Chapter 9: Psychic
NAGISING ako dahil sa malakas na pagsabog. Isang malaking kamay ang biglang dumukot sa aking katawan mula sa kwarto ko.
Nakita ko ang mga taong patay sa paligid ko. Habang hawak hawak ako ng dambuhalang halimaw at agad akong hinagis sa kawalan.
Kakaibang lakas ang tinataglay ng halimaw na ito. Sya na ba ang hinahanap ko. Nakita kong tumalon sya sa ibabaw ko kasabay ng pagbitaw ng isang suntok ng malaki nyang kamay.
Nagising ako. "Isang bangungot nanaman pala." sabi ko sa sarili ko. May nadinig akong katok mula sa pintuan ko. Agad kong pinagbuksan at nakita ko si Mikaella na nakatayo sa harapan ko.
"Anong kailangan mo pink?" Usisa ko dahil madaling araw pa lang.
"Nagising ba kita? Di kasi ako makatulog baka pwede kang makausap? Kahit saglit?" Sabi nya kaya pinapasok ko naman sya agad at sinara ang pinto.
Naupo kami sa kama. "Bakit gising ka pa?" tanong nya sa akin "ah nagkataon lang naman na nagising ako at kumatok ka." Paliwanag ko sa kanya.
"Naalala na pala kita pero ang sabi sa amin kanina may psychic power ka. Bakit ka pa humingi ng tulong kung kaya mo palang iligtas ang sarili mo?" Dagdag ko at ngumiti sya sa akin. "Utos sa akin ni daddy yun." Sagot nya "aah si mr.president ng H.O., bakit naman nya iuutos yun?" Usisa ko.
"Sa panahon kasi natin ngayon nagkalat na ang mga halimaw pero pasalamat tayo dahil may mga hero. Natuklasan ko ang kaibahan ko sa lahat noong nasa high school ako pero di ito naging madali. Kalakip ng matinding kapangyarihan ay hindi kapahamakan kundi matinding kalungkutan." Kwento nya, naiintindihan ko sya sa sinasabi nya dahil di naman perpekto ang buhay ng tao.
"Itinago ko ang identity ko sa pangalang PINK. Parang isang artista na may screen name pagdating sa spotlight. Iyon ang bilin sa akin para din maprotektahan ang pamilya namin. Kapag lumalabas ako ng bahay namin, normal na tao lang ako na si Mikaella at kapag labanan na ako naman si Pink. Utos din sa akin na kumilatis ng iba pang hero kaya yung time na niligtas mo ako, di ko inaasahan yun, handa ko na kasing iligtas ang sarili ko haha" dagdag nya pero kahit nakatawa sya ay kita ko ang lungkot sa mga mata nya
"Naiintindihan kita." Maikling sagot ko dahilan para mapatingin sya sa akin. "Di mo man idirect to the point. Nakuha ko na ang gusto mong sabihin, kahit ako simula ng makuha ko ang lakas na ito di ko na alam ang ibig sabihin ng mga salitang saya, takot, galit, at kahit yung lungkot. Parang kalahati lang ng katawan ko ang gumagana, in short, kulang na kulang ang pagkatao ko." Daldal ko habang nakatingin sa bintana.
"Makikita mo din ang hinahanap mo." Tipid na sagot nya sa akin na may kasamang matamis na ngiti sa labi nya.
Nag usap pa kami sa ibat ibang bagay at di na namin napansin ang oras hanggang makatulog kami ng magkatabi.
Papunta na kami ngayon sa kabilang side ng military base. Kung saan, haharapin na namin ang iba't ibang halimaw dito sa City of Monster.
Nakarating kami sa malaking gate. Unti unti itong bumukas at sumalubong sa amin ang durog at napabayaang City. Sa pagkakatanda ko, tinatawag nila itong Manila pero pinalitan na ito ngayon ng City A.
Lumabas na kami sakay ng dalawang military jeep. Wala pang isang kilometro ang layo namin sa Military Base ay agad na may tumilapong malaking bahagi na building sa harap namin.
Agad itong pinatigil ng Psychic power ni pink. Tumingin ako sa kanya, nakataas ang isang kamay nya at nababalutan sya ng pink aura.
Sumulpot agad ang isang malaking ipis sa amin na may bitbit pang kalahating parte ng building para ibato sa pwesto namin.
Tumalon si Katana at agad na sinugod ang ipis. Sa isang hataw ay nahati ito sa maraming piraso.
Tumalon kaming sabay sabay nang may isang laser beam ang tumama sa sasakyan namin.
"Umatras muna kayo." Utos ni Pink. "Pink Rain" bigkas nito at madaming malalaking bato ang lumutang sa langit. Sa isang kumpas ni Pink ay nagmistulan nga itong ulan papunta sa mga halimaw.
"Wow!" Bigkas ni Oni dahil napulbos ang mga halimaw sa dadaanan namin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at di ko na tanaw dito ang military base. Mukhang malawak din ang napuksa ng atake ni Pink.
"Alisto kayo, may isang grupo ng halimaw ang paparating." Sabi ni Wangye. Gaya ng sinabi nya, kitang kita na namin ang nagbabagsakan na building sa city. Palapit ito ng palapit kaya napagpasyahan na namin itong salubungin.
Nagulat kami ng madatnan namin ang isang sugatang hero. Lalapitan sana sya ni Blast pero agad itong tumilapon dahil may tumama ditong isang malaking maso. Agad na sinambot ni Oni ang nawalan ng malay na hero.
"Panibagong mga laruan nanaman ba kayo? Pwes! Harapin nyo ang bagsik ni Subatsu!" Dada nito sa likod nya ay ibat iba pang uri ng halimaw.
"Ang dami nila! Baka di nyo kayanin" Sigaw ng sugatang hero na nagising na pala.
"Kung tama ako, ikaw si Dash ng Class A rank 12." Sabi ni Agent XO1
"Ako nga, kasama ko sina Rank 13 at 15... p-pero kinitilan sila ng buhay sa isang hatawan lang." Sabi ni Dash na halata ang takot sa mukha.
Nadama ko ang papalapit na hampas ng maso sa amin pero pinigilan ko ito.
Tulala ang halimaw dahil napigilan ni Neo ang sandata nya. Tinitigan sya ng seryoso ng binata. "Wag ka ngang bastos, nag uusap pa kami." Bigkas nito at sa isang iglap nasa harap na nya ang binata na handa ng sumuntok.
"Magtanda kana sa susunod." Bulong nito at kita ng ibang heroes ang pagtilapon ng higante at nadamay sa lakas ng impact ang iba pang kasama nito.
Nanlaki ang mga mata ni Dash "Na-napakalakas.." ang tanging nasambit nito. Umuusok pa ang kamao ni Neo pero humarap sya sa mga kasama nya ng walang kaemo emosyon. "Kaya mo pa bang magpatuloy? Wag ka mag alala kami ang bahala sayo." Sambit ng rank 1 at tumango na lamang si Dash.
Nagpatululoy sila sa paglalakad. "Maaari mo bang idetalye sa amin kung ano ang mga nakita nyo?" Tanong ni Blast.
Sa malayo nakatayo ang isang halimaw at patuloy na inoobserbahan ang grupo ng mga heroes.
Dumating ang isang kawal nito. "Boss, kumpirmado po na sila nga ang sinasabing Class S na binuo ng H.O. at sa kasamaang palad ay napasok agad nila ang City A ng ganun kadali. Patungo na po sila sa City B. Ano po ang plano nyo?" Tanong ng halimaw. "Hayaan nyo silang makapasok, bilib din ako sa kanila dahil sila pa lang ang nakakapasok ng City B ng di iniiwasan ang mga bantay. Ilabas ang mga alaga natin at ipalapa ang mga hangal na yan." Utos ng halimaw sa kawal nya "Masusunod boss" sambit nito kasabay ng paglaho nito.
"Ikaw na ba ang sinasabi nila sa propesiya? Pwes, magkakaalaman tayo" isang demonyong tawa ang pinakawalan nya habang patuloy na binabantayan ang mga kilos ng grupo nila Neo.
----------------------------------
Author's Note:
Next week ang Update chapters :) ito ang unang story na balak kong tapusin. Ano na ang susunod na kahihinatnan ng grupo ni Neo? at Sino ang grupong nagmamasid sa kanila? ABANGAN !
Vote, share, comment.
-Mr.Solemn-
BINABASA MO ANG
Unexpected Hero
FantasíaIto ang kwento ng isang binatang pinili ng tadhana upang taglayin ang kakaibang lakas. Isang normal na nilalang na sa isang iglap ay nabago ang kapalaran. Handa mo bang tanggapin ang nakatadhana sayo? Kung taliwas ito sa prinsipyo at ideya mo bilang...
