Brylle's POV
Linapitan ko si Gail at tinulungang makatayo
Nagsialisan na ang lahat kaya kami nalang dalawa ang natitira
Inalalayan ko siyang maglakad pero tinaboy niya ang kamay ko
"Okay lang ako" sabi niya at nag umpisa ng maglakad ulit
Inabot ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin
Nang humarap na siya sakin, dun ko lang nalaman na umiiyak siya.
"Siguro nga dapat kalimutan na kita. Kung ano at sino ka man" sabi niya tsaka huminga ng malalim
"Kung may ganito mang mangyari ulit please, wag mo na akong iligtas. Gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Wag mo na akong intindihin" sabi niya at naglakad na
"I'm sorry" I whispered
Nang makalabas na siya ay lumabas na din ako
"ALY!" sigaw ng isang pamilyar na boses
Tinignan ko naman ito at tama nga ako, si Tim nga
Yinakap niya naman si Gail at ganun din ang ginawa ni Gail
"Are you okay? Are you hurt?" nag-aalalang tanong nito
Hinarap siya ni Gail tsaka umiling
Siguro nga dapat na kitang pakawalan. Mas magiging masaya ka sa kanya Gail.
"Let's go" sabi ni Tim tsaka siya inalalayan papasok sa kotse nito
"Sir?" tawag sakin ni Manager Kim
"Tara na" sabi ko at nauna ng pumasok sa kotse ko
Si Manager Kim ang nagdadrive kaya tahimik lang akong nakamasid sa bawat madadaanan namin
"Alam na niya?" tanong ni Manager Kim
Tumango lang ako sa kanya
"Bat mo pa pinakawalan?" tanong niya ulit
"Wala akong gusto sa kanya" sabi ko
"Bat mo pa kailangang magsinungaling?" tanong ni Manager Kim
Umayos ako ng upo at marahang pumikit
"What do you mean by that?" tanong ko
"Don't be a stupid liar Brylle. Kilala na kita, kung ayaw mong magsisi sa huli edi magpakatotoo ka" sabi ni Manager Kim
Napadilat naman ako at tinitigan siya
"Ayokong madamay siya" mahinahon kong tugon
"Then protect her. We're here" sabi niya tsaka siya nag park sa basement ng Condominium
Bababa na sana ako ng magsalita ulit si Manager Kim
"She will definitely understand you. Just trust her and be real" sabi niya
Naglakad na ako papuntang elevator at sumakay agad
Pagkarating ko sa floor ng unit ko ay nakita ko si Tim
"Nasaan siya?" tanong ko
"Oh! Nasa unit mo na siya, nagpapahinga. May lagnat kasi siya, sabi niya naulanan daw siya kahapon" sabi niya
Tumango lang ako at naglakad na
"Don't hurt her, masyado siyang mahina para saktan" sabi niya at umalis na
Pumasok na ako sa unit ko at nagluto agad ng porridge.
Kumuha na din ako ng gamot at tubig bago pumasok sa kwarto niya