[22] - His Gone

3 0 1
                                    

Alyanna's POV

"Hmmm" nag unat unat muna ako bago tumayo

Nakatulog pala ako sa sala. Tsss iniwan niya ako dito, ang arte talaga. Pwede naman siyang matulog sa baba ng couch ah, dun pa talaga sa kwarto niya! Hmmmp!

Makaligo na nga muna para makapaghanda na ako ng almusal namin

After few minutes ay natapos na akong maligo tsaka naghanda ako agad ng almusal

Matapos kong ihanda lahat ay kumatok na ako sa kwarto niya

Tok! Tok! Tok!

"Tristan? Gising ka na ba? Kakain na tayo" sabi ko

Di siya sumagot kaya kumatok ulit ako

"Tristan, malelate na tayo" sabi ko pero wala pa ring sumasagot

Inikot ko ang door knob. Di naman pala lock eh, ang weird.

Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa kama niya

"Bakit wala siya?" tanong ko sa sarili ko

Chineck ko ang CR pero wala din siya.

May nakita akong isang pintuan kaya binuksan ko iyon

Masyadong madilim kaya binuksan ko ang ilaw at tinignan ang buong silid

May nakita akong board na may mga litrato.

Limang tao.

"Mr.Zen Yu?" tanong ko sa sarili ko

Siya yung inihatid ng People's Saver sa Prosecutor's Office ah.

Hindi kaya.....? No! Hindi! Pano naman magiging People Saver si Tristan.

"Baka sa business lang yan" bulong ko sa sarili

Tama, business lang yan.

Umalis na ako sa kwarto na yun at pumunta nalang sa kitchen.

Nasaan kaya siya? Bat ang aga niya naman atang pumasok? Tsss baka busy lang ang tao.

Tinapos ko na ang pagkain ko para makapasok na ako sa opisina.

Brylle's POV

Nasa M Hotel na kami. I'm with Mr.Yoo

"Brylle" tawag sakin ni Mr.Yoo

"Yes sir?"

"Just call me Tito" sabi niya at ngumiti

Napangiti nalang din ako. I understand him, kung bakit kailangan niyang ibenta ang bahay nila, kung bakit lage syang wala sa tabi ng mag-ina niya. It is all because he wanted to protect his wife and his daughter.

"Kumusta na ang anak ko?" he asked

Sh*t namiss ko tuloy ang barney na yun

"She's doing well Tito" sabi ko

Napangiti naman siya

"That's a relief" sabi niya

Tumango lang ako

"Don't worry Tito, for sure mapapatawad ka rin niya" sabi ko

Ngumiti naman siya ng mapait

"Sana nga" sabi niya

"Maiintindihan niya din ang lahat pagdating ng panahon" sabi ko

"Pasensya na kung kailangan nandito ka, ito na ang tape" sabi niya sabay abot sakin ng tape

"Thank you po" inabot ko ito at kinuha agad ang laptop ko

Agad namang lumapit si Manager Kim

Pinanuod namin ang recording

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon