Hello! Wazzup?
Miles's P.O.V
Hi. Wala ako sa mood ngayon actually araw-araw. Btw, isang buwan na ang nakakalipas matapos ang eleksyon. Ok lang naman normal lang naman ang mga nangyayari.
"Huy! Miles ba't ba ang sungit-sungit mo ha? May men...men ano nga ba 'yon? Yung tawag pagmeron ka?" Tanong ni Andrew. Palagi niya akong tinatanong kung bakit ang sungit-sungit ko daw these past few days. Paki ba niya? Tapos, menstruation lang di pa alam. Yung totoo, nakikinig ba 'to sa teacher?
"G*go! Menstruaction yun. Di ka talaga nakikinig." Sabi ni Terrence. Isa pa 'to.
"Ah oo! Yun nga! May menstruaction ka pa rin ba? Parang katunog lang ng construction ah. Pero, diba dapat one week lang yun? Ba't sa'yo isang buwan?" Sabi ni Andrew. Naniwala naman siya kay Terrence eh isa pa yun na 'di nakikinig eh.
"G*go! Tigil-tigilan niyo nga ako. Menstruation yun. Tanga! Tsaka, paki niyo ba kung masungit ako. KKT lang brad." Sabi ko.
"KKT? Ano 'yon?" Sabay-sabay nilang sabi. Take note hindi lang si Andrew at Terrence kundi ang buong barkada. Napakachismosa.
"Kanya-kanyang trip."
"Ahhh okay." Sabi nila. Sabay balik sa kani-kanilang trip. Tinigilan na rin naman ako nung dalawa. Mabuti naman.
Nagsoundtrip lang ako dahil bored ako. Wala naman kasi akong makausap. Actually, meron pero nakakatamad magsalita.
Maya-maya ay may lumapit sa amin. Ewan ko. Feeling close. Nakikipag-usap sa amin. Pero, isa lang ang napansin ko.
"Nagtoothbrush ka?" Tanong ko.
"Ha?"
"Ang baho kasi hininga mo." Sabi ko. Totoo, promise. Mukhang di talaga siya nagtoothbrush. Namula siya. Umalis na rin siya mukhang napahiya eh. Hahaha.
"Ba't mo sinabi yun? Ha?" Tanong ni Jew.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Chill ka lang." Sabi ko. Mabaho talaga ang hininga nung babae kanina. Nagsabi lang ako ng totoo. Kasi sabi nila diba, 'Honesty is the best policy.' 'Di naman galit si Jew.
"Hahahahaha! Iba rin 'tong si Miles eh noh. Pero, totoo yung sinabi ni Miles kanina ko pa napansin yun. Hahaha!" Hala sige! Tawa pa Terrence. Tss. Ni-let go na lang rin nila ang topic.
Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay ang teacher. Maya-maya ay dumating na rin siya.
Pagdating pa lang niya bati kaagad ang laki ng ngiti ni ma'am ngayon ah. Good mood. Bumati rin kami pabalik sa kanya.
Nagtuturo na siya ngayon habang ang laki ng ngiti. Hindi ba sumasakit ang panga niya? Nga pala, Math ang una naming subject. Oh diba?
Nagtuturo lang si Mrs. Castro nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si............Ms. Hugot. Hindi naman talaga hugog ang pangalan niya. Lagi lang siya humuhugot. Ewan ko diyan sa batang yan. Tapos, eto pa NBSB siya walang experience sa mga boyfriend thingy na 'yan. Tapos siya pa yung hugot ng hugot daig pa niya yung mga iniwan ng mga jowa nila.
"Bakit late ka, Ms. Ramos?" Tanong ni ma'am na my ngiti sa kanyang labi. Yung totoo? Ba't sobrang saya ni ma'am? Kahit may nalate nakangiti pa rin.
"Ah ma'am sorry po kung nalate ako. May nakita kasi akong piso sa daan." Sabi ni Ms. Hugot. Pero, huh? Anong kinalaman ng piso sa pagkalate niya?
BINABASA MO ANG
Waiting For Forever
Teen FictionWhat will happen if total opposites meet? Will they prove that opposites attract? Or does opposites repel? This is about choosing on what is more worth it. And about waiting for the right one for you and your 'forever'.