Chapter 18

10.4K 397 107
                                    

"We all yearn for what we have lost. But sometimes, we forget what we have."
—Mitch Albom








18


One day, when you already lost hope on love,  someone will come to make us believe that it is okay to give it another shot then it will be up to us to find out if that someone is meant to stay or is just passing by to teach us another lesson in the most cruel way.

But how will you know who's meant to stay in your life and not? Should we cling to words or should we let actions defy what the mouth could utter?

Sa sitwasyon ko ba dapat akong maniwala sa mga sinasabi ni Vice o mas dapat kong paniwalaan ang kakaibang pakikitungo niya sa akin ngayon?

Hindi ko ba alam kung nasanay na lang akong parati siyang andiyan, parating present, parating eager to listen kahit gaano pa ka-nonsense ang mga sinasabi ko na sa simpleng pananahimik niya tuwing magkasama kami ay nakakapanibago na. Maybe he already got bored. He hates constancy doesn't he? Baka nagsawa na siya sa routine namin? Hindi ko alam, basta ang alam ko lang nalulungkot ako at natatakot because the last time I felt this with someone, I only tried to ignore it and look where it got us, tignan mo kami ni Dominic.

Andito kami ngayon sa Sky Deck in Intramuros ni Vice. Ang ganda ng view, again it's overlooking the city. Very romantic ang set up, the skyline has the color of dusk, as if it was perfectly hand painted. Ang sarap sanang enjoyin nito kung nasa mood lang yung kasama ko.

He invited me for dinner. Date daw pero ang tahimik naman niya. Andiyan siya pero parang hindi ko naman kasama. Gusto kong hawakan yung kamay niya, gusto kong tanungin kung ayos lang ba siya? Kung okay ba kami? But I just can't do it, natatakot kasi ako na baka... Na baka hindi ko naman magustuhan ang sagot niya. Ako naman nagsabi na okay ng ganito diba? No commitment, no problem.

2 weeks na ang nakalipas simula ng pagbisita niya sa magulang niya. Alam ko I was the one who suggested it, hindi ko naman inasahan na may magbabago.

I started getting signals from him. Unanswered phone calls, flat text messages, different kind of quiet when were together, blank stares as if something is bothering him. Gusto ko lang naman malaman kung bakit, kung ano yung gumugulo sa isip niya.

"Uhm, Vice, okay ka lang ba? Uhm... Okay lang naman if we just go home and rest, mukhang pagod ka from work." Sabi ko na lang. Tinignan niya ako at nginitian, nakakatunaw naman kasi ang mga mata niya.

"It's fine. I need this, breath of fresh air. Sorry ha? There's just a lot of things going on in my mind." Sabi niya, maiinis siguro ako kung hindi lang ako nakatingin sa labi niyang nakausli na parang ang sarap halikan. Namimiss ko siya, nakakamiss yung kakulitan niya.

Nagbago kasi siya after niyang bisitahin ang magulang niya, he's been going there a lot lately at mukhang nagiging okay na naman sila ng mommy niya and don't get me wrong, I'm very happy with that, pero everytime kasi na nanggagaling siya doon at magkikita kami, para siyang sinasapian ng kung ano at nagiging aloof siya.

Sabi niya it was part of his plan para makumpleto na siya, para mabuo muna ang 'siya' bago magkaroon ng 'kami'. Kung ganito ang kapalit ng pagiging buo niya... Magiging selfish ba ako kung hilingin ko na sana hindi na lang siya mabuo? Na sana kagaya na lang siya ng dati, kahit kulang kulang, okay kami, tanggap ko naman siya eh...

Piece by PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon