[38] - We Meet Again

4 0 3
                                    

Alayanna's POV

Papasok na sana ako sa kwarto ni Papa ng may marinig akong isang pamilyar na boses

"Alllllyyy!!!"

Aly? Wait.

Lumingon ako at di nga ako nagkamali

"TIM!!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya

Para kaming mga baliw na nagyayakapan dito

"Kumusta ka na? Namiss kita" sabi ko

"Ako din eh, namiss ko yung katakawan mo haha"

Salamat naman at okay na si Tim

"Grabe ka naman! Syanga pala, anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Hmm nabalitaan ko kasi ang nangyari sa Papa mo"

"Ahh, ganun ba? Tara pasok tayo" yaya ko sa kanya

Pumasok na kami pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko siya

Nakita ko na ulit siya

"We'll go ahead Mrs. Yoo" he said without looking at me

Lumabas na sila ng pinto kaya hinabol ko siya

"Tristan"

Napahinto naman siya at humarap sakin

"It's been a long time" he said

Tumango lang ako at binigyan siya ng mapakla na ngiti

"Kumusta ka na?"

Tinitigan niya lang ako ng walang ka emo-emosyon

"You look so happy now, you don't have to worry about me" he said and turn his back

I want to hug him, I want to kiss him and tell him that I really really miss him. I want to tell him how much I love him

Tristan kung alam mo lang sana ang nararamdaman ko ngayon, kung alam mo lang sana ang pagsasakripisyo na ginawa ko.

Tristan nahihirapan na din ako, nung una akala ko makakaya ko pero hindi pala. Ang sakit. Sobrang sakit

"Aly" seryosong tawag ni Tim sakin

Hindi ko na inintindi ang mga luha ko at basta basta ko nalang siyang yinakap

Ipinasok niya ako sa loob, mabuti naman at umalis din si Mama.

"I think you have to tell me what's going on" he said

Napabuntong hininga nalang ako. Bumabalik kasi ulit yung araw na iniwan ko siya

"Wala na kami" I started

Hindi siya umimik at hinayaan nalang akong ipagpatuloy ang sasabihin ko

Sinabi ko sa kanya lahat, yung tungkol kay Mr. Vicente Robles pati yung sa kompanya nila

"Mas pinili kong iwan siya kesa bumagsak ang kompanya nila" sabi ko

"Naisip mo rin ba na ipinaglaban ka niya kaya unti unting bumabagsak ang kompanya niya?"

Dahil dun napatulala ako

Bat di ko naisip yun? Kung ipinaglaban niya ako, dapat pala ipinaglaban ko din siya. Pero mas pinili kong iwan siya.

Ang tanga ko!

Brylle's POV

Wow. Just wow. Masaya na pala siya eh tsk.

"Sir, okay lang po ba kayo?"

Tinitigan ko lang si Manager Kim

"I'm fine, keep on driving" I said

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon