[36] - The Last Day

5 0 2
                                    


Alyanna's POV

Today is Sunday kaya nagyaya akong magsimba kasama si Tristan.

I want to spend the whole day with him. Just the two of us.

"Babylove bat ba kailangan pa nating magsimba? Nakakapagod" reklamo niya

"Ngayon lang naman babylove eh!" sabi ko at hinatak na siya palabas

Nagdrive na siya papuntang simbahan habang ako naman ay tahimik na nakatitig sa mukha niya

"Matutunaw na ako nyan babylove ah" nakangiting asar niya sakin

"Ang gwapo lang kasi nang boyfriend ko eh" nakangiting sagot ko at sinandal ang mukha sa headrest ng sasakyan

Nakatitig parin ako sa kanya

Nakaramdam ako nang kirot sa puso ko habang nakatitig sa kanya.

Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya

3rd Person's POV

Pagkatapos magsimba ay namasyal muna sila hanggang sa makarating sila sa isang park

Masaya dun. Madaming naglalarong bata at meron ding magkakasintahan na namamasyal.

Inikot ni Alyanna ang kanyang paningin hanggang sa nakita na niya ang hinahanap niya

"Babylove tara duon" sabay turo sa nagtitinda ng dirty ice cream

Nakasimangot lang na nakasunod si Brylle sa kanyang girlfriend. Oh scratch that, asawa pala

"Pabili po ako Manong, chocolate flavor po sakin" nakangiting tugon ni Alyanna

Nakangiwing nakatitig lang si Brylle

Safe ba yan? Tanong niya sa sarili niya

"Oh" sabay abot ni Alyanna sa kanya ng ice cream

"Busog ako babylove" tanggi niya

"Ang arte mo babylove!" galit na tugon ni Alyanna

"Hindi talaga ako kumakain ng ganyan babylove" he replied

"Tikman mo lang dali!!"

Itinipat ni Alyanna ang ice cream sa bibig ni Brylle kaya wala nang magawa si Brylle kundi ang kainin ito

Alanganing kinain niya ang ice cream at tinignan si Alyanna

"Ano? Masarap diba?" tanong ni Alyanna

Tumango lang si Brylle at inagaw ang hawak na ice cream ni Alyanna

Napailing nalang si Alyanna sa ginawa ni Brylle

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad ulit sila

Tumigil sila sa may nagtitinda ng mga keychain

"Bili tayo nito babylove" she said

Nagkibit balikat lang si Brylle at lumapit na sa nagtitinda

Namili na sila nang bibilhin nila. Kinuha ni Alyanna ang dalawang keychain

"Ito nalang babylove" sabi niya sabay pakita kay Brylle nung napili niya

Maganda ito, isang maliit na puso na may nakasulat sa harapan na BabyLove

Ngumiti lang si Brylle at binayaran na ang binili nila

Umupo muna sila sa isa sa mga bench doon

"Sayo to babylove" sabay abot ni Alyanna nung keychain

Tinanggap naman ni Brylle ito

Isinabit naman ni Alyanna yung kanya sa cellphone niya

"Taddddaaa! Ang cute no?"

Tumango naman si Brylle at isinabit din niya ang kanya

"Pareho na tayo" sabi ni Brylle

Ngumiti naman si Alyanna at nagyaya nang kumain

Naghanap muna sila nang makakainan hanggang sa may nakita silang karenderya at dun nalang kumain

"Malinis ba ang pagkain dito?" bulong niya kay Alyanna

"Oo naman" sagot ni Alyanna at nag order na

Pagdating ng order niya ay kumain na agad sila

"Masarap ba?" tanong niya kay Brylle

"Sobra!" sabi ni Brylle at dire-diretsong sinubo ang pagkain

"Nabusog ka ba?" tanong ni Alyanna sa kanya nang lumabas na sila

"Oo babylove, ang sarap pala nang pagkain nila eh" sabi ni Brylle

Ngumiti lang sila at magkahawak kamay na naglakad

Nag mall muna sila bago umuwi.

Nag groceries at nag shopping ng mga damit

Nag starbucks muna sila bago bumalik sa condo

"Babylove mag c-cr lang ako ah" sabi ni Brylle

"Sige, ingat ka" sabi ni Alyanna

Tumalikod na si Brylle pero may sinabi muna si Alyanna

"Mahal na Mahal kita. Bye!"

Ngumiti lang si Brylle at nag Cr na

Tumutulo ang mga luhang iniwan ni Alyanna ang starbucks

Ang hirap, ang sakit. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya.

Nang makabalik si Brylle ay wala na si Alyanna kaya nag tanong na siya

"Excuse me Miss? Nakita mo ba ang kasama ko dito kanina?" Nag aalalang tanong ni Brylle

"Ayy! Naku sir, kakaalis lang po eh. Umiiyak nga po eh" sabi nung cashier

Nagmamadaling hinabol ni Brylle si Alyanna hanggang sa marating na niya ang terminal nang mall

Hingal na hingal niyang hinanap si Alyanna

No way! Hindi magagawa sa kanya ni Alyanna to!

Inikot niya ang terminal at minsan ay nagkakamali pa siya

Naikot na niya ang buong terminal pero wala na si Alyanna

Napasabunot siya sa buhok niya nang makaupo na siya

*Bzzzt! Bzzzt!*

Dali dali niyang kinuha ang phone niya at tinignan kung sino ang nagtext

It's Alyanna kaya nabuhayan siya ng loob

From: Babylove

I don't know how to start but I want you to know that I am very greatful spending my 8 months with you. I know that thanking you is noy enough but still, I am very thankful for having you in my life. I love you but loving you wasn't enough to complete me, I don't know how to end this Tristan but I'm breaking up with you. I just realized that what I feel towards you is just an infatuation. Goodbye Tristan. I'm sorry

Nabitawan ni Brylle ang cellphone niya

Tulalang napaupo

Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang ginawa ni Alyanna sa kanya

Sakit. Pighati. Pagsisisi.

Hindi niya kaya

Di niya alam ang gagawin niya.

Hindi niya kayang wala siya

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon