Chapter 8: City of Monster
MAHABA na ang nalakbay namin. May mapa kaming dala at uri ng kalabang namamalagi dito. Once na mapatay namin ito ay nabubura na sya sa wanted list.
Ngayon, araw ng Lunes. Balak naming puntahan ang tinatawag nilang City of Monster na malapit sa Pacific Ocean. Ang Pilipinas, ang lugar na matagal ko ng tinakasan.
"Sugurado ba kayo na dito ang tamang daan? " sabi ni Blast sya kasi ang nagdadrive. "Natural, para saan pa ang navigator at mapa kung mali naman pala." Sabi ni Agent XO1.
Tinahak namin ang mahabang tulay na nag uugnay sa China at Pilipinas. Malaki na ang pinagbago nito. Simula ng naghasik ang mga halimaw sa ibat ibang panig ng mundo, nagsama sama na ang mga bansa. Nagkaroon ng iisang gobyerno na mangangasiwa sa lahat. World Government Organization ng makabagong Generation ang tawag sa iisang gobye na meron ngayon sa Earth at GENISIS naman ang pangalan ngayon ng bansang ito.
Narating namin ang destinasyon namin. Sinalubong kami ng mga militar ng W.G.O. sila ang nakatoka sa pagtatanggol sa mga sibilyan bukod sa tulad naming mga hero at nagset sila ng mga checkpoint para sa papasok at lalabas ng city.
"Good morning Agent XO1, dumeretso na daw po kayo kay General Price. Nag aantay daw po sya doon sa Headquarters." Bilin sa amin ng sundalo sa checkpoint kasabay ng pagpasok namin sa isang military base.
Pumasok kami sa isang building. Habang nasa elevator kami ay kitang kita ang mga nagkalat na halimaw sa labas ng mataas na pader. May mga heroes din na nakikipaglaban.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa 150th floor. Bumungad sa amin ang isang lalaki na nagpupush up ng isang daliri lamang ang gamit. Batak ang katawan at medyo may katandaan na ang itsura dahil sa puting buhok nya.
"Sir, naandito na po ang mga Class S heroes Rank 1 - 5." Sabi ng babaeng assistant sabay lumabas ng silid.
Agad namang nagpaikot ikot sa ere ang matanda at sa pagbagsak nito ay kita namin ang batak at mala bato nitong katawan.
"Magandang umaga mga iho at iha. Maupo kayo at may kaunti tayong pag uusapan." Sabi nito habang nagpupunas ng pawis. Sumunod kami at umupo sa sofa.
"Ang babata nyo pa ata. At ikaw lalaki, mukhang naliligaw ka ng landas at ang payat mo. Sigurado ka bang hero ka?" Tanong ng matanda kay Neo.
Naka t-shirt na puti at blue na maong shorts lang naman ako. Normal na araw lang naman kaya bakit pa ko mag aabala na pumorma. Nagbungisngisan ang mga kasama ko ano bang nakakatuwa doon? Eh papuri pa nga ata yun dahil nagmukha daw akong bata.
"Kayo po mukhang pitik-bulag" sabi ko sa kanya "Anong pitik-bulag?" Tanong nya at napakunot pa talaga sya ng noo. "Isang pitik nalang bulagta na po. Lo may taning na ba buhay nyo?" Tanong ko at nagbungisngisan lalo ang mga kasama ko.
Sumama ang tingin sa akin ni General. Bigla nyang tinuro si Blast "Ikaw siguro si Neo. Ang rank 1. Bakit nyo pa sinama ang rank 5 na patpating ito?" Tanong ni tanda at natawa na ng tuluyan ang mga kasama ko.
Sa sobrang saya nila di na nila nasagot si General. "Di bale, simulan na natin ang meeting." Singit nya at pinindot ang isang remote.
Bumukas ang bintana ng opisina nya at kita namin ang malaking pinsala dulot ng walang tigil na gera ng mga hero at monster.
"Sa nakikita nyo, palakas ng palakas ang pwersa ng mga halimaw. Kaya tinawag ang Pilipinas na 'City of Monster' dahil ayon sa mga information dito sa lugar na ito nagsimula ang pagdami ng monster bago ito kumalat sa iba pang lugar. Kilala din ito sa pangalang 'Birth of the Death'. Sa katunayan dito nanggagaling madalas ang mga Class S monster." Kwento nya kaya medyo nagulat kami dahil sa liit ng bansang ito pa nanggaling ang mga mapanganib na halimaw.
"I will straight to the bottom line. Pinadala kayo para imbestigahan at alamin kung paano at bakit dito nagsimula ang lahat. Aaminin ko din na kahit nasa Class S kayo ay magiging mapanganib na misyong ito. Kung tutuusin, simula ng dumami sila ay nasa 1/4 pa lang ang kaya naming pasukin. The rest, would be a death place for us. Kaya naatasan kayo na ipadala dahil kayo ang the best of the best heroes of your generations. Pero bago kayo tumuloy ay may dalawa pang sasama sa misyon nyo." Paliwanag nya at biglang bumukas ang pinto.
"Oh tamang tama andyan na pala kayo. Class S meet the top 2 heroes of Class A. Sina Wangye ang rank 2, isang modern ninja assasin na galing Japan at si Pink ang rank 1 na nagtataglay ng pambihirang psychic powers. Sya din ang nag iisang anak ng presidente ng Hero Organization" Pakilala nya at tumayo naman kami para makaharap sila.
Teka mukhang pamilyar ang babaeng ito. Kaya nagtitigan kami at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng buong higpit.
"Kyaaah! Neo!" sigaw nya sa akin. Katulad ng reactions ng mga kasama namin ay gulat din ako.
"Magkakilala kayo First?!" Tanong ni Blast sa akin pero wala akong masagot.
"Ah.. sorry miss di kita maalala sino ka ba?" Tanong ko at humarap naman sya ng nakangiti ng ubod ng tamis.
"Im Mikaella! dont you remember?! Yung niligtas mo?" sabi nya pero clueless pa din ako sa dami ng tangang nilalang na niligtas ko di ko na sya matandaan. "Sorry miss di ko talaga maalala pero kung kilala mo nga ko dahil niligtas kita walang anuman" sabi ko ng walang kaemo emosyon.
Yayakap ulit sana sya pero tumapat ang sandata ni katana sa kanya. "Ehem ! Ehem! Nandito tayo para sa misyon at hindi para sa kalandiang taglay nyo" banat nya. Matindi ang titigan ng dalawang babae sa isa't isa pero di ito napansin ni Neo dahil naghahanap ito ng makakakain.
"Ako nga pala si Wangye, maari ba namin kayong makilala?" Tanong nya sa amin at maging si General Price ay naintriga.
"Ako nga pala si Agent XO1, isa sa mga secret agent ng H.O. services. Class S rank 5" Singit ni Agent at hinarap ang apat nyang kasama para ipakilala ito sa tatlo.
"Sya naman si Oni. Magician/Body Builder ng Underworld, Class S rank 4." Pakilala ni Agent at agad namang nagposing si Oni para ipasikat ang katawan. "Sya naman si Katana, ang sword fighter ng grupo. Class S rank 3. Katabi naman nya ang Class S rank 2 na si Blast. Isang bihasa sa Martial Arts at tinuturing na 'The Legend of Old battle'." Tuloy ni Agent. Agad namang nakipagshake hands ang mga Class A hero.
"Last, ang Class S Rank 1, kilala na sa tawag na 'First' sya si Neo ang...." natigilan sa pag iisip ng magandang sasabihin si Agent dahil limitado lang ang alam nya kay Neo. Siniko nya ito at nagets naman ito ng binata.
"Ako ang inyong Unexpected hero" tuloy ni Neo at tinitigan sya ng lahat.
Kinabahan si General Price dahil ininsulto nya ang Rank 1 kaya agad nya itong inalok na mag si upo na.
"Ehem. So kumpleto na ang grupo nyo. Bukas mismo ang umpisa ng mission nyo and We expect too much from you." Sabi ni General Price na sinusubukan maging cool pa dn ang boses.
"Wala bang makakain dito tanda??" Usisa ni Neo at agad namang nagtawag ang General sa kanyang staff para mag asikaso ng makakain.
Napaggitnaan si Neo ng dalawang dalaga. Dedma lang sya at nagsalita sa matanda "mabait naman po pala kayo Santa Macho, wag lang po masyado at baka kunin na kayo ni Lord." Biro nito at sumabog ng katatawanan ang mga heroes.
HJ���9]
BINABASA MO ANG
Unexpected Hero
FantasyIto ang kwento ng isang binatang pinili ng tadhana upang taglayin ang kakaibang lakas. Isang normal na nilalang na sa isang iglap ay nabago ang kapalaran. Handa mo bang tanggapin ang nakatadhana sayo? Kung taliwas ito sa prinsipyo at ideya mo bilang...
