Chapter 4: Hero Examination

27 4 0
                                        


Chapter 4: Hero Examination

PUMASOK kami sa isang all white room na napakalawak. Kakatapos lang ng written exam namin at physical exam naman daw ngayon.

"As you can see this room is enough to perform your skills. May mga lalabas na Class A monster at ang pinakasimpleng gagawin nyo ay .... PATAYIN ito. Papasok ang lahat ng rank monsters ng Class A. Tama, lahat ng Class A ay hawak namin. Gaya ng nasa meeting nagbabago ang rank nila kada araw, sila ang Class A monster kahapon. So lets start the exam, good luck." Sabi nya pagkatapos ay lumabas na sya.

Nagsara lahat ng gate maliban sa isang malaking gate sa harapan namin. Humanda ang iba at pumusisyon na para umatake. Nakita naman namin na bumukas ang isang bintana kung saan naandoon lahat ng board members at ang presidente, mukhang manonood sila.

Pinagmasdan ko lamang ang mga kapwa ko hero. Umatras ako sandali at naghubad ng polo, ayokong madungisan ito dahil masyadong mahal ang sabong panlaba.

Nakarinig ako ng tawa ni Pheonix "Hahahah aba bata, naduduwag ka na ba?" Insulto nya pero dedma lang ako at kinuha ang isang chocolate bar sa bulsa upang kainin ito. Lalong tumawa si Pheonix at nahawa ang iba, ang iba naman ay napailing sa ginawa ko.

"Hero ka ba talaga?" Usisa ng naka all black na babae, sya yung nakasabay ko sa elevator. "Oo naman, mahirap lang lumaban ng walang laman ang tyan" paliwanag ko sabay kagat sa chocolate bar.

Sa loob naman ng Observation Room, tumawa ang presidente sa inasal ni Neo at napailing naman si Claire. Naririnig din kasi nila maging ang mga usapan ng mga ito. "Sino ang binatang yun?" Tanong ng presidente "Sya po si Neo Renaissance Devilon. 19 years old. Base po sa pagkaka analyze ng computer sa kanya ay wala pong espesyal sa kanya." Tugon ni Claire at nilingon sya ng presidente "Special ba kamo? Nakita nyo na bang lumaban?" Tanong nito pero ni isa ay walang makapagsalita "Sige, palabasin nyo na ang mga Class A at samahan nyo ng isang Class S monster, ngayon natin malalaman ang lakas at abilidad nila." Patuloy ng presidente na ikinagulat ng lahat "P-pero Mr.president.. baka ikamatay nila.." kabadong sagot ng isa at tinawanan siya ng presidente pero ang tawa nito ay napalitan ng seryosong mukha.

"Mamamatay sila kung di sila karapatdapat. Pumasok sila dyan ibig sabihin kaya nila. Sige gawin nyo na" wika nito at kahit kabado ang staff ay sinunod na lamang nila ito.

Agad na may nagwawalang halimaw ang lumabas sa malaking Gate.

Naunang umatake at nagpakitang gilas si Pheonix. Nag anyong ibong apoy ito at binutas ang tyan ng halimaw.

"Fire tackel!!" Sigaw nito at nagsisigaw ang halimaw dahil nabalot ng naglalagablab na apoy ang katawan nito.

Dumating pa ang ibang halimaw. Kanya kanya sa pagpapakitang gilas ang 19 na hero maliban kay Neo na di pa tapos kumain.

"Ground Smash!" Sigaw ni Hammerhead. Isang dakilang hero ng amerika, nakasuot lang ng underwear na blue at batak ang katawan ng muscles.

"Pilo pilo arrow!" Bira ng assasin na batang si Chain Arrow. Isang bata na lumaking kasama ang magulang na lumalaban sa mga halimaw at bihasa sa paggamit ng pana.

"Pin missile!" Sumbat ng cyborg na si Genecs. Isang experimento ng sikat na labaratory ng Japan.

"Flame bassooka!!" Isang bulyaw mula sa sikat na agent ng H.O. si agent XO1.

"Cannon ball!!" Sabay gulong ni Metal Round. Isang nilalang galing sa tribo sa Africa.

"Metal slash!" Isang hataw mula kay Shatter isang Shape-shifter.

"Beast Combo punch!" Sigaw ni Beast Puncher. Mula sa clan ng mga tagong beastman sa Amazon forest.

"Black hole!" Isang bilog ang humigop sa napakalaking halimaw . Namangha ang lahat sa ginawa ni Oni. Isang magician ng underworld.

Natuwa ang mga observant. Ngunit biglang nagsalita ang presidente "Pagsabay sabayin nyo nang ilabas ang rank 10-1" wika nito at agad na sinunod ng staff

Nagulat ang mga heroes dahil sabay sabay ng nagsilabasan ang ibang halimaw at tila palakas ito ng palakas.

Tumilapon ang limang heroes at naalarma ang iba "Kahangalan naman ang ialay kayo sa amin mga nakakaawang nilalang. Pwes ako si Scorpio, kung laban ang gusto nyo pagbibigyan ko kayo" sabi ng isang half-scorpion half-human na halimaw. Sumugod ang isang hero "Lightning kick!" Galing kay Speedlight na isang russian hero. Malakas at nakakasilaw na pagsabog ang bumalot sa silid pero nanatiling nakatayo si Scorpio na kinagulat ng lahat.

"Atake na bang matatawag iyon? Hahaha nasaktan ata ang insekto sa balat ko" asar nito at sumugod ulit si Speedlight "tikman mo ito, lightning double ki...ck.." di nya matuloy dahil biglang sinipit sya ni Scorpio at nagsisigaw sya sa pag aakalang ikamamatay na nya pero biglang nahiwa ang sipit ni Scorpio.

"Napakapabaya mo para sa isang Class S hero." Sabi ng isang dalagang naka all black at may katana na hawak. Isang kisapmata pa ay nagkalasog lasog ang katawan ni Scorpio "Thousand Slices" mahinahong bigkas at nagkalat ang parte ng katawan ng halimaw. Isang atake ni Katana na isang assasin.

Natuwa ang lahat ngunit nakadama sila ng malakas na aura. Palabas na ang Rank 1 ng Class A monster. Dinig ng lahat ang yabag ng mga paa nito, maging ang kalansing ng isang mabigat na sandata at nagpakita na nga ang malaking halimaw na dala ang axe nya.

"Ito na ba ang pinagmamalaki mo sa akin Douglas?! Mga insekto?" Sabi ng halimaw sa presidente. Sumugod ang lima na kanina'y napatilapon ni Scorpio ngunit isang wasiwas lang ng axe ay napatay ang lima.

Napatayo ang ibang staff pero kalmado lang ang presidente.

"Ako si Hellion. Tandaan nyo yan bago ko kayo kitilan ng buhay." Natatakot na ang ibang staff pero nakita nila na sumugod pa din ang ibang hero ngunit napatilapon lang sila. Pinagtulungan pa sya nila Katana pero tila di nakakadama ng sakit ang halimaw. Sa isang bayo pa ng suntok ni Hellion bagsak ang syam na hero.

"Mwahahaha! Tara at maglaro mga insekto. Ikaw ang uunahin ko bata!" asar pa nito at humataw ng axe sa direksyon ni Neo na kakatapos lang kumain.

Seryoso ang binata na hinarap ang paghataw ni Hellion. Kabado ang lahat ng heroes pero nagulat sila ng hawakan lang ni Neo ang malaking axe ng halimaw.

"Duwag lang ang gagamit ng sandata" maangas na bigkas nito at gamit lamang ang kamay ay winasak nya ang axe ni Hellion. Natuwa ang halimaw dahil tila nakahanap sya ng katapat. "Malakas pala ang isang ito. Tignan natin." Isang suntok ang binitawan ni Hellion pero mabilis pa sa ilaw na kumilos si Neo at binigyan ng isang suntok diretso sa puso ang demonyo. Suntok na bumutas sa katawan ng halimaw.

"Imposible" ang tanging nasabi ng halimaw at iba pang heroes. Bagsak ito at tumirik ang mata.

"Kanina pa kita hinihintay, lumabas kana sa lungga mo halimaw." Utos ni Neo kaya nagtaka ang iba pang heroes na tila may kinakausap si Neo mula sa Gate.

"Magaling! magaling!. Kanina mo pa pala ako napansin, gusto kong makilala ka bago kita unahing patayin." Bigkas ng isang nilalang na unti unting lumabas sa dilim. Kulay asul ang balat nito at hugis tao ngunit may mga antena at iisa lamang ang mata nito. Hindi tumugon si Neo. "Isa akong Class S monster na kilala sa pangalang Bills. Galing sa kabilang Galaxy at base sa report ni Destroyer sa akin may isang malakas na nilalang ang makakalaban sa basurang planetang ito. Di nga sya nagkamali, para sa isang tao masyado kang malakas. Kaya sapat na siguro ang kalahating porsyento ng lakas ko para tapusin ka..." daldal nito pero pinutol na ito ni Neo.

"Blah blah blah tulad ka lang ng kaibigan mong si Destroyer. Laging may dramatic entrance at chit chat stories. Nakakasawa na, ikaw ang bumira ng isang daang suntok at tatapatan lang kita ng isa." Seryosong sabi ni Neo at nabalot ang silid ng malakas na aura.

n

Unexpected HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon