Forever 5: Chris's Secret

56 6 9
                                    

Hi!

Duchess's POV

Well, hi guys! Nandito ako ngayon sa isa sa pinakamagandang lugar na alam ko ang....................cafeteria. Hehehe✌. Ang dami kasing pagkain.

Sa totoo lang, andito talaga ako sa cafeteria. Nagpapakilala lang naman sina Terrence. Makikinig na lang muna ako. Okay?

"Hi, Ethan James Rodriguez." Sabi ni James sabay poker-face. -_-

"Hello, I'm Chris Drixan Marquez." Psh. Patayin ko kaya 'tong nagsasalita ngayon?

"Yow! Stephen Andrew Curry. And please call me Andrew not Stephen. Or else."

"Hi, beautiful ladies. I'm Alexander Terrence Chua. Ang pinakagenius sa kanilang lahat tsaka pinakagwapo na rin." Nagwink pa siya. Eww! Feeler ni Terrence.

Wait, kulang sila sa pagpapakilala ah?

"Ay sorry! I'm Duke Henry Gabrielle Monreal. Kuya ni Duch. Right baby sis?" Ahh eto pala hindi pa nagpapakilala ang magaling kong kuya. Psh. At anong tinawag niya sa'kin?! Sinabihan ko na siyang sa bahay lang ako tatawaging baby sis eh. Hmp.

Tsaka, kaya siya nahuli sa pagpapakilala eh, nilalandi pa niya si Veronica. Tsss. Landi talaga.

"Kuya!!! Sabi ko naman sa'yo na 'wag mo akong tatawaging baby sis eh!" Sabi este sigaw ko sa kanya. Sabay pout. Eh bakit ba? Ang cute ko kayang magpout. Diba?

"Wag ka ngang magpout. 'Di ka cute. Para kang bumagsak sa isang building na nauna ang mukha! Hahahaha!!" Eto nanaman siya. Papatayin ko talaga tong Marquez na'to!! Ugh!

"Tumahimik ka kung ayaw mo pang mamatay! Bwiset!" Tinawanan lang niya ko at binelatan. Mamatay sana siya sa kakatawa. Ay wait, bibilangan ko na lang siya hanggang 20 sec. Sabi kasi nila mamatay ka daw pag umabot ng 20 seconds ang pagtawa mo. 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15-

Sayang! Muntik na yun oh! Kulang ng 5 seconds.

"Duke! Tama si Duch. Huwag mo siyang tatawaging baby sis." Himala ata ngayon at sumang ayon si Chris sa sinabi ko. Isa talaga itong himala. "Di naman kasi siya baby eh. Ang tanda na kaya niyan. Tingin ko nga 150 yrs. Old na siya eh! Hahahaha!" Akala ko lang pala 'yon may kasama palang asar. Grrrr! Aabangan ko 'yan mamaya magdadala ako ng baril tapos papatayin ko. Tsss.

Tsaka, akala ko ipagtatanggol ako ni kuya. Di pala, tinawanan niya rin ako. Huhuhu! Dapat pala hindi na ako umasa, kasi sa huli ako pa rin ang masasaktan. Isusumbong ko siya kay mommy.

Pupuntahan ko rin siya mamaya sa bahay nila. Pagkatapos ko sa plano ko kay Marquez! Sasabunutan ko siya pagdating ko dun, tutal si kuya, siya at mga katulong ang nandoon eh.

Actually, kilala ko na silang lahat. Except for Chris. Hindi kasi siya sumasama kapag pupunta sila sa bahay o sa bahay nila.

Nagalit lang ako sa kanila kanina. Hindi ko rin sila masyadong napansin dahil sa bwiset na Marquez na yun!

Humanda ka sa akin mamaya Duke Henry Gabrielle Monreal. Pagkatapos ko sa plano ko kay Marquez!

Chris's POV

Yow! Hi guys! Oh my good! First time 'to guys! May POV na ako! I cannot! Ok, tama na. Serious na'to.

Bestfriend nga pala ako ni Duke 'Playboy' Monreal. Tsaka, ngayon ko pa lang nakilala ang kapatid ni Duke na sobrang sungit at sobrang daldal. Galing kasi akong U.S.

Yeah, I'm from U.S. Pero, matagal na kaming magbabarkada. Doon lang ako ng aral ng 3rd year. Ya' know.

May sasabihin akong sikreto sa inyo ah. 'Wag niyong ipagkakalat ah. Promise? Ay wait wag pala promise. Kasi alam niyo na promises are meant to be broken. Basta wag niyong ipagkakalat ah.

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon