"Everything's blurry but the feelings are real." —Ephemeral
13
Good morning!
Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin. I can feel the cold crisp air on my exposed skin pero bakit parang ang init pa rin? Ayoko pang buksan ang mga mata ko, sa tinagal tagal ng panahon kasi parang ngayon na lang ako nakatulog ulit ng ganito kahimbing, I can't even remember if I dreamed of something last night. Last night? Teka nga, bakit parang ang init naman ng buga ng aircon sa buhok ko...
Sa buhok ko? Paanong?...
I slowly opened my eyes to peek through, when my eyes were able to adjust ay unti unting nagsink in sa akin kung bakit ganito ako nagising. Hindi pala aircon ang bumubuga sa buhok ko. Nang makita ko ang mga stars na tattoo niya sa leeg ay naalala ko na kung bakit may mabibigat na mga kamay na nakabalot sa akin.
Sinilip ko ang mahimbing niyang natutulog na mukha. Mukhang masarap rin ang tulog niya, I can even hear small whip of his snores, medyo natawa pa ako nang mapagmasdan ko ang bawat parte ng kaniyang mukha.
Hindi naman pala makinis to si bakla, napeke ako ng kapal ng make up niya ah. And those eyelashes, daig pa ako sa kapal at sa haba. I thought he was wearing falsies, hindi pala, nakaextensions pala siya.
He's undeniably handsome...but he's an out and proud gay kaya nalilito rin ako kung ano ba talaga to. Kung ano ba kami. Ano bang tingin niya sa akin? Pero sa tuwing naiisip ko, natatakot rin ako. Am I ready to fall in love again? Am I really longing for love or am I only longing for a company?
Natatakot akong masanay sa presence niya. Nothing in this world is permanent and I'm not ready to feel the pain of losing someone important again.
Bigla siyang gumalaw, at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa akin, pipikit pa sana ako para magtulog-tulugan but then he started speaking.
"Baka matunaw ako niyan." Bulong niya.
"Mhhhmmmm, baho." Sabi ko sabay takip ng ilong ko at siksik sa leeg niya. Mabaho naman kasi talaga. Balasubas nga si bakla, hindi nga pala to nagtoothbrush kanina. At dahil sadyang mapangasar talaga siya ay nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko para magsalita.
"So-ho-rry nha! Goo-hoo-d mo-hor-ning!" Buga niya sa akin, buti na lang at nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.
"Vice!" Inis na suway ko sa kaniya. Tumawa lang siya atsaka niya ako niyakap ng mas mahigpit. "Sleep pa tayo please." Pagmamakaawa niya. Napagod nga siguro to kagabi, ay kanina pala.
Hindi.
Hindi sa ganoong paraan.
After we kissed last night sa rooftop ay hinatid na niya ako sa apartment. Instead of letting him go home ay pinatulog ko na lang siya sa kwarto ko, I know he's been out at work the whole day and the drama I was in last night was emotionally draining, not only for me but for all the people who witnessed it, including him. Dagdag pa ang isang bote ng alak na pinilit niyang ubusin bago kami umuwi.
When we arrived home last night ay pinatuloy ko na siya sa kwarto habang nagpaiwan ako sa living room ko. Ganito ako pag hindi makatulog, I always move everything around. My living room is not that huge since I only have small space in my unit. As I was pushing my couch ay napatigil ako nang makita ko siyang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.