Yow! Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito!
Jew's P.O.V
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nakilala namin sina Terrence.
Andito kami sa auditorium nag iintay kay principal may announcement daw kasi. Edi wala kaming magawa kundi pumunta dito.
Estamos esperando por ella. Yeah, I speak spanish a little bit.
Oh! Nandito na pala si Ms. Principal.
"Good morning, students! Thank you for coming." Tss. Buti at dumating na siya. Nakakapagod kaya maghintay. Alam niyo yon? Nakakapagod. Yung feeling na di mo alam kung dadating pa ba o hindi na at tuluyan ka nang iwan. Huhuhuhu! 😭😭
"Alam niyo naman na every school year eh may election talaga tayo. Diba? So, sino ang binoto niyong presidente? Sa nakakaboto lang. Pero, sino ang bet niyo?" Eh? Akala ko para sa Student Council bakit yung election talaga ngayon? Pero, may mga sumigaw rin kagaya ng....
'Duterte!'
'Ako Poe!'
'Ha? Ikaw? Tumatakbo ka bang presidente? Hindi naman ah?'
'Aish! Hindi! Ang ibig kong sabihin si Poe hindi ako.'
Natawa na lang ako sa narinig ko sa dalawang student.
'Basta ako Duterte!'
'Mar!'
'Miriam!'
'DuRiam!'
Seriously?! Bakit nasali ang Duriam? May tumatakbo ba na ganon ang pangalan?
"Oh, bakit walang Binay dito? Gagawin niyang 5Ps ang 4Ps, ayaw niyo ba 'yon?"
'Eh ma'am wag na nating pag usapan yan.'
'Oo nga ma'am baka maubos pa laway namin!'
Natawa naman ang iba sa mga sinasabi nila. Edi, sila na masaya! Sige!
"Sige na, tama na yan. As I was saying, yearly tayong nagkakaroon ng election for Student Council Officers diba? So, sino ang gustong tumakbo?" Ahhh ok. Ayaw ko tumakbo baka madapa lang ako. Pero di talaga ako tatakbo. As in. Nakakapagod kayang tumakbo. Literally.
Marami ang nag volunteer na tatakbo. Ok, bahala sila sa buhay nila. Pero ang nakakagulat eh, tumakbo si Chris bilang president ng SC! President yun. Hirap kaya maging president. Pa'no ko nalaman? Ewan ko din. Student instincts I think. Hmm.
Pero, hindi lang si Chris ang tumakbo as Student Council President kundi pati si Duchess rin! Oh diba? Tapang ng bestfriend ko noh? Di lang matapang, maganda at matalino rin. Oh san ka pa kay Duchess ka na! Pero, yung mabait wag na nating pag usapan yun. Hahahahaha! Joke! Mabait naman si Duchess, minsan nga lang masungit.
Pero, mukhang exciting ang election ngayon ah. Ang dakilang magkaaway ay tatakbo as Student Council President. Oh diba? Nakakaexcite!
So, yeah. Nakakapagtaka lang na si Chris na maloko at maingay. Tatakbo as president ng Student Council!? Diba? Nakakaloka lang. Pero mas okay na rin yun. Pero kung si Terrence ang tatakbo at siya ang mananalo? Tss. Ewan ko na lang.
Nagpatuloy lang sila. So, tapos na sila sa secretary. So, di ko na alam ang susunod. Di na lang ako nakinig kay Ms. Principal. Yeah, di ako nakikinig.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking di pakikinig eh bigla ba naman akong kinalabit ni Terrence. Di ako tumingin. Kinalabit nanaman niya ako. Di pa rin ako tumitingin. Maya maya ay binatukan ba naman ako!
BINABASA MO ANG
Waiting For Forever
Teen FictionWhat will happen if total opposites meet? Will they prove that opposites attract? Or does opposites repel? This is about choosing on what is more worth it. And about waiting for the right one for you and your 'forever'.