Alyanna's POV
"Sir sorry po" sabi ko
"Anong magagawa nang sorry mo?! Tignan mo basag na basag na!" galit niyang sabi
"Sir babayaran ko nalang po" sabi ko
"You can't" seryoso nyang sagot
"Gagawin ko po lahat para mabayaran yan. Magkano ba yan?" tanong ko
"1.2 million" sabi niya
"ANO????!! 1.2 M-MILLION???!!! ANG MAHAL NAMAN ATA NYAN!" sigaw ko
Bat ba kasi ang mahal nang vase na yan? Oo maganda sya, simple but classy pero grabe! 1.2 million agad?!
"Bakit? bibili ba ako nang mumurahin? tsk Panindigan mo ang sinabi mo, there's no turning back" sabi niya
"Sir pwede ba hulog hulogan ko nalang? May utang pa kasi ako kay Ate Kate eh" sabi ko
"It's up to you" sabi niya at tumalikod na
Pinulot ko na yung mga bubog at linagay sa dustpan.
Haaayy ang sayang naman nito pupulutin ko na sana yung isang bubog nang ma out of balance ako kaya nasugatan ang kamay ko
"Arrraaayy!" sabi ko at pumunta sa kusina para hugasan ang kamay ko
"Anong nangyari?" concern na tanong ni Sir
"Ahh wala po" sabi ko at naglakad na papuntang sala
"Your hand is bleeding" sabi niya at hinawakan ito
"Okay na po yan sir" sabi ko
"No its not! Sit down, may kukunin lang ako" sabi niya at umalis na
Haaaiisshh ang hapdi talaga, di naman sya gaano kalaki eh pero mahapdi lang talaga
"Give me your hand" sabi ni Sir at kinuha ang kamay ko
Ginagamot niya yung sugat ko. Tsk may puso rin naman pala tong Demonyong to.
"Salamat sir" sabi ko
"Tsk. Bawas to sa sweldo mo! I've never done this to anyone. Kaya ang swerte mo" sabi niya
"Aiiissshh ang laki laki na nga nang utang ko tapos babawasan mo pa ang sweldo ko tsk demonyo ka talaga" sabi ko
"What did you say? Ako? Demonyo? C'mon ang gwapo ko naman para maging demonyo" sabi niya at linigpit na ang first aid kit
"Ewan ko sayo" sabi ko at tumayo na para ipagpatuloy ang pagliligpit nang bubog
"By the way, ikaw na muna ang bahala sa opisina bukas. May important appointment ako and here" sabay abot niya nang pera
"Ano po yan?" tanong ko
"Nag eengot engotan ka lang ba o sadyang engot ka lang talaga? Kita mo ngang pera yan diba? tsk" sabi niya
Shoot! Ang hilig niya talagang mambara! Aiiissshh
"Sabi ko nga po" sabi ko
"Mag commute ka nalang bukas" sabi niya at pumunta na sa kwarto niya
Hmmmp! Yung demonyong yun! Haiiissshh ang laki laki na nang utang ko huhuhu
Brylle's POV
2:30 am pa lang at umalis na ako nang condo. Nandito kami ngayon sa parking lot ni Manager Kim.
"Sir, sa Ching Hotel po sila mag che-check in. Room 145 at kinuha ko na po yung Room 146" sabi ni Manager Kim
"Salamat Manager Kim" sabi ko
"Wala pong problema basta para kina Maam Elixa at Sir Alex. Tutulong po ako sa paghihiganti" sabi ni Manager Kim
"Salamat" sabi ko at nangpunta na kami sa Hotel.
6:30 am. All set. Handa na kami.
"Sir they just arrived" sabi ni Manager Kim
"Alright Manager Kim, anong oras ang appointment natin sa kanya?" tanong ko
"8:30 am" sabi niya
"Okay" sabi ko
Hinanda ko na ang mga documents and also the ballpen. Linagyan ko nang bug yung ballpen to record everything.
Nagbihis na ako, I wear Big eyeglasses to look nerd and to hide my identity.
"Sir handa na po sila" sabi ni Manager Kim
Tinanguhan ko nalang siya at lumabas na sa Room 146 at pumunta na sa Room 145.
Hindi ako agad nakapasok dahil may bantay.
"I'm here to have a partnership meeting with Mr.Zen Yu" sabi ko
Tumango lang ang dalawang bantay at pinapasok agad ako
"Good Morning Mr.Yu" bati ko sa kanya
"Good Morning Mr.Sung" at nakipag shake hands siya
"Have a seat" offer niya
"Thank you Mr.Yu" sabi ko
"Well i'm going straight to the point, Gusto kong makipagpartnership sa kompanya mo" sabi niya
Tsk walang hiya? Well sorry Mr.Yu you want dirty games? then i'll give you what you want.
I gave him a smile
"Well it's an honor Mr.Yu, pwede ko bang matanong ang sekreto mo kung bakit ang lakas nang kompanya mo" sabi ko
"Hahaha o'sige basta sekreto lang natin to ha" sabi niya
I click the ballpen with the bug I planted located in my left chest to record everything.
"Well corruption is not new for us right? The minimum salary of my workers is 350 but instead of giving them the minimum I only gave them 150. Anong problema dun? Ako naman ang nagpatayo nang kompanya na yan, pera ko ang ginamit dyan. And aside from that is gambling. Siguro nga masyado akong swerte para palaging manalo sa larong yan hahaha. Well wala na akong pakialam sa mga workers ko, kung di dahil sa kompanya ko malamang naghihirap na sila ngayon. I don't care kung magrally pa sila against me. I only give importance to my money" sabi niya
Tsk ibang klase.
After nyang sabihin yan ay pinindot ko agad ang ballpen ko para ma stop ang recording nang biglang tumunog ang fire drill kaya ito na ang pagkakataon ko.
Sinuntok ko si Mr.Yu para mahimatay siya at ginapos ko siya nang biglang pumasok ang dalawang bantay niya kaya kailangan ko pa silang labanan bago kami nakalabas sa Hotel.
Nang nasa sasakyan na kami ay hinatid namin siya sa labas nang Prosecutor's Office.
"Well done Sir" sabi ni Manager Kim
"Good job Manager Kim" sabi ko at umalis na kami
Kayo na ang bahala dyan. Kailangan ko pang hanapin ang 4 pang pumatay sa mga magulang ko.
Haaayyys I need coffee. Coffee na gawa nang engot na yun.
Napailing nalang ako nang maalala ko bigla ang Engot na yun. tsk