Chapter 3: Hero Organization

50 4 0
                                        


Chapter 3: Hero Organization

HUMAKBANG ako papasok sa building. Suot ko ang paborito kong polo na mabuting natuyo ng labhan ko ito kagabi.

Habang papasok pa lang ay nakasalubong ko na ang ibat ibang hero. Sa elevator, nakasabay ko ang isang dalaga na naka all black. Pinagmasdan ko sya at nagpindot naman sya sa kaparehong floor na pupuntahan ko.

Bumukas ang pinto at isang malawak na room ang sumalubong sa amin, sa gitna nito ay isang mahabang mesa at nakaupo dito ang iba pang tao na sa tingin ko ay mga hero dahil obvious naman sa mga suot nila. Ako lang ata ang nakapormal na mukhang mag aapply at lahat sila ay naka hero costume. Lahat ng mata nila ay napunta sa akin.

"Finally, kumpleto na din kayo. Maupo na kayong dalawa at simulan na natin ang meeting" sabi ng isang matanda sa dulo ng mesa.

Sa pagkaupo namin ay nagsimula na itong dumaldal.

"Ako nga pala si Douglas ang presidente ng Hero Organization. Nakapunta kayo dito dahil naimbitahan kayo, in short, kayo ang napili upang buohin ang Class S hero members. Tama, kayo ang mga mapalad na nilalang na unang mapupunta sa Class S." paliwanag ni tanda.

Di ko natiis na magtanong "Ano ba ang Hero Organization?" Sa pagtanong ko na yun lahat ng atensyon ay napunta sa akin. May isang tumawa ng malakas "Hahaha bata, naliligaw ka ba? Di ito ang lugar para sa mga ignoranteng tulad mo, ako si Pheonix para malaman mo inimbitahan tayo para puksain ang mga halimaw sa labas at sa nakikita ko ako lang ata ang may sil.." dada nya pero sumabat na ko

"Isa lang ang tanong ko ang dami mong dada para kang comics character. Ano tanda? Sagutin mo na tanong ko at trabaho ang pinunta ko dito at hindi liga ng madadaldal" tugon ko dahilan para mainis si Pheonix sa akin pero tumawa lang ang presidente na parang si Santa Claus.

"O sya. Di na ako magpapaligoy ligoy, magbibigay pa kami ng ilang exams isang physical at mental exams na susuri sa inyo kung anong rank kayo dito sa Class S. Ang mundo mula ng pumatak ang taong 2050 ay nabalot ng iba't ibang halimaw at habang tumatagal ay palakas sila ng palakas kung kaya nagpasya akong buohin ang organization na ito. Simple lang ang dapat nyong gawin, puksain ang mga halimaw at kikita kayo. Ang rank na meron kayo ay maari pa ding mabago. Ang best of the best ang syang mananatili sa rank 1." Patuloy nya at nakinig na ako tutal kikita naman pala ako edi ayos na din.

"Nahahati ang hero sa limang class" wika nya at binuksan ang isang monitor.

"Hero division:

Class S (Rank 1-20): Unbeattable Hero

Class A (Rank 21-50) : Extraordinary Hero

Class B (Rank 51-100) : Ordinary Hero

Class C (Rank 101-500) : Normal Hero

Class D (Rank 501-5000) : Hero"

Kung susuriin napakarami palang hero, ang Class D daw ay maaring ordinaryong tao na ginustong maging hero. Biglang lumipat ang screen.

"Kahit ang monster ay may mga klase din tulad ng hero ay hinati din ito sa lima" patuloy nya.

"Monster Division:

Class S (unknown): Superb Strength

Class A (Rank 1-30): Ultimate Destroyer

Class B (Rank 31-50): Destroyer

Class C (Rank 51-100): Uncontrolled Monster

Class D (Rank 101-unknown): Monster"

Medyo nacurious ako sa unknown pero nagsalita ang presidente.

"Ang Class S monster ay ang mga di pa nakikilalang halimaw na maaring nagtataglay ng pambihirang lakas. Kaya binuo ang Class S hero para tapatan sila. Ang Class D naman ay nasa rank101- unknown, dahil di pa natutukoy ang eksaktong bilang nila. Kada araw nadadagdagan at napapalitan ang rank nila. 1/4 sa mga ito ay nasa maximum security prison for monster. Kung itatanong nyo ang masasamang tao ba ay kabilang sa mga ito? Tama, pero iwan nyo na ang trabahong yan para sa mga nasa class D heroes. Ang mahalagang malaman nyo ay, PATAY o BUHAY dapat maglaho o mahuli ang mga halimaw na ito. Isa pa pala kada monster ay may katumbas na presyo at iyon ang halaga na kikitain nyo tignan nyo ito" paliwanag nya sabay lipat ng screen.

"Bounty Hunt Prize:

Class S: dead(500k- 5million) alive(10k)

Class A: dead(400k) alive (8k)

Class B: dead(300k) alive (5k)

Class C: dead(200k) alive (3k)

Class D: dead(100k) alive (1k)"

"Tama ang nakikita nyo, mas malaki ang bayad kapag napatay nyo at kung buhay pa at makulong lang, sorry to say pero low profit lang ang makukuha mo. Malaki na yan at galing yan sa tax ng mga tao sa buong mundo. Oo, suportado itong organization ng World Government. Kaya pag igihan nyo Class S." Sabi nya sa amin at pinatay ang monitor. Binigyan pa kami ng isang handbook para daw malaman pa ang ibang detalye.

Natuwa naman ako sa presyo dahil ito na talaga ang trabahong hinihintay ko. Di naman sa mukhang pera pero praktikal ka dapat sa buhay.

Tumayo na ang presidente. "Ngayong araw na din mismo ang inyong examination. Goodluck Class S" sabi nya habang papasok sa isa pang room na sa tingin ko ay office nya.

May pumasok na dalaga,maganda sya at sexy kaya nagluwa ang mata ng ibang lalaking hero dito pero wala akong paki dahil iniisip ko kung papakainin ba nila kami "Kayong lahat, sumama kayo sa akin. Simulan na natin ang examination. Ako nga pala si Claire ang nataasan upang obserbahan kayo." Utos nya kaya nagsitayuan kami at sumunod sa kanya.

Unexpected HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon