"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it." — J.K Rowling
1
Ilang araw na ba ang lumipas? Ilang buwan? Ilang taon? Bakit hanggang ngayon ramdam ko pa? Sa bawat pagsikat ng araw ang naaalala ko lang ay ang pait at sakit. Minsan naiisip ko sana may off button na lang ang mga tao, or self-destruct button para naman isang pindot ko lang. Wala na, tapos na lahat lahat. Good bye world. Haaay. Ako si Ana Karylle. Papakilala ko pa ba kung sino ako? Wag na, di naman importante. Wait, eto na, red light here I come!
Here I am! Back to the mainland! And I'm not happy at all. If not for this effing wedding di naman ako babalik basta dito. Family event their face. Wala ako sa mood ngayon para pagsabihan ng kung ano anong pangungutya about my gender orientation from my own family kung family ko pa nga ba sila. Eeyuck, kanina pa ko kating kati sa tuxedo na to! Ang init init sa Pilipinas! By the way, I am Vice. Vice lang wala ng iba. I am a well renowned stylist based in New York pero wala naman talaga akong permanent address, laman ako ng hotels everywhere in this world, sanay ako na every week, every month nagtatravel to attend different events and fashion shows. I've styled different well known personalities, Beyonce, J. Lo, Aniston, Bullock, Tyra Banks, the Kardashians. Name everybody you know in Hollywood malamang naging client ko na. I am proud of myself and what I've become. Kailangan eh, wala namang ibang proud sa akin. Oh well, that is life. Sabi nila no man is an island, well fuck them. Isa akong napakagarbong island and I don't care at all!
*Screeeeeeeech*
Isang puting 1997 model ng Honda Civic ang biglang huminto sa harap ng sasakyan ni Vice. Despite him being in deep thoughts ay mabuti na lang at mabilis pa rin ang reflexes nito at nahinto niya pa rin right on time ang inarkila niyang sasakyan. Sa inis ay binaba niya ang bintana ng sasakyan niya at rinig na rinig niya ang napakalakas na heavy metal music na tumutugtog mula sa sasakyan ng bruhang babaeng may ari ng sasakyan na iyon.
"Tonta! Kung magpapakamatay ka wag ka mangdamay ng iba! Tatangatangang driver! Beating the red light ka! Ano ba? Di ka pa ba aalis jan?" Sigaw ni Vice.
He was totally weirded out by the driver of that car. Nang huminto kasi siya sa harap ng sasakyan ni Vice ay tumitig lang ito sa steering wheel ng matagal. Tumitig pa ito kay Vice after at biglang humarurot na ng takbo. Pareho sila ng way ng sasakyan pero hindi na ito naabutan ni Vice sa bilis.
Papasok na siya ng wedding reception at nagaayos ng tuxedo niya nang may makita siyang babae sa entrance na tila ba nagdadalawang isip kung papasok ba ito doon o hindi. Tatanungin niya sana kung naliligaw ba ito but when she turned around ay namukhaan niya ito. Si bruha. Dali daling umalis ang babae at natamaan niya pa si Vice. Di man lang nagsorry.
"Hoy! Kani-" hahabulin niya sana ang babae at kokomprontahin but he was too late, nakita na siya ng bride at groom.
"Jose Marie! Ang gwapo mo dude!" Salubong ni Vhong, ang matalik na pinsan ni Vice. Lumayo siya sa pamilya niya but he stayed in touch with Vhong. Parang ito lang kasi ang natuturing niya rin na kaibigan. Everybody else in his life is an acquaintance.
"Hipolito, tigilan mo ako! Hindi ako natutuwa sa pakana niyong tuxedo at no crossdressing na to ha? Oh! Congratulations! Nakatali ka na!" Pagsusungit ni Vice at sabay abot sa regalo niya.
"Init naman ng ulo mo, waks! Pahug nga muna!" Asar ni Anne, ang long time girlfriend ni Vhong na ngayon nga ay asawa na niya at naging close friend na rin ni Vice. Madalas kasi siyang bisitahin ng dalawa sa New York at minsan rin sa Hong Kong tuwing nagbabakasyon ang magkasintahan.
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.