"Every sunset brings the promise of a new dawn." —Ralph Waldo Emerson
28
"Anne, almost 1 week na. Ano to? History repeats itself?" Pagmumukmok ni Karylle sa sala ni Anne.
"Ang OA mo. May meeting nga lang sa LA diba?"
"Meeting? Sinong nakikipagmeeting ng isang linggo Anne?" She continued whining.
"Edi yung jowa mo."
"Baka magbago nanaman ang isip nun. Lagi pa naman yun nacoconfuse." Hindi napigilang sinabi ni Karylle.
"Come on K. Kahit naiinis pa rin ako kay Vice, don't be like that with him. It's all work, that's why he went there. Be proud kasi diba na push niya ang extension ng mall chain nila sa LA. Tito Carlos never thought it would be possible to extend in the US kasi mahigpit doon but he still made it possible. Maparaan talaga si bakla."
Nanatili pa ring matamlay ang mga mukha ni Karylle. She misses him, so much. Hindi niya nga alam kung paano at bakit ganito na lang kung hanapin niya si Vice.
"And it's not as if he doesn't make an effort para kamustahin ka." Dagdag ni Anne.
"Oo sa chat. Minsan sa text. Pero kahit call lang Anne! Mas matagal pa yung oras na ginugugol niya para magtext kesa tumawag siya, in a second I can answer his call. Marinig ko man lang yung boses niya. Kung okay ba siya? Baka sinisipon siya dun—"
"Ang OA na! Ang OA OA." Hindi na pinatapos ni Anne ang pinsan. She's overthinking again.
"Magpacheck up ka na nga! Baka buntis ka, grabe ang cravings mo kay Bakla. Ganyang ganyan ako nun kay Vhong."
Tinitigan siya ni Karylle at nanlaki naman ang mga mata ng pinsan niya.
"Oh my gosh, don't tell me you are pregnant!" She hysterically shouted which caused her sleeping month old baby to wake up and cry.
Oo, nakapanganak na si Anne, it was a healthy baby boy na buti na lang ay kamukha ng kaniyang mommy. Iyon ang paulit ulit na biro ni Vice na minsan ay ikinakapikon ni Vhong.
"Ayan, nagising! Ikaw kasi ang OA. Ang laki kasi ng—" Sagot ni Karylle sa pinsan.
"Wag mong itutuloy yan! Itatakwil kita!" Natatawang sinabi ng pinsan niya, natawa naman si Karylle. She was so happy seeing her cousin like this.
The happy go lucky, party girl, Anne is now a full time mom to Alfonso. She even refuses to have a yaya for her baby boy. Pag laki na lang daw. But she bet her whole life if she's ever gonna hire one.
"So buntis ka nga? Magiging Kuya na si Alfonso?" Anne asked again pertaining to her son.
"I wish I am, Anne." Malungkot niyang saad.
"Then plan it out with Vice. But before that, kasal muna Kaykay ha?"
"Kasal? Do we really need that?" Karylle asked. Tinignan siya ng masama ni Anne.
"Are you seriously hearing yourself K? Sa ating magpipinsan, ikaw, ikaw ang may obsession sa weddings. O diba nga 16 pa lang tayo na plano mo na yung dream wedding mo?"
BINABASA MO ANG
Piece by Piece
RomanceTwo lost souls in this chaotic world. Two empty hearts. Two broken puzzle piece. How are they going to fit? This is not your typical story of a girl meets boy... Kasi yung nameet ni girl, hindi naman boy.