.

"Di na Ma, take your time with Papa" I said while smiling

"Let's go Honey'' sabi ni Papa

"Haaay mag ingat ka dito okay? Nandito naman si Manager Kim eh. Behave ka lang ha" bilin ni Mama sakin

"Ma 17 na ako. Di ako 7 years old" I said

"Oo nga naman Honey" sabat ni Papa

"Haaayy okay. Bye son" sabi ni Mama

Hinatid ko sila sa labas nang pinto at bago pumasok sa kotse si Papa ay kumindat siya sakin habang naka thumbs up

Nag thumbs up din ako sa kanya.

Nakalabas na sa gate ang kotse nina Mama at Papa, hindi pa sila nakakalayo nang bigla itong sumabog.

Kitang kita ko sa dalawang mata ko. Wasak na wasak ang kotse habang ako ay nanghihina sa mga nakita ko.

Wala na sila. Wala na ang magulang ko. Wala akong ibang iniisip kundi puro mga katanungan. Sino ang gumawa nang lahat nang to? Magbayad silang lahat!!

"Sir? Okay ka lang?" tanong ni Manager Kim na nakapagpabalik sa katinuan ko

Tumango ako bago tumayo

"Sir san ka pupunta?" tanong ni Manager Kim

"I need some air" I said and walk away

I want to finish everything. I want to live a peaceful after this.

Alyanna's POV

"Nasaan kaya siya ngayon?" tanong ko sa sarili ko nang hindi ko sya mahagilap

"Bakit ang aga naman ata nyang umalis?" tanong ko ulit sabay upo nang maayos sa kama

Makaligo na nga lang muna.

After how many years ay natapos na din akong maligo.

Sa kalagitnaan nang pagsisipilyo ko ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya lumabas muna ako nang banyo at tinignan kung sino ang tumatawag

"Unregistered number?" tanong ko sa sarili ko

Sinagot ko yung tawag pero hindi muna ako nag hello, baka kidnapper pa tong tumawag at mapahamak pa ako

"Barney" sabi nang nasa kabilang linya

Aba! Walangya tong caller nato ah! Tawagin ba naman akong Barney?!

"HOY! WAG MO AKONG TAWAGING BARNEY! SINO KABA HA?! WALANG MANNERS! HAIIISSHHH!" sigaw ko habang nasa bibig ko parin ang sipilyo

"HOW DARE YOU TO SHOUT AT ME?! FVCK!! YOU'RE A DEAD MEAT!" sigaw nang caller at binaba ang linya

D-Demonyo? *cough* *cough* *cough*

Nabulunan ako bigla nang malaman kong ang amo ko pala ang tumatawag.

Waaaahhh Lord tulongan nyo po ako Huhuhuhu

I'm so dead!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang nag aapoy sa galit na demonyo

Alyanna, your dead!

Nag peace sign ako sakanya at ngumisi

"BAAAAARRRNNNEEEEYYY!!!!! sigaw niya

1.... 2.... 3.... Takbooooooo!!

Tumakbo ako sa loob nang banyo at nilock yun

"OPEN THIS BARNEY!" sigaw nang amo ko habang malakas na kinakatok ang pinto

"SIR! DI KO NAMAN PO ALAM NA IKAW PALA YUNG TUMAWAG, HUHUHUHU SIR MAAWA PO KAYO SAKIN" sabi ko

"ALAM MO BANG HALOS MABASAG ANG EAR DRUMS KO SA LAKAS NANG BOSES MO HA?!! BUKSAN MO TO!!" sigaw niya habang kumakatok pa rin nang malakas

"AYOKO!" sigaw ko

"BUKSAN MO TO KUNG AYAW MONG SIRAIN KO TO!!" sigaw niya

Nag sign of the cross muna ako bago dahan dahang buksan ang pinto

"S-sir" sabi ko nang mabuksan ko na ang pinto

"AIIIISSSSHHH!!! I will let this pass Barney, ngayon lang to. Understood?!" sabi niya

"Y-yes Sir!" sabi ko

"I have to go" sabi niya at tumalikod sakin

Pero bigla siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako

"Save my number. If ever may mangyari tumawag ka agad sakin. I'll give you a load"

Tumango naman ako

Naglakad na siya palabas pero bumalik sya at lumapit sakin

"May kailangan pa kayo Sir?" tanong ko

Tinitigan nya lang ako sa mata. Waaahh ang awkward nito.

"Take good care of yourself" He said and tap my head

I don't know but those words makes my heart to beat fast.

Napangiti nalang ako paglabas niya. So strange

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon