Chapter 6: Secret
ONE week na simula noong pumasa ako bilang Rank 1 hero sa Class S. Sa totoo lang hindi big deal sa akin ang titulo na iyon.
Nandito ako sa bahay, Sabado ng umaga at nanonood ng news. Biglang may kumatok sa pinto ko at agad kong pinagbuksan.
Akala ko kung sino, sina Blast, Katana, Oni at Agent XO1 lang pala. Kahit di ko sila pinapapasok ay dire diretso nalang sila sa sala ko. Seriously? bakit sila nandito? Wala naman akong okasyon na icecelebrate. Lumapit nalang ako sa kanila.
"Anong kailangan nyo? Busy ako at ayoko kayong makita so makakaalis na kayo" sabi ko at sabay sabay silang nagtinginan sa akin pero bumalik lang sila sa panggugulo sa sala ko.
"Ow come on first! Hanggang ngayon curious pa din kami kung ano ang sikreto mo at naging malakas ka sa ganyang lagay" paliwanag ni Oni na naghahalungkat sa drawer ko. Napahampas lang ako sa mukha ko "Di ba nga sinabi ko na sa inyo?"
Flashback (one week earlier)
Pagkatapos ng meeting ay pinakain kami ng presidente.
Habang kumakain ay kanya kanya silang pakilala sa isa't isa samantalang ako ay dedma lang at tuloy sa pagkain. Biglang natahimik ang lahat.
Tumayo si Katana at tinapatan ako ng sandata nya. Pero tuloy lang ang paghigop ko ng sabaw, ang sarap kasi.
"Tss sabihin mo nga! Anong sikreto mo Neo at lumakas kang ganyan? Eh ang payat payat mo naman!" Sigaw nya sa akin
Tinaasan ko sya ng kamay at tinapat ang palad ko sa mukha nya at nagulat sya.
"A-ano yan?!" Tanong nya "Kamay natural" basag ko at nagbungisngisan ang ibang heroes "Tinatanong kita pilosopo!" Sigaw nanaman nya "Ang ingay mo masyado. Kumain ka nalang dyan" sabi ko pero dinalawa na nya ang sandata nya na tumutok sa akin.
"Paano ka lumakas ng ganyan?!" Tanong nya at tumigil ako saka ko sya tinitigan ng seryoso "Upo" tipid na tugon ko. Agad naman syang umupo at halatang nairita. "Nangyari sa akin ito 1year ago..." simula ko na pumukaw sa atensyon ng lahat. Diretso lang ang tingin ko sa bintana ".. isang araw na pilit kong tinakasan. Pinatay ng mga halimaw ang pamilya at kaibigan ko sa mismong birthday party ko. Paano? Natapakan sila ng mala big foot na halimaw." Kwento ko pero natatawa sila. "Nagkataong ako lang ang nakaligtas dahil nasa CR ako at tumatae. Di ko alam kung tadhana ang nagligtas sa akin o ang pagkasira ng tyan ko." Tuloy ko at unti unti na silang nagtatawanan. "Lumakas ako dahil sa pagtatae ko. Shet, matinding labasan ng sama ng loob yun! Pero kinaya ko" at sumabog na ang tawanan maliban kay Katana na tinaasan ako ng kilay. Bumuntong hininga nalang ako.
"Ok just kidding. Di ka naman lalakas sa pagtatae, manghihina ka pa nga e." Paliwanag ko at nagtawanan ulit ang lahat. "Sige, seryoso na." Bigkas ko dahil mukhang nairita na sya. Tumahimik ang lahat at tumingin naman ako sa mata ni Katana.
"Sabi nila tadhana ang nagbigay sa akin. Totoong inatake kami ng mala big foot na halimaw at totoong nasa CR ako. Nagulantang nalang ako ng madatnan kong patay na sila. Nagalit ako sa mundo at halos magpakamatay na ako. Katangahan sa tao pero hinanap ko ang mga Big foot at sinubukan silang patayin ngunit tao lang ako noon. Halos mag aagaw buhay na ako ng biglang hiniling ko na mabago ang buhay ko. Na maging pinakamalakas sa lahat. Pagdilat ko, sa takot na mamatay ay lumaban ako at swerte lang dahil napatay ko sila. After noon nagtraining na ako. Exercise, tamang diet at walang katapusang suntok sa puno ng narra. Halos sumuko na ko dahil tila buto na lang ang mga kamao ko hanggang isang umaga nagising ako dahil binalikan ako ng isa pang big foot. Naisipan kong lumaban at sinuntok sya ng ubod ng lakas, laking gulat ko ng mabutas ang dibdib nya." Kwento ko at tulala lang sila sa akin
"Isang kahangalan! Simpleng training lang ang ginawa mo. Body strength lang yun Neo! Ang gusto namin malaman ay ang tunay na dahilan ng paglakas mo!" Bulyaw nanaman sa akin ni Katana.
"Seryoso ako yun lang talaga ang ginawa ko." Sabi ko at sumuko na sya sa pangungulit.
End of Flashback
"Look, walang maniniwala sayo kahit mga lower Class heroes. First naman sabihin mo na." Sabi sa akin ni Blast. Sya lang naman yung humarap sa rank 5-2 kaya siguro nasa rank 2. Simula din ng araw na iyon tinatawag na nila akong "First".
Sasagot na sana ako ng tumunog ang Cp ni Agent XO1. Alam ng lahat na once na tinawagan ang isang class S, siguradong mabigat ang makakalaban.
Well, si rank 5 lang ang nakatanggap, meaning kaya na nya yun.
"Guys nagtext sa akin ang presidente. May meeting daw ngayon." Sabi sa amin ni agent.
"Aba, close pala kayo ni Santa." Biro ko at nagtawanan sila maliban kay Katana.
"Hahaha oo, dalian daw natin baka bibigyan na nya tayo ng gift dahil wala na tayo sa naughty list" kantyaw ni Oni at nagtawanan sila.
Nagtungo kami sa H.O. building. Gaya ng sabi ni Agent nakumpleto nanaman kami.
"Pinatawag ko kayo para sa mahalagang anunsyo. Sa di inaasahang pangyayari ay nakawala ang mga prisoner ng Maximum Security Prison for Monster. Kung kayat kumakalat na sila ngayon sa ibat ibang panig ng mundo. Sa ngayon, ang pinagtataka namin ay wala pang nababalitang krimen simula ng makawala ang mga ito." Paliwanag ng presidente
Tumawa lamang si Pheonix "hindi ba dapat ay matuwa kayo sapagkat bumaba ang kaso ng krimen ng bawat halimaw? Eh bakit nyo pa kami pinatawag?" Sumbat nito sa presidente.
"Tama ka. Pero kung iisipin mo na ang mundo natin ay isang malaking gubat at tayo ang prey ng bawat predators simulan mo ng mangamba dahil ang gubat na tahimik ay siguradong mapanganib. Ininform ko kayo upang iassign kayo sa bawat Lugar. Hahatiin kayo sa ibat ibang grupo. Rank 1-5 ng poprotekta sa malawak na kontinente ng Asia isama nyo na ang Australia at Africa. Ang Rank 6-10 naman ang bahala sa Amerika. Huli ay ang Rank 11-15 na mamamalagi sa Europe. Ang misyon ay protektahan ito sa buong buwan pagkatapos ay muli tayong magkikita para sa report nyo." Paliwanag ng presidente. Sa totoo lang wala kaming magagawa kundi ang sumunod dahil nga sa empleyado kami ng mundo para paglingkuran ito.
"Isa pa pala, Wag nyong hayaang may matirang buhay sa mga halimaw." Isang nakakatakot na ngiti ang iniwan sa amin ng presidente bago ito umalis.
Mukhang mahaba habang panahon ko pa makakasama ang mga mokong na ito.
BINABASA MO ANG
Unexpected Hero
FantasyIto ang kwento ng isang binatang pinili ng tadhana upang taglayin ang kakaibang lakas. Isang normal na nilalang na sa isang iglap ay nabago ang kapalaran. Handa mo bang tanggapin ang nakatadhana sayo? Kung taliwas ito sa prinsipyo at ideya mo bilang...
