[24] - The Mask Guy

3 0 1
                                    

Alyanna's POV

Nasa unit na ako ngayon. Di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Alam kong siya yun, alam kong si Tristan yun

Yung mga litrato sa secret room na yun, yung naghatid nina Mr.Yu, Mr.Mando at Mr.Alonzo sa Prosecutor's Office tsaka ang sugat niya noon ay dahil lahat dito. Siya at ang People Saver's ay iisa.

Kaya ba hindi siya umuuwi? Kaya ba lage siyang umaalis? Dahil ba lahat dito? Kailangan kong malaman.

I dialed Manager Kim's number

"Helo Alyanna?"

"Kuya Mat? Nasaan ka? Please. Puntahan mo muna ako dito sa unit" sabi ko

Lumalandas na ang luha ko sa mga pisngi ko

"Sige" sabi ni Manager Kim bago ko tinapos ang tawag

Napaupo ako sa couch, pinupunasan ko ang mga luha ko pero pilit pa rin itong lumalabas.

All this time, tinago niya ang identity niya?

Pag sinabi kong alam ko na, anong mangyayari samin?

Natatakot ako. Natatakot ako na baka mapahamak siya.

"Alyanna?"

Napatayo naman ako ng malaman kong dumating na pala si Manager Kim

Niyakap ko siya. At dun ako umiyak sa kanya

"Hey, anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Manager Kim

"Kuya Mat? Nasan si Tristan? Okay lang ba siya?" tanong ko habang umiiyak

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya

"Anong pinagsasabi mo? Syempre okay lang siya. Di niya sinabi sayo na may urgent business trip siya" sabi ni Manager Kim sabay iwas ng tingin

Pinahid ko ang luha ko tsaka huminga ng malalim

"Alam ko na ang lahat" sabi ko

Napatingin naman si Manager Kim sakin

"Si Tristan at ang People's Saver ay iisa" walang emosyon kong sabi

Please Kuya Mat, sabihin mo ang totoo.

"You better rest now Alyanna. I need to go" sabi niya at aalis na sana

"Please Kuya Mat. Gusto ko lang siyang makita" sabi ko habang nagpipigil na umiyak

Di nakinig si Manager Kim kaya nakalabas na siya ng unit

Tristan. I miss you. Please, don't go away from me.

Di ko alam kung kaya ko pa ba kung wala ka na.

Brylle's POV

Nakaupo lang ako sa kama ng dati kong kwarto ng biglang pumasok si Manager Kim

"Kumusta ka na?" tanong niya

"I'm better now. Daplis lang naman" sabi ko

Buo na ang desisyon ko.

"Kailangan kong lumayo sa kanya" sabi ko

Napatingin naman si Manager Kim sakin

"The more she's close to me, the more she's in danger" I said

"Nasa sayo yan. Nagpunta ako sa unit mo" sabi ni Manager Kim

Napatingin naman ako sa kanya

"Namimiss ka na niya" sabi ni Manager Kim

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon