Alyanna's POV
Welcome to Durano Eco Farm!
Woooaaahhh ang ganda. Para itong forest themed tapos may hagdanan pababa para makarating sa table nyo yun na nga ang problema ko kasi nakakapagod na huhuhu
"Waaaahhh pagod na ako" reklamo ko
"Tsss malapit na tayo sa table natin" sabi niya
"Waaaahhhh!!! Huhuhu bat ba kasi ang layo nang table natin?" iritado kong tanong
Di niya ako sinagot sa halip ay nagpatuloy lang sa paglalakad
"We're here" sabi niya
"Woaahhh" sabi ko tapos lumapit pa nang konti sa may kubo para makita ko ang buong lugar
Hindi ko maexplain nang maayos pero maganda talaga dito. Yung may pool sa ibabaw which is dun yung mga bata dahil di masyadong malalim tapos dadaloy yung tubig pababa sa isang pool na mas malalim hanggang sa umabot dun sa pool na malalim na talaga.
Tapos may parang sapa pa sa baba, yung ang linis talaga.
Woaaahh this is paradise
"You like it?" bigla nyang tanong
Hinarap ko sya at tumango
"Thank You" sabi ko at ngumiti
"Let's eat first" sabi niya
Mukhang nagpahanda talaga sya dahi may inihaw na baboy tsaka isda dito tapos may kanin na din. Waaahhh magkakamay lang kami, ang sarap nito!
"Where's the spoon and fork?" tanong niya
"Sir, magkakamay lang tayo. Kita mo sila?" sabi ko sabay turo sa isang table nang may pamilya na nagkakamay lang
"Seriously?"
"Yup! Yup! Yup!" I cheered and started to eat using my bare hands
Tinignan ko naman sya na gumagawa nang paraan para makakain.
Alam mo yung nakikita mo syang pinipilit na magkamay kahit di niya kaya? Hahaha nakakaawa naman tong demonyong to
"Oh" sabi ko habang nilalapit sa kanya ang kamay ko na may kanin at ulam
"What?"
"Subuan na kita" sabi ko
"Are you crazy?!" sabi niya at pinandilatan ako nang mata
"Alam ko namang di ka marunong magkamay kaya NGANGA!" sabi ko at isinubo na sa kanya ang pagkain
Nginuya nya nalang ito na parang nahihiya Hahaha
Matapos naming kumain ay pumunta agad kami sa pool, since nauuna yung pool na mababaw dun nalang ako pumwesto.
"Waaahh ang lamigggg!!" tili ko
Di ko naman alam na parang cold spring pala to
"Bat ka nandyan?" tanong niya
"Ha? Eh san ba tayo?" tanong ko
Tinuro niya yung pinakadulo.which is alam kong malalim na talaga yun
"Ha? D-dito nalang ako" sabi ko
"Aiiissshh di kaba nahihiya? Mga bata ang kasama mo dyan!" sita niya sakin
"Kasi naman eh! Di ako marunong lumangoy!" sabi ko
"Wag ka nalang lumangoy! Dali na!!" sabi niya
Sumunod nalang ako sakanya at nang makarating na kami ay tumalon siya agad.
Waaaahhh ang unfair! Siya lang ang mag eenjoy! Huhuhu
"Talon ka" yaya niya sakin
"Di nga ako marunong lumagoy!" sabi ko at umupo nalang habang tinatampisaw ang paa ko sa pool
Nagulat naman ako nang bigla syang lumapit tapos hinila ang paa ko at
*Spaaaaaasssshhh!!*
Brylle's POV
Hinila ko sya dahilan para mahulog siya.
Don't worry guys, hinahawakan ko sya. Ayokong makakita nang isang Barney na nalulunod
"Sir, ihaon mo na ako" pagpupumilit niya
"Edi lumangoy ka dun" sabi ko
She pouted her lips while looking at the side pool
Tinignan ko yung baba na parang sapa, meron namang naliligo dun kaya nga lang delikado sa mga bata at mga lampa dahil malalaki yung bato tapos kapag bababa ka kailangan mo pang pumatong sa mga malalaking bato.
Hmmm how about giving it a try?
"Let's go" I said and grab her to the side pool
Umahon na kami, she was about to walk to our table but I grab her hand
"Huh? S-sir?"
I showed her my playful smile
"Waaaahhh!! Sir huhuhu ayoko na sa mga kalokohan mo!" reklamo niya
"Trust me, it's fun!" I said and went to the river
The water is clean and cold. I admit, it's really fun.
Its already 4:00 pm so we decided to go home. Gagabihin na kasi kami sa daan
"Hmmm sir?" tawag niya sakin
"Hmm?" I respond while driving
"Salamat" she said
"I think you already said that about 100 times? tsk"
"Eeehhh? Hehe sorry" sabi niya
"Tsss engot" I said
"Aiiisssshhh! ang sama mo!" sabi niya
"Tsk, go get some sleep. Mahaba habang byahe pa to" sabi ko
"Okay"
I think it's already 5 pm, sobrang traffic pa dito.
Tinignan ko ang katabi ko na mahimbing na natutulog
Haaayyy can't believe that you make me smile everyday. Tsk you crazy barney tsss.
You're amazing. *smile's*