Forever 4

96 7 0
                                    

Lauridelle's POV

Naglalakad na ako papunta sa klase ko. 2:30 na. Malapit na oras ng klase ko. Btw, nakamove-on na ako sa nawawala kong 50 pesos. Huh! Kala niyo, hindi ako makakamove-on noh? Hmp! Pwes, mali kayo!

Nandito na ako sa tapat ng classroom. Nang biglang may tumulak sa'kin kaya hinintay ko na lang na bumagsak ako sa sahig pero hindi ako pumikit. Ayan, malapit na akong bumagsak in ten seconds babagsak na ako.

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

Pero naramdaman ko na may sumalo sa'kin. Nang maramdaman ko 'yun pumikit ako. Sana si MINE ang sumalo sa akin. Sana. Ganyan naman sa mga stories diba? Kapag muntik ka nang mahulog si crush ang sasalo sa'yo diba? Diba?

Pagbukas ko ng mata -_^. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nakita ko. Hindi si MINE ang sumalo sa akin. Huhuhu!!😢

(Lesson Learned: "Wag masyadong umasa baka masaktan ka lang." at "Wag masyadong magpapaniwala sa mga stories.")

Tumayo na ako agad at nag thank you na lamang sa kanya at dali daling pumunta sa upuan ko. Nakita ko si MINE na kinukulit si Alex pero si Alex iniirapan lang si MINE at tinataboy palayo. Grabe si Alex hindi talaga tinatablan sa kagwapuhan ni MINE. Umupo na kaagad ako sa gitna nilang dalawa. Tumigil naman si MINE sa pangungulit kay Alex. Aba! Dapat lang na tumigil siya andito na ang kanyang PINAKAMAGANDANG admirer sa buong world.

"Hi Lauri. Mabuti na lang at dumating ka! Nakakainis na yang lalaking 'yan! Feeling gwapo." Hindi talaga nadala si Alex sa kagwapuhan ni MINE. Ang gwapo niya kaya. Pero mukhang narinig ni MINE ang sinabi ni Alex.

"Hoy Flores! Ang gwapo ko kaya! Ang dami ngang nahuhumaling sa'kin." Tama naman si MINE ang gwapo niya kaya. Kailangan na atang magpapalit ni Alex ng salamin.

"Ugh! Nakakainis ka na talaga!!!! Isusumbong talaga kita kay Duchess!" Nagulat naman si MINE sa sinabi ni Alex. OMG! May koneksyon sila ni Duch! No! No! 'Di pwede! Akin lang siya!

"Psh! Edi isumbong mo! 'Di na ako under dun noh!" Binelatan lang ni Alex si MINE.

Nagpatuloy lang sila sa pag-aaway. Ingay nila! Kinuha ko Ipod ko at nagsoundtrip. Syempre may earphones baka makaistorbo pa ako sa pag-aaway nila. Psh. Pero pagtitingnan mo sila parang magkasintahan na palaging nag-aaway. Pero, bakit parang masakit dito sa puso ko? Aish! Wala lang to.

Dumating na si Ms. Garcia. 'Yan ang sabi niya na itawag namin sa kanya. Nagsimula na siyang mag salita. Tumigil naman yung dalawa sa pag aaway. Mabuti naman, baka mas lalong sasakit-. Aish! Ano bang sinasabi ko! Crush ko lang siya! Crush lang!

Miles's POV

Andito kami sa classroom naghihintay ng himala. Joke lang! Ang tagal naman kasi ng P.E teacher namin. Tsaka, nakakairita naman kasi tong si Duch at Chris away ng away. Ewan ko sa kanila. Pero 'wag kayo bagay sila.

"Hoy, Ethan! Magsalita ka naman! Ang tahimik mo!" Sigaw ni Jew kay James. Btw, magkakaibigan na pala kaming walo. Mababait naman kasi sila. Maliban na lang kina Duchess at Chris. Frenemies sila. Parang aso't pusa!

"Huwag mo akong tatawaging Ethan." Hindi talaga siya ngumiti ni hindi nga niya binigyan ng masamang tingin si Jew. Hehehe! ✌. Pero si Jew lang ang tumawag sa kanya ng Ethan kasi kami lahat James ang tawag namin sakanya. Habang sinasabi niya yon parang may diin, nakakakilabot. Brrr.

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon