Part 26

24K 466 4
                                    

"WHAT happened?" Gulat na gulat si Rick at Manang Rose nang bumungad sa bahay sina Tiffany at Bearlan na basang-basa.

Nagkamot-batok si Tiffany. "Nag-swimming pero hindi pala marunong lumangoy."

Napanganga si Rick.

"Itikom mo nga 'yang bibig mo!" saway ni Bearlan sa dalaga, lamig na lamig ito.

"Nag-swimming ka sa dagat, dude? Akala ko—" Si Rick, pero hindi na itinuloy ang sinasabi nito dahil matalim ang naging tingin ni Bearlan dito. "Sige, ang mabuti pa magpalit ka na ng damit mo."

Walang imik-imik si Bearlan na iniwan sila at pumanhik sa silid nito.

"Manang Rose, ipagluto niyo ng mainit na sabaw 'yon," utos ni Rick sa katulong.

"Opo, Sir."

Kibit-balikat si Tiffany nang maiwan sila ni Rick sa sala.

"Ba't gano'n?" kalabit ni Tiffany sa binata. Naka-pout siya.

"Anong ba't gano'n?"

"Kalalaking tao hindi siya marunong lumangoy? True ba 'yo o arte lang niya?"

Rick crossed his arms. "Totoo iyon. May nangyari kasi no'ng bata siya kaya takot na siyang lumangoy o lumusong man lang sa dagat. Meron siyang Thalassophobia. Isang uri ng phobia na takot sa dagat."

Humaba ang nguso niya. "Talaga? Ano'ng nangyari?" Nagkainteresado siya sa kuwento. Kasi naman nakakapagtaka talaga na ang isang lalaki ay hindi marunong lumangoy o takot sa dagat? Turn off pati.

Matamang napatingin sa kanya si Rick. "Chismosa lang?" pagkuwa'y sarkastikong sabi nito. "Magbihis ka na nga lang din at baka ikaw ang magkasakit niyan." Tumalikod na at umalis na.

Napasinghap si Tiffany sa hangin. Nabitin naman siya roon.

Kakamot-kamot na siyang kumilos na lang din. Magbibihis na lang siya keysa maloka sa mga ewan niyang mga lalaking kasama niya. Kakasira ng ulo.

Saglit lang naman ay lumabas din siya sa silid niya. Tahimik ang paligid. Hindi niya intensyon pero kusang lumingon ang leeg niya sa silid nina Rick at Bearlan. At hindi niya rin gusto pero isip niya ang nag-iisip ng masama. "Ano kaya'ng ginagawa nila?"

Umasim ang mukha niya. Parang ang pait ng kanyang laway na nilunok niya.

"Ikaw talaga chismosa ka nga!" dikawasa'y pinagalitan niya sa sarili at humakbang siya nang mabilis palayo.

Sa labas ay muntik na niyang makabanggaan si Manang Rose. May bitbit itong bayong.

"Manang, sa'n po ang punta niyo?"

"Mamamalengke, iha. An'dami pa pala kasing wala sa kusina. Hindi ko tuloy napagluto ng sabaw si Sir Bearlan. Kape na lang ang ibinigay ko."

"May palengke po rito?"

"Ay, wala. Doon sa bayan pa. Mamamangka pa ako."

Animo'y may bombilya na nagliwanag sa taas ng ulo niya. 

"Manang, puwede ba akong sumama sa 'yo?"

"Bakit?"

"Um, ano. Wala po. Gusto ko lang po mamasyal."

Nag-isip ang caretaker. "Sige kung gusto mo, iha. Puwede naman."

"Sige po. Saglit lang po, ha? May kukunin lang ako sa silid ko, Manang. Saglit na saglit lang." At kumaripas na siya ng takbo. Ang naisip niya ay pagkakataon na niya ito para makauwi sa Maynila. Hindi na niya kakailanganing languyin ang dagat. Doon na lang sa bayan siya kung saan mang bayan na iyon hihingi ng tulong o magtatanong kung paano makabalik sa Maynila.

Mabilis na mabilis ang kilos niya. Sinuksok-suksok na lang niya ang mga gamit niya sa maleta. Wala nang ayus-ayos. Lumabas na siya sa silid nang matapos. 

Sa wakas makakauwi na siya. Hahayaan na lang niya ang isang milyon. Siguro ay balik sa dati siya; ang maghanap ulit ng trabaho na marangal hindi tulad nito na imposibleng mangyari.

"Ay, bakla!" Subalit bigla siyang nabunggo sa isang malapad na dibdib.

"Where you going? Wala na si Manang Rose. Pinaalis ko na. Ang bagal mo kasi, eh," si Bearlan, kampanteng nakapamulsa. Halatang inaantay talaga ang paglabas niya sa kuwarto at ang sama ng mukha.

Lumaki ang mga mata niya. "Bakit mo pinaalis?! Sasama ako sa kanya!" at malakas na malakas na sabi niya.

"At bakit kasi sasama ka sa kanya na hindi nagpapaalam sa akin?" nakataas ang isang kilay ng binata na tanong.

Biglang natauhan si Tiffany. Oo nga pala, boss pa rin niya ang kaharap kahit paano. Nagbuntong-hininga siya bago sumagot. "Gusto ko lang naman mamasyal."

"Mamasyal? Dala ang mga 'yan?" Inginuso ni Bearlan ang dala niyang maleta.

Napangiwi siya na tumingin din sa dala niyang maleta. Lumupaypay siya. "Kasi wala naman na akong tratrabahuin dito, kaya uuwi na lang ako."

"Sa tingin mo gano'n lang 'yon kadali?"

"Oo naman."

Bearlan crossed his arms and smirked. "Hindi mo kilala ang mommy ko."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam ko na binigyan ka niya ang paunang bayad para gawin mo ang pang-aakit sana sa 'kin. Singkuwenta mil, hindi ha?"

Natigilan siya. Pati 'yon alam ni Bearlan? Naku naman!

"Sa tingin mo hindi 'yon babawiin ni Mommy sa 'yo oras na malaman niyang pumalpak ka sa misyon mo?"

Lumaki ang mga mata niya. Ay oo nga! Bakit nga ba niya hindi naisip 'yon?

"Nasa sa 'yo pa ba 'yong pera?"

Lumungkot ang mukha niya. Wala na 'yong pera. Naibigay na niya sa lola niya. At malamang nabawasan na 'yon ng lola niya kasi sabi niya ay bumili ito ng gamot at ang tira ay ibabawas sa mga utang nila.

"Let me guess." Kunwari ay nag-isip si Bearlan. Humawak ito sa baba. "Kung hindi ubos na, eh, bawas na? Am I right?"

Naiiyak na siyang tumango sa binata.

"Tapos ang lakas ng loob mo na uuwi na?"

"Eh, ano'ng gagawin ko rito?"

Pumanaywang si Bearlan. "Don't worry may naisip na akong magiging trabaho mo."

"Ano naman?"

"Habang nandito tayo turuan mo na lang akong lumangoy. Help me to face my fear."

"Huh?"

"Madali lang 'di ba? Tapos pag-uwi natin sa Maynila ay sa 'yo pa rin 'yong isang milyon."

"Pa'no mangyayari 'yon aber? Eh, hindi ka naman na yata magiging tunay na lalaki?"

Natawa si Bearlan. "Ako na ang bahala do'n. Basta deal na tayo sa sinabi ko?"

Ilang segundo ang lumipas muna bago tumango siya bilang sagot. May pagpipilian pa ba siya?

"Good. Start tayo bukas kaya get your self ready." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang binata at umalis.

Sunod-tingin na lang si Tiffany rito. Naalala niya ang sinabi ni Rick. Bakit nga kaya may takot si Bearlan sa dagat? Ano kaya'ng nangyari na sinasabi ni Rick? At ano ba 'yon? Tama--phobia? Tss! Hirap sabihin, ah?

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon