[25] - Forget

4 0 1
                                    

Alyanna's POV

Itinigil niya ang kotse niya sa isang lugar kung saan walang tao tsaka siya naglakad

Sinundan ko naman siya

"Tristan! Sandali lang!" tawag ko sa kanya pero di pa rin siya lumilingon

Lakad-takbo na ang ginagawa ko para maabutan siya pero di niya parin ako linilingon

"Tristan sanda----"

Bigla niya akong itinulak sa pader at sinakal gamit ang braso niya

"Alam mo na ang lahat?!" nanlilisik mata niyang tanong

Di ko na inintindi ang sakit ng likod ko

Tumango ako sa kanya

"Di mo ako kailangang pakialaman!" nanggigigil niyang sambit

Napalunok naman ako at pilit na di umiyak sa harapan niya

"So-sorry" yan lang ang nasabi ko

Binitawan niya ako tsaka siya huminga ng malalim

"Kung ano man ang alam mo sakin, kalimutan mo na yun. Kalimutan mo na lahat tungkol sakin kung ayaw mong magkagulo" walang emosyon niyang sabi

Tinitigan ko lang ang malalamig niyang mga mata

"P-Pano yung t-tungkol sa a-atin?" maluha luha kong tanong

Napatawa naman siya sa sinabi ko

"Di ba pwedeng nagsawa na ako sayo? Nakakawalang gana! Kaya wag ka nang umasa!" sabi niya at tinalikuran ako

"Akala ko iba ka" bulong ko sa sarili ko ng mawala na siya sa paningin ko

Bakit ganun? Wala na ba talaga? o ako lang talaga ang umasa?

Hah! Nakakatawa. Sinabi niya na hindi niya ako type diba? Nagpadala lang talaga ako sa emosyon ko.

Ayaw ko dito. Parang di ako makahinga sa lugar nato.

Naglakad lakad lang ako, di ko man lang alam kung san ako pupunta. Di ko man lang alam kung saan na ako.

Hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng tomb stone ni Mama

Umupo ako at hinawakan ang lapida ni Mama.

Teresa Yoo.

"Hi Ma" bati ko sa kanya

Unti-unting bumubuhos ang ulan pero di ko ito pinansin

"Nakita ko na si Papa" tumigil ako saglit at pinilit na di umiyak pero di ko talaga kaya

"Ma masaya na siya. Masaya na siya sa bago niyang pamilya"

"Kinalimutan na niya tayo. Wala eh, mayaman na siya. Ako? Ito pa rin, walang pinagbago hahaha"

"Wag kang mag-alala Ma, susunod naman ako diyan diba? Hintayin mo lang ako dyan" sabi ko bago tumayo

Huminga muna ako ng malalim

At nag wave sa kanya

Naglakad na ako paalis ng biglang may tumakip sa bibig ko and the next thing I knew, everything went black.

3rd Person's POV

Dinala si Alyanna sa isang lugar kung saan walang makakarinig sa kanya.

Walang malay siyang iginapos ng di kilalang mga lalaki

Nagising si Alyanna na walang alam sa nangyari at halatang nagtataka sa nakita niya

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili niya

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon