Forever 3: Tantrums

61 6 3
                                    

Hello! Maraming Salamat sa mga nag vote sa Forever 2: The Meeting kagaya nina duchessrafa, J_Shyn at iba pa. Maraming Salamat po!

Eto na po ang update ko!

Lauridelle's POV

Nandito na ako sa loob ng classroom. Btw, I'm taking Business Administration gusto kasi ng mga magulang ko course na 'to kasi ako rin naman ang magmamana ng companya namin. Ok lang din naman sa'kin kasi gusto ko rin naman ang course na to.

Oo nga pala, Business Ad din ang kinuha ni Alex (Alexandra). Pinilit ko kasi siya eh para hindi kami magkahiwalay and pumayag naman siya. So, magkaklase kami! Yipee! Btw, magkatabi pala kami pero may bakante pa naman sa tabi ko. 😊

Oh! Nandito na pala si Sir! Oh my G! Ang hot niya at ang gwapo pa! Pero mukhang strikto at seryoso.😕

"Good Morning class! I'm Mr. Alexander Renz Cruz. You can call me Mr. Cruz. I'm your Math teacher. But you can call me Mr. Cruz. But first please introduce yourself let's st-" Naputol yung sasabihin ni Sir nang may pumasok na lalaki. Pero, hindi ko makita ang mukha niya nakayuko kasi ako eh.

"Sorry I'm late." Pagsosorry nung lalaki kay Mr. Cruz.

"Since you are late...you'll be the first one to introduce yourself." Pumunta naman yung lalaki sa harap ng table at humarap sa'min. OMG! Siya yung lalaking tinutukoy ko na gwapo kanina! Kyaah!~~

"Hi! I'm Duke Henry Gabrielle Monreal. And, you can call me MINE." Ngumiti siya sa amin at may kasama pangkindat. Omg! Makalaglag ng panty ang ngiti niya. Nagtilian naman ang mga babae ang mga lalaki naman nagbulung-bulongan na kesyo mas gwapo raw sila kesyo may kaagaw daw sila sa mga babae. Psh! Mukha nila! Parang mukha ni Marlou!

"Ok. Thank you, Mr. Monreal you may now take your seat. And please don't be late again." Naghanap naman ng upuan ang aking MINE. Simula ngayon, MINE na itatawag ko sa kanya yun ang sabi niya kanina eh. Pero sa isipan ko lang siya tatawaging MINE. Ihhh!😍😍. Pero wait ano apelyido niya? Monreal?! Kaanu-ano niya si Duchess?! Mag-asawa sila?! No! Akin lang si MINE!

"Excuse me miss, may nakaupo ba dito?" No! Akin lang si Mine!! Teka, sino ba 'tong kumakalabit sa'kin? Matingnan nga. Omg! Si MINE! Napatulala lang ako at tumango sakanya. Umupo naman siya sa katabi kong upuan. So, magkatabi kami! Wahh!

"Hi! What's your name? I'm Duke." Pagtatanong sa'kin ni MINE. OMG! Kinakausap niya ako!

"I'm Lauridelle." Pagpapakilala ko naman sakanya. So, magkakilala na kami! Yey! Pero, napabaling naman ang tingin niya kay Alex. Tinanong kung anong pangalan niya.

"Hi! I'm Duke. What's your name?" Pagtatanong ni Duke kay Alex. Inirapan naman ni Alex si Duke. Sungit talaga.

Veronica's POV

Nagpakilala pa siya kahit kilala ko na siya. Psh. Inirapan ko na lang. Oo gwapo nga siya, pero halata naman sa mukha na playboy. Tch! Kay Lauridelle na lang siya tutal type naman siya ni Lauri.

"Psh! Sungit! Kala mo kung sinong maganda!" Bumubulong pa siya rinig na rinig ko naman. Nagtanong na lang siya kay Lauridelle kung anong pangalan ko. At yung isa sinabi naman. Ugh! Daldal talaga. Ay! Ako na pala ang magpapakilala. Tumayo na ako at nagpakilala.

"Good morning. I'm Alexandra Veronica Flores. You can call me Veronica." Pagkatapos kong magpakilala ay umupo na ako. Btw, ako pala ang huling magpapakilala kaya tapos na ang introducing session. Sinabi naman ni sir kung ano ang mga rules pagpanahon ng klase niya.

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon