"I believe that the moment you catch someone's soul, you have complete capability to fall in love with it."— Anonymous
8
"Oh, Ate K, uwi ka na agad?" Tanong ni James kay Karylle.
Karylle came to Arts and Novels today with an upbeat vibe. Late siyang pumasok at walang pasabi na labis na ikinagulat ng Team Karylle and here she is now, getting ready to leave early. For some, ang pangit ng combination na to para sa mga boss but since it's Karylle, it made the 6 kids happy and somewhat weirded out by the sudden change.
"Yup!" She answered.
"Alis na tayo? Isn't it too early?" Biglang tanong ni Vice.
"Oh bakit? Ayaw mo nun? Let's go!" Pag aya ni Karylle.
"Ay nako Ate K, mukhang wala pa talagang balak umalis yan." Pagsingit ni Daniel.
"Bakit?" Ani Karylle.
"Huy!" Sabay na sinabi ni Vice at binato si Daniel ng maning kinakain niya.
"Nakita mo yung sa table number 8? Si Kuya Tight Pants, Ate K, type niya! Kanina pa nagpapacute to dun. Di naman pinapansin!" Bulong ni Daniel para hindi siya marinig ng mga customer.
"Grabe tong batang to! Iba ang tabas ng dila—" sabi ni Vice ngunit pinutol siya ni Karylle.
"Pst! Regular customer yan dito. Wag mong takutin! Atsaka kita mo yung katabi niya? Asawa niya yun. Wala na, di na kayo talo niyan kaya tara na!" Sabi ni Karylle.
"Ohmy, asawa niya yan? Di niya deserve! One swift move pwede kong makuha yan! Mas yummy ako sa asawa—arouch!" Maarteng sinabi ni Vice kaya nakatanggap siya ng hampas kay Karylle and she made a signal for Vice to keep his mouth shut dahil naririnig siya ni Daniel na sa paningin ni Karylle ay bata pa.
"Ano ba, hindi na bata yan! Kayang kaya ng gumawa ng baby niyan!" Sabi ni Vice sabay umiwas ito sa isa nanamang hampas sana ni Karylle sa kaniya. "Oh! Tama na! Sobra na yang hampas na yan, kagabi lang tayo naging friends! Wag kang mapanakit!"
James nudged Daniel on his elbow as if saying "look at Ate K, she seem lively today.", napapatingin din naman sa Kath na parang natatawa rin.
"Che! Osige na, alis na kami. DJ, make sure you close at exactly 12 ha? Walang lalagpas dun! At diretso ang uwi! Are we clear, James?"
"Yes ate!" Sabay na sinabi ng dalawa.
"Kath, tatawag ako sa'yo mamaya, ikaw ng bahala sa dalawang to ha?"
"Yes Ate K! Go na! Kami na bahala sa shop." Sagot ni Kathryn na kasalukuyang gumagawa ng drinks.
"Okay! Let's go!" Mabilis na nakuha ni Karylle ang susi ng kotse na nakalapag sa harap ni Vice.
"Hoy bruha ka! Amin na yan!" Paghabol ni Vice sa kaniya which caught the attention of many kaya mas dinalian ni Karylle ang takbo.
"Grabe ang scandalous mo!" Sabi ni K nang makalabas siya ng coffee shop.
"I'm not kidding Karylle, give me the keys!" Seryosong saad ni Vice.
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.