Chapter 1 : Who are you?
ISANG malakas na pagsabog ang gumambala sa kalaliman ng gabi, na naging dahilan upang magising ang mga tao sa syudad. Makapal na usok ang pumalibot sa buong kapaligiran, binalot ng takot ang bawat tao nang may isang nilalang ang lumabas mula sa umaapoy na malaking butas sa lupa.
"Nakakatawang isipin na may nabubuhay na nilalang tulad nyong mga tao, isang malaking basura" isang malalim at nakakapangilabot na boses mula sa nilalang "Kailangan nyo ng maglaho sa mundong ito" sabi ng nilalang na puno ng ugat ang katawan dahil sa laki ng katawan nito, tinapat nito ang kanyang hintuturo sa isang tao at sa isang iglap ay may nakakasilaw na bagay ang pumuksa sa kawawang nilalang at natunaw ito.Dumating ang mga pulis at nagsi takbuhan ang mga sibilyan sa paligid.
"Itaas mo ang iyong kamay at sumuko kana! Napapalibutan kana namin!" Sabi ng lider ng mga kapulisan. Humalakhak ng todo ang kakaibang nilalang "Mga hangal! Ako si Destroyer! Ang berdugo ng buong universe! Tikman nyo ang lakas ko!" Naglabas ng isang maliwanag na bola ang nilalang at itinapon sa mga sasakyan ng kapulisan sanhi ng malaking pagsabog nito.
Walang nagawa ang mga pulis kundi paputukan si Destroyer ngunit tila walang nararamdaman ang halimaw bagkus ay nginitian pa nya ito at muling nagpakawala ng kapangyarihan. Naging abo ang isang grupo ng pulis kung kaya kumaripas ng pagtakbo ang iba pang kasama nito dahil sa takot na mamatay.
Sa di kalayuang lugar, isang lalaki ang nagbibisikleta sa gilid ng kalsada. Sumalubong sa kanya ang nagtatakbuhang sibilyan at nagsisigaw ang mga ito ngunit di alintana sa binata ang kanyang mga nakikita. Napansin nya ang malaking usok ,mga nag aapoy na kalsada at sira sirang building sa lugar na dapat ay dadaanan nya. Ang nasa isip lamang ng binata ay kung papaano sya makakalagpas dahil malapit na syang malate sa kanyang trabaho. "Hayst baka masisante nanaman ako dahil late nanaman ako." Bigkas ng binata at bumaba sya sa bisikleta panandalian at naglilingon sa kaliwat kanan, naghahanap ng posibilidad na pwede nyang daanan o maging shortcut. Isang lumilipad na kalahating parte ng sasakyan ang papunta sa kanya.
Napansin ng binata ang sapatos nya at nawala na ang sintas nito sa pagkakabuhol "hala! Dapat presentable ako, ano ba yan magagalit lalo boss ko nito" wika nito at agad na yumuko ang binata at inayos ang kanyang sintas. Sakto lamang ang pagkakayuko nito sa pag iwas sa bumabagsak na parte ng sasakyan ngunit narinig ng binata ang malakas na pagkasira ng kanyang bisikleta dahil nahagip ito ng bumagsak na sasakyan. Napalingon ito sa kanyang bisikleta na yupi at kalas kalas na "Ang malas ko naman ngayon" sabi nya at napakamot na lamang sa kanyang batok. "Hindi ba nagtatrabaho ng tama ang mga pulis tsk" inis na sabi ng binata habang humahakbang papunta sa lugar ng halimaw.
"Hahahaha tama! Tumakbo kayo at matakot sa aking kapangyari..." hindi natuloy ni Destroyer ang sinasabi nya dahil sa isang iglap ay may sumulpot sa kanyang harapan,
isang nilalang. Isang lalaking nakahandang sumuntok at balot ng seryosong aura ang mukha nito.
"Para kang character sa pelikulang pang bata, ang daming satsat." Sabi ng lalaki. "Hm! Sino ka namang nilalang ka?! Humanda ka sa akin!" Sigaw ni Destroyer at umamba ng suntok. "Mahalaga pa ba kung sino ako?" Sabi ng lalaki at inunahan nya ang halimaw at agad na sinuntok ang dibdib nito hanggang tumagos sa likod ng halimaw. Biglang nagsisigaw sa sakit si destroyer at sumabog ang kalahati ng katawan nito dahil sa lakas ng impact ng suntok.
"Ako lang naman ang tatapos sayo" sabi ng binata kasabay ng malakas ng pagsabog sa kanyang paligid.
Dumating ang mga bumbero at ambulansya kasama ang iba pang militar upang umaksyon sa pinangyarihan. Maging ang media ay nakihalubilo upang ireport ang isa nanamang kahindik hindik na pangyayari.
Samantala, nagtuloy lang sa paglalakad ang binata na tila walang nangyari. Bitbit ang kanyang bagpack "Teka parang may nakalimutan ako?? Ano nga ulit yun..... Hala! Late na nga pala ko!" Sigaw nito at agad na sumulyap sa relo nya "What the heck! Almost 30 minutes na akong late!!" Sigaw ulit nya at kumaripas ng takbo. Sa pagtakbo nya ay nakarinig sya ng sigaw ng isang dalaga.
"TULONG!!!" Sigaw nito dahil naipit ang kanyang binti sa kanyang kotse na nayupi at malapit na itong sumabog, dumagdag pa sa kaba nito ang malaking parte ng gusali na malapit ng bumigay sa harapan nya. Sa isang iglap ay wala na syang nagawa kundi ang pumikit at umiyak kasabay ng biglang pagsabog at pagbagsak ng gusali.
"Waaaahhhh!!!! " sigaw ng dalaga at hinihintay nya ang pagbagsak sa kanya ng mga bato.
"Ang ingay mo naman miss" sabi ng binata
"T-teka sino ka at paanong??" Usisa ng dalaga at napansin nya na malayo na sya sa pinangyarihan habang bitbit sya ng isang binata.
"Mukhang ayos ka naman, nakakasigaw ka pa nga e. Kung nasugatan ka andyan lang yung ambulansya. Sige maiwan na kita." Sabi nito at binaba ang dalaga sabay tingin ulit sa relo nito.
Tatakbo na sana ulit ang lalaki "Wait!! Utang ko sayo ang buhay ko. Thank you so much, anyway Im Mikaella and you are?" Sabi ng dalaga sabay abot ng kamay ngunit nadedma sya ng binata na biglang sumigaw "Anak ng! LATE na talaga ko shet!" Akmang tatakbo na ulit ito ngunit pinigilan sya ni Mikaella. "Wait who are you??" Sabi nya at lumingon ang lalaki.
"Ako lang naman si NEO ang inyong UNEXPECTED HERO" sabi ni neo at agad na tumakbo palayo. Naiwan ang dalaga at nilapitan sya ng media at medics upang gamutin. Pinalayo muna ng militar ang media sa mga biktima. Naiwang tulala ang dalaga at napangiti.
"Neo...." sabi nito
BINABASA MO ANG
Unexpected Hero
FantasiIto ang kwento ng isang binatang pinili ng tadhana upang taglayin ang kakaibang lakas. Isang normal na nilalang na sa isang iglap ay nabago ang kapalaran. Handa mo bang tanggapin ang nakatadhana sayo? Kung taliwas ito sa prinsipyo at ideya mo bilang...
