thank's justine35.... hope you enjoy this chapter...
guys! paki basa din ng story ni justine35 ang title po ng story nya ay "MY FOOLISH LOVE"... THANK YOU :-)
ilang linggo na din ang lumipas... malapit na ang bakasyon.. 4rth year college na ako sa susunod na pasukan... madami na din ang nagbago saken.. wala ng alaala ni khriz...at ngayon panibagong ellery na ako... isa na akong active member ng school...
naglalakad na si ellery ng school habang nagsasaulo ng formula sa integral calculus para sa final exam nila
"grabe naman ang hirap nitong integral calculus... kala ko pa naman differential calculus na ang pinakamahirap.. may mas hihirap pa din pala..."
blag!!! nalaglag ang librong hawak hawak ni ellery nung mabunggo sya sa lalaking kasalubong nya...
"anu ba naman? tumitingin ka nga sa dinadaan mo... tama bang mag aral ka sa daan?"
pinulot ni ellery ang librong nalaglag. at nilingon nya ang lalaking bumunggo sa kanya...
laking gulat nalang nya ng makita ang muka nito...
"ghad, bakit sa dinami dami ng makakabangga ko eh ang taong matagal ko ng hinahangan.. pero teka... bastos sya ah... tama bang sabihan nya ako ng ganon! kahit crush ko pa sya hindi ako papatalo..."
"abah! abah! abah! ang kapal naman ng mukha mo. hoy! lalaki! ako pa ngayon ang may kasalanan? eh bakit hindi ka umilag? alam mo na palang mabubungo kita... edi ikaw din.. hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo... bruhong ito..." parang isang machine gun ang bunganga ni ellery na halos hindi na nagpreno sa kakadada (nanlalaki ang mata, namumula ang mukha at halos manlaki na rin ang butas ng ilong ni ellery sa pagsesermon sa lalaki...)
nakatingin lang ang lalaki na kala mo'y nakikinig ng misa sa simbahan. nakangiti lang ito na parang nang iinsulto...
"anung nginingiti ngiti mu dyan? siguro sinadya mo na bungguin ako noh?"
"oo sinadya ko nga na bungguin ka..."
"sinadya mo"mahinang sabi ni ellery
nanlaki nanaman ang mga mata ni ellery sa kanyang narinig.
"oh, kitams.. sinadya mo!!! kaya wag na wag mo kong pagsasabihan na parang iyo ang daan..."
tumalikod na si ellery pero lumingon ulit ito...
"bakit mo ko binangga? may gusto ka saken noh? kaya mo siguro ako binungga para mapansin kita. lumang style na yan.. kumbaga sa cd gasgas na"
tumawa ng malakas ang lalaki.
"miss ang lakas naman ata ng self confidence mo? baka hindi mo ako nakikilala? yaan mong ipakilala ko sayo ang sarili ko... ako nga pala si jake" inistrech ni jake ang kamay nya para makipagshakehands kay ellery..
isang sikat na basketball player si jake... matalino, active sa lahat ng school activity, dancer din sya sa school, magaling kumanta at sya ang nanalong mr. campus ng kanilang school. kaya sinong hindi makakakilala sa taong sumambot ng lahat ng talento sa mundo.. at higit sa lahat... gwapo...
"kilala kita hindi mo kelangan iintroduce pa ang sarili mo saken... kahit nga ata allien sa school na ito eh kilala ka."
"kilala mo na man pala ako eh... sa tingin mo kelangan kitang bungguin para lang magpapansin ako sayo? tsktsk... bakit ko naman gagawin magpapansin sa isang babae?tingna mo!(sabay turo sa mga taong nakapaligid sa kanila na halos lahat sa kanila nakatingin) ang dami dami naman dyan nagkakandarapa para pansinin ko sila... tapos sayo magpapansin ako"
namula ang mukha ni ellery.. hindi na sya makatingin kay jake.
"eh bakit mo ako binungga?"
"eh kasi nga hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo..."
"eh anu naman sayo kung hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko?pakelam mu ba?"
"alam mo miss dapat magpasalamat ka nalang sakin."
nagpekeng ngiti si ellery...
"excuse me... ikaw ang bumangga? bakit ako magpapasalamat? dapat nga magsorry ka saken eh."
"ok. miss ganito nalang... mag sosorry ako sayo kapag magpasalamat ka saken."
natawa na si ellery sa sinabi ni jake...
" your wish... magthathakyou ako dahil nilaglag mo nag libro ko?hahaha"
"ang dami pang satsat...ano magpapasalamat ka ba oh hindi?"
"hindi dahil walang dahilan para magpasalamat ako sayo..."
tumalikod na si ellery, hahakbang na sana sya ng biglang hinawakan ni jake ang wrist ni ellery
"anu bang problema mo hah?"
"ikaw na nga tong tinulungan ko ikaw pa tong galit"
halos matawa si ellery sa sinabi ni jake...
"baliw ba to...ako? tinulungan mo... my ghad? tulong na pala ang mamangga ng kapwa"-- habang nakaturo sa sarili nya...
"alam mo miss kung hindi dahil saken baka may bukol ka na sa ulo.."
kumunot ang noo ni ellery halatang nagtataka sya...
"kung hindi kita hinarang baka ito ang makabanggaan mo" sabay hawak sa posteng bakal na kinasasandalan niya... "masakit sakit din toh kung nagkataon... "
pinamulaan ng mukha si ellery...
umalis na si jake... pero bubulong bulong pa din...
" tsktsk...bakit ba hinarangan ko pa... edi sana uuwi ka may bukol"
"bumulong pa.. dinig ko din naman... napa hampas nalang sa noo si ellery.. nakakahiya.. pinagbitangan ko pa syang nagpapansin saken.
nagpatuloy na sa paglalakad si ellery bitbit ang libro... "lesson learned... wag magbasa ng libro habang naglalakad... mali lesson learned: wag manghusga ng tao...lalo na at hindi pa alam ang tunay na dahilan..."
BINABASA MO ANG
searching for my love???
Teen Fictionmy name is Ellery, and I'm searching for my love??? do i find the man who destined to me? from my horoscope... cancer-->>He is the hottie you have always been looking for, you were born for each other, he will always support you thru everything and...