Hello.
Kyla's P.O.V
Hello. 2 months na ang nakakalipas magmula nang natrap sina James at Jew sa room. Stop. Napakamakata. Okay, seryoso na. Kinwento kasi Duchess yung nangyari kaya ayun, nalaman namin. Atsaka, Foundation week namin ngayon!! Yey!
Ang saya! Ang daming booths, may horror both, wedding booth, confession booth, at marami pang iba. Tapos, ang cute nung ibang mga boys na aamin thru confession booth. Ang cute.
Wala naman masyadong nagbago. Maliban sa isa. Si James at Jew! Shet! Kinikilig ako! Kasi naman po, mas naging close tapos kung umarte parang magbf/gf. Basta ang sweet. Madalas magkasama. Tapos...tapos...basta! Sweet sila. Period.
Sige na. Pupuntahan ko pa sina Jew.
Terrence's P.O.V
Today is the day! Aamin na ako sa kanya. Hooh! I can do this!
Nagpalista ako sa confession booth. Mamaya 3:00pm. May time pa akong magready. Sila na ang bahala kung paano nila mabablindfold si *toot*. Basta! Nasa isang room kami na kami lang dalawa at dun! Yun aamin na ako.
I know, hindi siya masyadong sweet. Pero, bahala na. Tsaka, hindi pa naman ako nanliligaw pero pag nangyari yun, sisiguraduhin kong lalanggamin pati asin dahil sobrang sweet ng gagawin ko.
Alam kong imposible yun pero, sa akin posible yun! Basta para sa kanya. Ewan ko kung anoang ipinakain niya saakin at nainlab ako sa kanya. Ginayuma niya siguro ako. Tsk! Tsk! Nang dahil sa kagwapuhan ko 'yan tuloy ginayuma niya ako. Hahahahaha! Joke lang. Ewan ko, kung bakit ako nainlab sa kanya.
Alam na nina James at Andrew kung sino ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Lalim 'nun ah! Si Chris? Hindi pa niya alam. 'Di ko mahagilap yung lalaking 'yun! Ewan ko kung saan siya nagsusuot. Edi ang ending hindi niya alam kun sino ang gusto ko. Outdated na si boy.
Bahala na siya. Basta ako, magreready na.
Duchess's P.O.V
Andito kami ngayon sa gym, wala lang trip lang namin. Mamaya pa kami maglilibot-libot samga booths, ang init pa kasi.
"Guys! May naisip ako!" biglang sigaw ni Jew. Ewan ko diyan, sumisigaw eh andito lang kami sa tabi niya.
"Oh, ano naman?"
"Uhm ano, magpapalit-palit tayo ng I.D!" Huh? Ano ba ang trip ni bes?
"No!" sabay nasigaw ni Miles at Kyla.
"Aish! Sige na! Please! *puppy eyes*" Ang cute niya! Hahahaha!
"Fine." Sabi ni Kyla sabay pout.
So, yun nga nagpali-palit kami ng I.D. Sayang lang at hindi Jew yung nakapalitan ko. Sad life. Nagbunot-bunot lang kami ng pangalan at kami ni Kyla ang nagpalitan. Ok lang din. Atleast hindi na naman si bes ang makakapalitan ko. Partners na talaga kami sa lahat baka sa susunod niyan magkapalit kami ng mukha. Pero, ok lang kasi pareho naman kaming dyosa eh, wala paring magbabago dyosa pa rin kami!
Maya-maya lang ay naghiwa-hiwalay na kami, kasama ko si Jew at James. Ewan ko dito sa dalawa palaging na lang magkasama at ang sweet sweet pa. Are they dating? Ewan. Kung magkatuluyan sila ok lang, mabait naman at medyo may itsura naman si James kaya ok lang. Hindi lang ok susuportahan ko pa sila!
Naglalakad-lakad lang kami sa field at tumitingin sa mga booths. Nagmumukha pa nga akong third wheel dito, dahil sa dalawa. Sinasabihan ni Jew si James na ngumiti rin paminsan-minsan. Oo nga naman, ang seryoso nito masyado eh.
BINABASA MO ANG
Waiting For Forever
Teen FictionWhat will happen if total opposites meet? Will they prove that opposites attract? Or does opposites repel? This is about choosing on what is more worth it. And about waiting for the right one for you and your 'forever'.