Chapter 2: Loner Hero

29 4 0
                                        


Chapter 2: Loner Hero

"YOU are fired! Lagi ka nalang late!" Bulyaw sa akin ng boss ko dito sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko. Napabuntong hininga nalang ako habang lumalabas ng restaurant.

Wala ng matinong trabaho ang nakukuha ko. Kung hindi rejected sa interview ay nasisisante naman agad agad. Sa paglalakad ko sa kawalan, biglang may tumilapon sa harap ko na isang sugatang lalaki, armado sya at puno ang katawa ng ibat ibang sandata. Hahayaan ko nalang sana kaso lumingon yung lalaki at sa isang iglap tumilapon nanaman sya dahil sa malakas na pagsabog.

Dumating ang isang nakakadiring halimaw sa harapan ko.

"Ako si Blobby the Monster Gummy! Kung dati tinatapak tapakan nyo lang ang bubble gum sa kalsada pwes magbabayad at magsisisi na kayo!" Bulyaw sa akin ng halimaw. Palala na ng palala ang mga pangalan nila.

"Tumabi ka dyan bata!" Sigaw ng lalaki sa akin at bigla akong tinapon palayo ng halimaw. Sa katangahang palad hindi kasamaang palad , napatapon ako sa basurahan dahilan para madumihan ang paborito kong polo. Tumayo ako at nagpagpag.

"Flame basookaa!!!" Sigaw ng armadong lalaki at tinira nya yung chiklet na halimaw at natunaw ito.

"Nice shot" sabi ko ng walang emosyon. Lumapit sa akin yung lalaki "Ayos ka lang ba bata?" Sabi nya pero dinedma ko lang sya at pumorma para umatake na kinabigla ng armadong lalaki. "Teka teka! Relax ka lang ako si Timoteo a.k.a Agent XO1. Isang hero...." Daldal nya pero di ko na pinatapos at sumugod ako ng isang suntok nagulat ata sya dahil biglang pumorma ng pangdepensa at pumikit.

Sa lakas ng impact nalusaw ng tuluyan yung sinapak kong halimaw. "Dinumihan mo ang paborito kong polo. Dapat lang yan sayo" sabi ko at binalikan ko yung agent at tinapik "Nag regenerate yung halimaw at mukhang papatayin ka kaya tinuluyan ko na." Sabi ko at aalis na sana ko kasi naman nakatulala lang sya sa akin.

"S-sino ka?!" Pahabol na tanong nya pero di ko sya nilingon at tinaas ang kamay ko "walang anuman po" sagot ko

Di na mahalaga sa akin kung makilala nila ako o hindi.Mag isa nalang ako sa buhay at wala na akong pamilya lahat sila pinatay sa harap ko ng isang grupo ng halimaw. Matagal tagal na din bago ko nakuha ang ganitong lakas. Sabi nila regalo ito sa akin pero para sa akin isa itong malaking sagabal sa buhay ko. Madami akong kaibigan noon pero lahat ng napapalapit sa akin namamatay dahil nga sa kapangyarihang ito. Pinatay sila ng mga nagtangkang patayin ako, kaya ito ako ngayon, parang walang buhay na nilalang.

"Nakarating din sa wakas sa bahay ko" sabi ko sa sarili ko at naghanda na ng makakain.Di na uso ang pagpapayaman sa akin, bakit? Simple lang, dudurugin lang iyon ng mga kalaban ko kung titira ako sa condo o mansyon. Mahal na masyado ang repair ng malaking bahay, semento pa nga lang pwede ko ng pambili ng tatlong ulam. Kaya ito, sa isang katamtamang laki at tahimik na bahay ako tumitira. Medyo liblib ang lugar na to, bakit ulit? Dahil ayoko ng kapitbahay dahil kapag sinugod ako ng kalaban ko madadamay pa sila at sakit sa ulo yun.

Di talaga madali maging superhero. Siguro sa umpisa ng storya mo bilang superhero ay sadyang napakasaya pero kalaunan mapapaisip ka nalang na sana isa ka nalang simpleng nilalang na may simpleng pamumuhay.

Nakarinig ako ng kumakatok. Agad kong binuksan ang pintuan at nakita ko na lamang ang isang sobre sa harapan ng aking pinto.

"Sino naman ang mag aabalang magpadala sa akin ng sulat? .... to: neo .... from : Hero Organization" basa ko. Ilang beses na ko nakatanggap ng ganito pero dati puro pagbabanta lang sa buhay ko, nilapag ko ang sulat at nagpatuloy na upang kumain.

Habang nakahiga ako sa sofa. Naisipan kong pumunta sa bintana at buksan ito upang magpahangin, saka ko naalala ang sulat.

"CONGRATULATIONS! We would like to invite you to come to our main base building. The organization's president want to talk to you for some business matter. You are the one of the choosen and special person who will serve the world as a HERO." Basa ko sa sulat, may kasama itong mapa. "Tss, aksaya lang sa oras ito...." natigilan ako ng mabasa ko ang salitang 'PROFIT'.

Samantala sa harap ng bahay ni Neo.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo Agent XO1? Mukha naman syang normal? Ano ang nakita mo sa binatang iyon?" Usisa sa akin ni Claire, isa sa board member ng Hero Organization. Lumingon ako sa bintana ng kotse namin. "Malakas sya hindi lang halata, sa isang suntok ay pinaglaho nya ang isang class A rank 30 monster. Isang kahanga hangang nilalang. Maniwala ka sa hindi malakas sya." Sabi ko at umalis na kami sa lugar.

Sa byahe, di ko maiwasang mapaisip sa lalaking nagngangalang 'Neo Renaissance Devilon' na nakatype sa aking laptop. Sabi dito isa sya sa mga misteryosong nilalang na sinusubaybayan ng organization dahil di pa matukoy kung isa syang hero o monster. Kung ganun, panahon na para malaman ng org kung sino sya.

"Daanan na din natin ang iba pang choosen hero" sabi ko sa driver "Masusunod sir" tugon ng driver at ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang gubat. "Tama ang lokasyon natin, ayon sa impormasyon na nakalap ko dito po namamalagi si Katana." sabi ni Claire at tumango ako

Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng gubat. Ilang sandali pa ay nakita ko sa puno ang isang ninja na nakabitin na parang paniki.

"Long time no time, Tim" sabi sa akin ni Katana. Di pa din sya nagbabago, "Nandito ako para sa isang misyon Katana." Sabi ko sa kanya sabay hagis ng sobre sa mukha nya na agad naman nyang nasalo. "At para saan naman ito ?" Tanong nya.

"Isang invitation para sa mga tulad natin Katana. Aasahan ko na hindi ka maduduwag at magpapakita ka na sa organization" Sabi ko habang pabalik sa kotse. Sa sinabi ko, siguradong pupunta sya.

Unexpected HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon