"Do you know what your problem is? You can't live with the idea that someone might leave." — John Green
15
Minsan sa sobrang bilis ng takbo ng buhay hindi natin namamalayan na marami na pala tayong mga panahong sinayang lang sa wala. Mga bagay na sana hindi na lang natin gaanong pinagtuunan ng pansin para makapagbigay daan sa mga bagay na mas nakararapat. Pero ano nga bang saysay ng panghihinayang kung wala ka na rin namang magagawa para baguhin ang nakalipas? Wala naman hindi ba?
Malalim ang iniisip ni Karylle. Nandito nanaman siya sa loob ng kwarto niya nakakulong. Masaya siyang nakakasama si Vice pero dumadating pa rin yung oras na ganito, na gusto niyang mapag-isa at mag-isip isip. She's getting better day by day. Nagtataka na rin si Anne dahil mukhang nababawasan ang pagiging aloof at emotional niya lately, dahil nahihiya siya, hindi niya inaamin kay Anne that she finally decided to start taking her medications that she has always refused on taking.
It was actually Vice's doing, when he saw her medication ay pinilit na niya itong uminom ng mga gamot at nagmistulang alarm clock pa niya ito. He also encouraged her to undergo check-up again. She was touched, akala niya kasi ay magbabago na ang pakikitungo ni Vice sa kaniya after niyang malaman ang tungkol sa anxiety and depression niya, but she was wrong, kung tama nga siya ay mas lalo pang napalapit ito.
Sa ilang buwan na nakilala niya si Vice ang tanging iniisip lang ni Karylle ay kung sapat na oras na ba iyon upang lubusang makilala ang isang tao pero bakit ba niya iniisip iyon? Meron bang sila? All she knows is that they got sweeter with each other and what they share is not normal for 'just friends'.
And what she was most confused with was his gender. Posible bang mahulog ang isang bakla sa isang babae? Ang isang crossdresser posible bang mahulog sa kaniya? Natatakot siya na baka lahat ng ito ay ilusyon niya lang. Na baka ganito talaga kaclose si Vice sa mga babae niyang kaibigan. He is sweet with Anne too, well, not as sweet as he is with her but he is.
Natatakot na si Karylle na ibuhos ang lahat ng atensyon niya sa isang tao ngayon. Kung noon nga na akala niyang may kasiguraduhan ang relasyon nila ni Dominic ay nauwi pa rin sa hiwalayan, ngayon pa kaya na mas malabo pa sa mata ng bulag ang meron sila ni Vice?
Ramdam naman niya ang sincerity ni Vice sa lahat, but you could not just take fear out of her mind, the fear of being left behind, the fear of being thrown out of someone's life in an instant kasi kahit ano pang klase ng faith at trust ang ibigay natin sa isang tao, once they decide to take us out of their life, there's nothing you can do but say goodbye. Nothing is permanent in this world, kahit nga ang sarili natin ay nagbabago rin eh.
Napabalikwas ng tayo si Karylle nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya.
"Morning Kurba, I have something for you."
Kurba. The pet name he gave her the other day after she tried on a red bodycon dress he bought her which showed her curves. Pinagalitan pa niya si Vice because it was too expensive for her liking and besides hindi naman niya nagagamit ang mga dress na binibigay niya.
Pero teka nga lang...
"How did you get in?" Nagtatakang tanong ni Karylle.
"Hehe I saw your spare card key sa bookshelf mo. Inaalikabok na doon, might as well use it diba?"
Karylle was speechless. He has access on her home now. It's a big deal isn't it? Bakit hindi niya magawang bawiin ang susi kay Vice?
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.