forsake
verb for·sake \fər-ˈsāk, fȯr-\
: to give up or leave (someone or something) entirely.
—Merriam-Webster21
Flashback
It was their last day in Balesin for Anne's birthday.
They prepared a small dinner and a campfire along the beach as what Anne requested. Habang busy ang lahat, Vice was sitting on a huge log malapit sa ginawa nilang apoy, with a bottle of beer in his hand habang panaka-nakang tinitignan si Karylle who was busy preparing the hotdogs and marshmallows with Anne.
"Lumaki ako na halos naging Ate ko na si Ate K." Nagulat si Vice nang bigla niyang marinig ang boses ni Daniel who then sat beside him and played with the sand with a stick in his hand.
"Secretary ng Daddy niya ang Mama ko. Secretary tawag nila pero ang totoo, personal alalay. Kasambahay ganun, pero kahit minsan hindi ko naramdamang minaliig nila si Mama. Pag summer sinasama kami ng Mama ko kila Ate. Halos naging tatay ko na nga rin si Tito Modesto, siya na ang bumuhay sa amin, siya ang nagpapa-aral sa amin. Bata pa lang ako nung nawala siya. Ang naaalala ko nun, malungkot, ang lungkot ng nanay ko kasi nawalan na nga siya ng trabaho, parang nawalan pa kami ng kakapitan. Nakalimutan namin na meron pa palang Karylle, may Karylle pa na may malasakit." Dagdag pa ni Daniel at tinignan si Vice sa mga mata.
"Tinulungan at tinutulungan niya pa rin kaming lahat hanggang ngayon. Binigyan niya ng pangkabuhayan ang Nanay ko sa Tacloban para dun na kaming lahat, sama-sama kami, pero makulit ako eh at gaya ng lagi niya rin naman sinasabi sa akin noon, taasan ko yung mga pangarap ko. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong pumunta dito sa Maynila, gusto kong mag-aral at makapagtapos dito kasi alam kong mas maraming opportunities para sa akin dito pag pinagbutihan ko, walang isang salita, binilhan niya agad ako ng ticket, hindi na niya ako tinanong pa basta ang alam ko na lang enrolled na ako. At ayan na nga may Team Karylle na, alam ko namang halos lahat ng kinikita niya sa amin na rin napupunta. Kaya siguro ganito na rin ako ka over protective sa kaniya, mahal na mahal ko yan si Ate K. Hindi ko na alam kung pano siya pasalamatan, kaya hanggang kaya ko siyang protektahan poprotektahan ko siya, dun man lang makabawi ako sa lahat ng kabutihan niya." Patuloy na pagkukwento ni Daniel.
"Bakit mo sinasabi sa akin lahat yan?" Nagtatakang tanong ni Vice.
"Kasi gusto kong malaman mo na mabuting tao si Ate K. Yung nangyari sa kaniya noon, hindi niya deserve yun. Isang malaking kagaguhan yon. Kung pwede ko lang sapakin at bugbugin yung Dominic na yun, ginawa ko na eh. Ayoko ng makitang masaktan ulit si Ate Karylle, nung mga panahon na yun akala ko mawawala na yung masayang Ate K sa amin. Akala ko di na babalik yung Karylle na malambing, yung Karylle na palangiti." Vice was lost for words with Daniel's sudden approach for small talk. Kahit kasi lagi niyang nakakasama ito ay hindi naman siya nito kinakausap ng katulad ng ngayon.
"I admit, unti unting bumabalik yung sigla ni Ate K. Nakakangiti na ulit siya. Nakakatawa. Alam ko namang dahil yun sa'yo at naa-appreciate namin iyon Kuya Vice. Lahat kami, nagpapasalamat doon. Ang pinagdadasal ko ngayon, sana, sana hindi na ulit masaktan si Ate K kagaya ng dati."
"Mahal ko ang Ate niyo." Iyon na lang ang nasabi ni Vice kay Daniel.
"Minsan kasi hindi naman sapat yung mahal mo lang."
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.