Chapter 5: Rank 1
PUNO ng kaba ang silid, kaba na galing sa mga hero na sugatan.
Sumugod sa inis si Bills at kita ng lahat ang unti unting paglaki ng katawan nito. "Gaya ng sabi ko sapat na ang kalahating porsyento ng lakas ko, kaya humanda ka!" Sigaw nito habang sumugod ng ubod ng lakas dahilan para madurog ang sahig sa lakas ng hakbang nito.
Tumayo lamang si Neo, mabilis na nakalapit ang halimaw at binigyan ng malakas ng straight punch ang binata pero nakailag ito.
"Isa" sabi ni Neo
Muling sumuntok ang halimaw pero tila napakabagal nya dahil nakaiwas muli ang binata.
"Dalawa" bilang ni Neo
Sa inis ng halimaw ay sinunod sunod nya ito ng napakaraming suntok at ilag ng ilag ang binata na dahilan upang hangaan sya ng kapwa nya hero.
Pinigilan nya ng kamay ang isang suntok ng halimaw "Isang daan" bigkas nito at nabalot ng takot si Bills dahil sa malakas na aura ang nadama nya kay Neo. Akmang lalayo na si Bills ngunit huli na dahil dumampi na sa dibdib nya ang kamao ng hero na nagpatilapon sa kanya ng husto.
Nabutas ang dibdib nito na halos mawakwak sa lakas ng impact.
"Sinasagad mo ang pasensya ko bata. Kung kaya Tikman mo ang buong lakas ko!!" Bulyaw nito at nabalot ng kuryente ang katawan nito at lalong naglabasan ang ugat at muscles nito sa katawan. Tuluyan na syang nagpalit ng anyo sa isang napakalaking halimaw, ang mga antena nya ay naging sungay, mga pangil ay humaba at naging pula ang katawan at mata nito. Nagmistulang demonyo sya na nababalot ng kuryente.
"Gusto kong malaman ang pangalan mo dahil ikaw ang kauna unahang nakapagpalabas ng tunay kong anyo, bago ko lampasuhin ang katawan mo at pira pirasuhin.." di nanaman nya natuloy ang kanyang sinasabi dahil biglang napunta sa harap nya ang binata na akmang susuntukin na sya.
"Shut up at tapusin natin ito" sabi ni Neo at bumira sya ng right and left punches na nagpasabog sa katawan ni Bills.
Akala ng lahat ay tapos na ang laban. Muling nabuo ang halimaw at nais ng magwala sa galit.
"Tunay nga na malakas ka" sabi ni Neo ng walang kaemosyon emosyon.
"Hahaha alam ko! Malakas ka nga bata. Pero wala pang nakatalo sa hari ng berdugo ng universe!" Sigaw nito
"Tss katulad ka lang ng ibang halimaw na nag uumapaw ang self-confidence. Oras na para tapusin ka" Sagot ng binata
Alam ni Bills na nasasagad na ang kapangyarihan nya at nag uumpisa na syang matakot dahil sa inaasal ng kalaban nya. Wala na syang choice kung hindi ilabas ang alas nya "Stupid hero! As if you can take this! SELF-DESTRUCTION!!! Guguho lang naman ang mundo nyo kaya magdasal na kayo!" Sigaw nito at naalarma ang lahat.
"Kung ganun, I need to use my First move." Sabi ni Neo habang lumalapit sa halimaw at nakapamulsa "Normal Combo Punches" bigkas nito kasunod ang pagpapakawala ng madami at mabilis na suntok sa ibat ibang parte ng halimaw.
Sa isang iglap nahinto ang self-destruction ng halimaw. Tahimik at nakanganga ang lahat dahil sa gulat.
Wasak ang kalahati ng silid at nabutas ang Building ng Hero Organization. Nagkalat ang dugo ng mga halimaw. Maging ang presidente ay napatayo sa gulat dahil higit pa sa inaasahan nila ang nangyayari sa examination.
Samantala sa dulo ng butas na building nakatayo ang binata at nagpapahangin habang nakapamulsa. Ulo nalang ni Bills ang natira.
"A-anong pa-pangalan mo..?" Tanong nito ng naghihingalo.
"Ako si Neo, ang kanilang UNEXPECTED HERO." Sabi ni Neo at naagnas na sa hangin ang ulo ng hari ng berdugo.
Tulala pa din ang lahat sa sobrang mangha.
Sa taas ng observation room. Napangiti ang presidente at nilingon ang staff at board members. "Akala ko ba walang special sa kanya? Hahaha expect the unexpexted nga naman. Akin na ang microphone." utos ng presidente at binigay naman agad sa kanya.
"Magaling Class S heroes, pumasa kayong lahat and obviously you did more than to our expectations. Magkita muli tayo sa meeting rooms. Hayaan nyo na ang kalat dyan." Announce ng presidente at umalis na agad ito.
Nagsigawan ang ibang heroes at nagmadaling bumalik sa meeting room.
Huling bumalik si Neo at nakuha nya ang lahat ng atensyon. Inggit, takot at pagkamangha ang bumalot sa pakiramdam ng ibang heroes.
Pumasok na ang Presidente kasama ang assistant nyang si Claire.
"Tapos na ang Ranking. Congratulations for doing a great job Class S." Sabi nito kasunod nito ang pagbukas ng monitor para sa ranking.
"Class S Official Ranking:
1. Neo
2. Blast
3. Katana
4. Oni
5. Agent XO1
6. Pheonix
7. Shatter
8. Metal Round
9. Hammerhead
10. Beast Puncher
11. Chain Arrow
12. Genecs
13. Speedlight
14. Knight
15. King
16-20. Searching..."
"Namatay ang lima sa inyo kaya bakante pa ang lima na yan. Deserve nyo ang ranks na yan pero maari pa ding mabago yan anumang oras at panahon." Paliwanag ni Claire sa amin.
"Tama ang sinabi nya. Bukod sa handbook ay bibigyan din kayo ng cellphone na para lang sa H.O. services. Empleyado na kayo ngayon ng mundo para protektahan ito." Dagdag ng presidente.
BINABASA MO ANG
Unexpected Hero
FantasyIto ang kwento ng isang binatang pinili ng tadhana upang taglayin ang kakaibang lakas. Isang normal na nilalang na sa isang iglap ay nabago ang kapalaran. Handa mo bang tanggapin ang nakatadhana sayo? Kung taliwas ito sa prinsipyo at ideya mo bilang...